Chapter 14

112 4 0
                                    

Umuwi ako sa condo at sinubukang tawagan si Reigan. May parte sa akin na gusto siyang makausap, miss na miss ko na siya. Siguro para kay Val ay si Reigan ang pinaka magandang nangyari sa buhay niya.

Kung may iba nanga siya, napakabilis niya naman maghanap. Puro cannot be reached ang naririnig ko sa kabilang linya.

Nagbihis ako at nagpasyang lumabas. Iinom ako ngayon, bahala na. Nagshower ako at nag ayos.

Hindi na ako nagpa alam kay Marco, I went to PTB, pagkapark ko sa parking area ay nakita ko agad ang kotse ni Reigan. So?, he's here hah.

Pinapasok ako kaagad ng mga bouncer, dumeretso ako sa bar counter at nag order ng hard drink.

Nakakalimang shots palang ako pero marami nang lumalapit sa akin. Kesyo, makikipag kaibigan daw, I don't give a damn. Pakialam ko sa kanila kaya't tinatarayan ko lang at di pinapansin.

"you shouldn't be wearing that" bulong ng lalaki mula sa likuran ko. Malakas ang music sa bar pero rinig na rinig ko iyon. Ang malamig na boses niyang ginising ang buong sistema ko.

"at ano naman sana ang isinusuot ko?" wika ko, hindi ko padin siya nililingon.

Hinawakan niya ako sa bewang, gustong gusto kong lingunin ang taong nagbibigay sa akin ng gantong pakiramdam ngayon ngunit natatakot ako dahil baka mabigo lang ako. Ayokong umasa na ang mga matang masisilayan ko ngayon ay ang mga matang nagmamahal kay Valerie. Ayokong makita ang mga matang galit na galit sa akin.

Binitawan niya ang hawak sa aking bewang, wala nadin akong narinig na nagsalita, ayoko ding lumingon, pinigilan ko ang sarili ko.nag order padin ako ng inumin hanggang naramdaman ko ang pagkahilo. Bago pa ako makatayo ay may humablot na sa braso ko. Dahilan ng pagmumura ko. Sorry Lord.

"ano ba?" pasigaw kong wika sa taong gumawa sa akin noon.

"san ka pupunta?" wika ng lalaking nasa harapan ko ngayon.

Now, now hahaha. Nawawala na ako sa tamang pag-iisip.

"ano bang paki alam mo?" inis kong tanong.

"I'm taking you home" wika niya habang seryosong nakatingin sa akin.

"I can manage myself" ako.

Hinila niya ako palabas ng bar, nagpahila narin ako dahil pinagtitinginan na kami doon.

" ano bang ginagawa mo?" hinawi ko ang braso ko kaya nabitawan niya iyon.

Masama ang tingin niya sa akin. "ikaw? Ano sa tingin mong ginagawa mo?" medyo galit niyang tono.

"i'm relaxing"

"relaxing?! sa bar!" sigaw niya sa akin. Nagulat ako sa inasta niya. Tssss

"why do you even care?. I'm giving you the time you want. I'm not bothering you. So why now? Hah, Reigan!" sigaw ko pabalik. Akala mo papadaig ako sayo.

"umuwi na tayo" wika niya. Sabay hila sa akin sa sasakyan niya.

Then, I passed out.

Nagising ako sa sobrang sakit ng ulo.

Pagtingin ko sa orasan, alas syete na. Pagbaling ko ay nakita kong mahimbing na natutulog ang lalaking ito sa tabi ko.

" Tanghali na!" at tinapik tapik ko nga ang braso ng lalaking katabi ko ngayon.

Niyakap ako ni Marco dahilan ng pagkagulat ko. Pilit kong tinatanggal iyon dahilan para lalo niya pang higpitan.

Humarap siya sa akin "miss na miss na kita", inaamoy amoy niya ang buhok ko sabay yakap ng mahigpit sa akin.

The Secret of the Secret BossWhere stories live. Discover now