Chapter 6

126 4 0
                                    


Val's POV

Dinalaw na naman ako ng napakasamang panaginip. Pagtingin ko sa orasan na nasa bedside table ko, 8:53 am na, may nakita akong sticky note.

It's okay to be late. Magpahinga kana muna

-Marco

Natrouble ko na naman siya kagabi. Kung wala siya, malamang matagal na akong malamig na bangkay sa higaan na ito.

Bumangon na ako kahit ambigat bigat ng pakiramdam ko, kailangan kong pumasok, may mga business meeting kami ngayon. Kailangan ko din bisitahin ang site sa Tagaytay. Nagtagal ako sa banyo, parang ayokong kumilos.

Nakapasok ako ng 10:00 am, nasa kanya kanyang cubicle na ang mga office workers kaya hindi na nila ako napansin nang pumasok ako. Pagkapasok ko sa office, naririnig kong may kausap si Marco.

"kailan ka bibisita sa site?"- tanong ni Marco sa kausap.

"bibisita lang ako kung kasama ko si Val"- aba't? Narinig ko ata ang pangalan ko. Boses palang, kilala ko na kung sino ang nagsasalita. Si Mr. Good looking with no manners.

Napatawa ng malutong si Marco."don't tell me, you like her?" pang-aasar ni Marco sa kausap.

"yes Marco, i'm dead serious. I really like her. It was like uh! Hayaan nanga lang. Pupunta ako mamaya sa site to check kung maayos na. Naipatayo na ang building. Ang kailangan nalang icheck ay yung interior at mga landscape"- update ni RM.

"okay then, goodluck with that hahhaha"- pang- aasar ulit ni Marco.

Nakarinig ako ng papalapit na yapak ng sapatos kaya umayos ako sa pagkakaupo. Patay malisya nalang ito.

"goodbye, sir", masiglang bati ko sa papalabas nang si Reigan. Nilingon niya lang ako tsaka lumabas, napansin kong pulang pula ang mga tenga niya. Hahaha, what was that?

After lunch, nagpaalam na ako kay Marco na bibisita sa site. Sinabi niyang hinihintay na ako ng chopper sa may helipad. Pagdating ko sa rooftop kung nasaan ang helipad, nakita kong nandoon din si Reigan, halatang inip na inip na. Sino ba naman kasi ang nagsabing hintayin niya pa ako diba?

"you know what, i like you pero ayoko ng babaeng laging nalelate", dere deretsong sabi ni Reigan sa akin, sinasabi niya yun habang paakyat ako sa loob ng chopper, nakatingin lang siya sa akin, nagulat nalang ako dahil bigla niyang ikinabit yung seatbelt ko, naestatwa ako sa ginagawa niya ngayon, ang lapit niya sa akin, sobra, inabot niya ito galing sa kanan ko dahilan para mapasandal ako sa upuan, siguro, pulang pula na ako ngayon, ramdam na ramdam ko na nag init ang pisngi ko. Inilagay niya din ang headphone sa akin. Nawiwindang ako sa mga ginagawa niya.

Nakaupo na siya ng maayos habang kinakausap ang piloto na nasa harapan. Nakatulala padin ako. Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o ano. Basta ang alam ko, pulang pula padin ako, oa na kung oa, ngayon lang ako nakaramdam ng ganito eh. Hindi ako mapakali.

Sa duration ng byahe namin, madalas nakatulala lang ako. Etong lalaking katabi ko, kanina pa tingin ng tingin, parang may gustong sabihin pero hindi lang makabwelo.

Lumapag ang chopper sa bakanteng lote malapit sa site, nauna siyang bumaba at inilahad ang kamay niya. Hindi ko nalang pinansin, hindi padin kasi ako mapakali eh. Pakiramdam ko ang bilis bilis ng tibok ng puso ko, sobra. Nanlalamig din ang kamay ko pero ang init ng mukha ko. Epekto to ng pagsakay sa chopper. Epekto lang. Haha

"hey, hintay naman", patakbong tawag ni Reigan sa akin.

"bilisan mo", walang lingun lingon kong sabi.

Hindi niya na ata ako mahabol kaya tumakbo na siya at agad nahawakan ang kamay ko. Ang unang pumasok sa isip ko ay tanggalin ang pagkakahawak niyang iyon pero naunahan akong mabuhusan ng yelo, naestatwa na naman ako, pakiramdam ko'y pulang pula ang mukha ko habang nakatitig ng deretso sa kanya.

Lalo niya pang hinigpitan ang hawak niya sa kamay ko at hinila na ako papuntang site. Pinagtitinginan na kami ng mga trabahador doon, yung iba'y may pangisi ngisi pa at halatang nanunudyo.

Hindi niya padin binibitawan ang kamay ko, kumuha siya ng protective gear sa ulo for precautions, sinuotan niya ako nun nang hindi binibitawan ang kamay ko. Wala na, hindi ko na alam. Naguguluhan na ako, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Ngayon ko lang naramdaman to, gulong gulo. May parte sa akin na masaya kasi nakakaramdam ako ng kakaibang pag-aalaga ngunit may parte sa akin na natatakot.

"sir, kailan mo ako balak bitawan?", naiiinis na tanong ko.

"hinding hindi kita bibitawan", seryosong sagot niya.


Pagkatapos ng pagbisita namin sa site, mas naging malapit kami sa isa't-isa. Inaya niya akong magdate, pumayag ako.(kinain mo lahat ng sinabi mo Val. Busog kana niyan? Ani awtor)

Ilang ulit narin niyang sinabi sa akin na magdinner sa bahay nila pero hindi ako pumapayag. Maguguilty lang ako, purong kasinungalingan lang din naman ang maisasagot ko kapag nagtanong sila tungkol sa buhay ko kaya saka nalang. Pag handa na ang loob kong magsinungaling ng napakatindi.


itutuloy . . . 

The Secret of the Secret BossTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang