Chapter 13

98 5 0
                                    


Kinaumagahan, pumasok na ako. Hindi ko na matagalan ang pagmumukmok sa condo. Marco hired a body guard pero hanggang sa labas lang sila ng company, ano nalang ang iisipin ng mga tao kung may nakabuntot sa aking dalawang taong seryosong seryoso.

Napatigil ako sa paglalakad ng salubungin ako ng katrabaho kong si Miranda.

"hindi kapa nakuntento kay sir Marco?" masungit niyang turan sa akin.

Hindi ko siya pinansin at dinaanan lang pero bago pa man ako makalagpas sa kanya ay hinigit niya ang braso ko, agad ko namang tinabig iyon.

"wala akong panahon sayo Miranda" seryoso kong sabi na dahilan ng pagkakagulat niya.

"whoa!, what happened? Nasan na ang pasweet at pademure na Valerie?." maarte niyang tanong.

"kung gusto mo pang manatili dito sa kumpanya, better shut your mouth" wika ko sabay alis sa harapan niya. Hindi siya gumalaw sa kinatatayuan niya, halatang nagulat sa inasta ko. Well, this is the real me.

"Marco," sabay upo sa sofa.

"what?." nakaharap siya sa laptop niya kaya't hindi siya nakatingin sa akin.

"we're going to the business conference", I said it. Dahilan para mapatingin siya sa akin, agad kong nakita ang nakataas niyang kilay.

"What?" tanong ko.

"kahit kailan, hindi kapa pumunta sa kahit na anong business conference" wika niya.

"i changed my mind. I'm going." wika ko.

"by the way, Marquez Realties called, they want to talk to me, kakapit din ata sila sa patalim, your dreams are coming true" matabang niyang wika sa akin.

"i'm sending you, eto yung address" sabay abot niya sa akin ng maliit na papel.

"kasama mo naman ang bodyguards mo diba?" dagdag pa niya

"yes" kinuha ko ang papel at lumabas na. It is a restaurant. Wala naman siguro silang hidden agenda, besides, ako ay si Valerie.

Pagdating ko sa isang Japanese restaurant ay agad akong iginaya ng manager nila sa isang reserved VIP table, nasa labas ang mga bodyguard ko pero nakikita ko naman sila mula rito.

Nagulat ako sa nadatnan ko doon, what does he want?

"hello" tumayo siya para makipag kamay sa akin.

Act normal, Valerie.

"good morning, Mr. Marquez" sabay abot sa kamay nito.

"have a seat" wika niya sabay turo sa upuang nasa harapan ko.

"thank you" wika nito.

"i heard what your company did sa mga major stockholder at shareholder ng kumpanya ko" wika niya.

Prente akong nakikinig sa sinasabi niya.

"waiter! Water please" dahil nanunuyo ang lalamunan ko. Agad namang lumapit ang waiter at nag-abot ng tubig.

"shall we order?" tanong niya.

"it's okay. I'm not yet hungry" sabi ko naman.

"your company bought their shares" wika niya. Habang nakatitig sa akin.

"and I'm surprise dahil ikaw ang nakikipag-usap sa akin ngayon at hindi ang presidente niyo" serysosong wika niya.

"the president trust me with this, sir" wika ko at nakipagtitigan din ako sakanya.

"gusto kong makipag-usap sayo tungkol sa kumpanya ko" wika niya

"that's why were here" nakataas kilay kong wika sa kanya.

"pabagsak na ang kumpanya ko, may sumabotahe sa pinakamalaking project namin this year kaya't nag pupull out na ng shares ang mga investors namin",

Nagtiim bagang lang ako sa narinig ko, yes, I heard na hindi natuloy ang plano nila dahil itinakbo ng pinagkakatiwalaan nilang tao ang fund para dito, not my fault. Really!

"what do you want me to do?" wika ko.

"don't pull your shares" may halong pagmamakaawa ang mga mata niya.

"you know my company's terms and conditions about this Mr. Marquez" wika ko

"yes, give me time "

"Mr. Marquez, pabagsak na ang kumpanya mo" sabi ko habang chinecheck ang mga papeles pa tungkol dito. They are bankrupt, ang tanging nagpapatayo nalang sa kanila ay ang mga shares ko.

"I know, my father will kill me pag nalaman niyang nangyayari ito sa kumpanya" .punong puno ng poot ang mga mata niya. Well, that's not my problem anymore.

"makakarating ito sa presidente" wika ko. Nakarating na actually, at handang handa na siyang patalsikin kayo sa mga posisiyon ninyo ngayon.

"thank you" wika niya at binalak niyang hawakan ang kamay ko pero ini iwas ko iyon.

"kumusta nanga pala kayo ni Reigan?" tanong niya. How can this man be this ruthless, alam kong hindi lang tungkol sa kumpanya ang dahilan kaya siya nagpatawag ng meeting na ganito. Well, maybe, kung si Marco ang kausap niya ngayon ay hindi aabot sa ganitong usapan.

"I don't know" wika ko. Dahil hindi ko naman talaga alam. I never heard of him. Galit padin kaya siya sa akin?

"I told him that I like you at nag give way siya" sabi niya sa akin. Tinignan ko siya ng nakakunot ang noo ko. Ano daw?

"stop fooling around mr. Marquez" wika ko.

"I'm not, Venice" tinignan niya ako sa mata, napatulala ako nang narinig ko ang pangalang iyon pero agad ko ding naibalik ang sarili ko sa realidad.

"first and foremost, I'm not Venice, I'm Valerie, Mr. Marquez" seryoso kong wika sakanya.

"oh, hahahha. Ikaw ang mag stop fooling around. Yes, you've grown up into that very beautiful woman, pero you are mine from the very start" magpabiro niyang wika sa akin.

"Sir, kung tapos na tayo sa business meeting, I'm excusing myself dahil marami pa akong gagawin" patayo na ako pero nahawakan niya ako sa siko. Pilit ko iyong tinatanggal pero lalo niya pang hinigpitan.

"Saan ka pupunta?. hindi kana paniniwalaan ni Reigan, I told him everything he doesn't know" nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin sa akin. I'm not affected, by the way.

"He's with someone else, hindi kana niya papansinin. Babalik kana sa akin" wika nito. Pilit ko pading tinatanggal ang pagkakahawak niya sa siko ko, iniingatan kong hindi siya maibalibag dito dahil nakakahiya sa mga makakakita.

"wala akong pakialam Mr. Marquez. And please, stop talking nonsense." sa wakas ay naalis ko din ang pagkakahawak niya.

Pero bago pa ako makahakbang ay nahawakan niya ako sa magkabila kong braso at pinipilit ako halikan. Hindi ako nagdalawang isip na sampalin siya, nakakakilabot!

Saktong dumating ang mga bodyguard ko at pinigilan siya sa kanyang masamang gawain.

"akin ka! Venice" galit at pasigaw niyang sabi habang nagpupumiglas sa mga body guard ko.

"ako! Ako ang nauna sayo, akin ka!" ang walang hiya. Walang hiya.

Bago pa siya makapag salita ng kung ano ay lumabas na ako sa restaurant na iyon.

From this day on, gagapang siya at luluhod sa harapan ko, magmamakaawa siya mas malala pa sa ginawa kong pagmamakaawa sakanya noon.

The Secret of the Secret BossWhere stories live. Discover now