Chapter 1

521 12 0
                                    

"Sir Marco!, may meeting po kayo mamayang 1 pm para sa expansion ng bagong establishment na pinatatayo sa Tagaytay", pagreremind ni Val sa boss niya.

"sinabi ko naman sayo, na ikaw nalang ang pumunta Val", -Marco

"sasamahan naman kita doon sa loob ng conference room eh. Sige na, Marc". Pagsusumamo ko.

"fine, then"- marco

I'm Valerie M. Sarmiento, 26, single, I own the company named ELITE, it is a company that caters the needs of people when it comes to their houses and dresses specifically.

I studied Business Ad and graduated at the age of 18, i pursued my dream and that is interior and fashion designing, i started the company at the age of 22.

I tried my best to forget my dark past, iginugol ko ang oras ko sa pagpapayaman at nagtagumpay nga ako, now, my wealth is hidden in the name of Mr. Marco T. Aguilar, my personal assistant, my president and my bestfriend.

"i'm sorry, we came 5 minutes late" apologetic na sabi ni Marco habang papasok sa conference room. Nakasunod lang ako sa kanya.

"okay lang, we didn't wait that long" sabi ni Mr. Montenegro.

"let's start then"

Ipinrisinta ko na ang report tungkol sa expansion. It is a new branch of our ELITE dress shop. Sila mr. Montenegro ang makakapartner namin dahil mas mapapapabilis ang development ng project kapag partner mo ang nasa taas ng hierarchy. Nakakagulat nga dahil pumayag sila agad sa proposal. I think i know the reason behind. Pumapangalawa na ang company ko sa kanila. They say, get your friends close and your enemies closer.

"it is a deal then?"

"yes Mr. Montenegro, we will start the project any time this week"- Marco

"okay then, marami pa akong projects abroad, i'm going to send my son to cater your needs kung may kailangan pa kayo, my son is the best engineer in town" proud na proud na sabi ni Mr. Montenegro

"it's our pleasure"

At natapos ang meeting na ganun.

Days have passed, on going ang expansion sa Tagaytay, so far, wala naman kailangan dahil equipped naman ang company ko bago ko pinlano ang expansion at sa totoo lang, kaya kong ipatayo yun pero iba padin pag may business partner kang bigatin, mas magiging mabilis ang development at mas mabilis na dadami ang costumers pag alam nilang 2 major companies ang may-ari. Can't argue with that.

Matulin ang lakad ko papuntang office dahil medyo tinanghali ako ng gising, hindi naman sa masisisante ako pero bilang isang sekretarya, hindi ka dapat nalelate. Ewan ko ba? At the age of 26, adik na adik padin ako sa k-drama kaya ayan.

Pasara na ang elevator nang patakbo kong iniharang ang kamay ko para bumukas ulit yun, buti nalang mabait ang nasa loob at pinindot ang open button kasi kung hindi? Baka ma final destination ako.(horror)

"Uhm, thank you sir"- wika ko sa taong naka suit, gwapo, matangkad nasa 6 feet ang height nito, maitim ang prim and proper na buhok, kulay green ang mata, medyo tanned. Teka nga? Aware ba kayong tinititigan ko siya? Kasi ako hindi. Saka ko lang narealize yun nong tumikhim siya kaya napabalik ako sa ulirat ko. Aww. Nakakahiya.

"Miss, alam kong gwapo ako pero nakakaintimidate", napanganga nalang ako sa sinabi ng mamang feeling. Umayos na ako ng tayo nang nagtanong siya ulit.

"anong floor kaba? Kanina kapa hindi pumipindot ah. Baka nakalagpas kana dahil busy ka sa pagmememorize sa features ko", napanganga ako ulit pero agad kong isinara ang bibig ko, napakayabang naman pala neto.

"Sa 30th pa ako sir", magalang kong turan.

"doon din ako papunta, mukha kang empleyado? Are you mr. Aguilar's secretary? Uh-oh can't be? 9:30 na eh. Imposible?', hindi ko alam kung sasagutin ko paba ang tanong niya kasi parang sinagot nadin naman niya, nagduda nga lang.

Pagkabukas na pagkabukas ng elevator, tumakbo ako agad sa table ko at ini ayos ang mga gamit ko doon, buti nalang at 10 am pa ang meeting ni Marco, makakapagpahinga pa ako. Ang tamad tamad ko talaga. Nakikita kong paparating na si Mr. Good looking with no manners. Tumingin siya sa akin ng namamangha, hindi siguro makapaniwalang totoo yung sinabi niya kanina.

The Secret of the Secret BossWhere stories live. Discover now