Kabanata I: Kwintas

341 17 16
                                    

Pagmulat ng aking mga mata nanginginig at hindi ko magawang maigalaw ang aking buong katawan.

May madulas at mabulang likido ang lumabas mula sa aking tenga at isang napakatulis na siyap naman ang aking narinig.

Mga ilang sandali pa ang lumipas, biglang may sumaksak sa aking binti at nagawa ko nang maigalaw ang buo kong katawan. Walang alinlangan kong tinangal ang nakatusok na patalim sa binti ko, ngunit nang tingnan ko ito; wala man lang bakas ng dugo ang dumanak mula rito.

Isinantabi ko muna ang nasaksihan ko at dali-daling sinundan ang sumaksak sa akin. Sa tulong ng mga yapak nito ay naabutan ko siyang huminto sa labas ng pinto.

Nang masulyapan ko ang kaniyang mukha-si itay ang aking nakita.

Sumakabilang buhay na ang aking ama pero heto siya ngayon nakatayo. Tinanong ko naman siya kung bakit niya ito nagawa, pero hindi man lang niya ako kinibo.

Dito ko na napagtanto na panaginip lang pala lahat.

Sinubukan ko agad na gumising
pero hindi ko iyon magawa. Nagsimula na akong mangamba dahil pakiramdam ko ako'y patay na. May mga tinig akong naririnig ngunit nakapagtataka at hindi ko iyon nakikita.

Habang pinagmamasdan ko si itay, biglang may isang lalaking nagkakandarapang lumabas at kinandado ang trangkahan. Sinubukan kong harayain na makalabas, at bigla nalang ako napadpad sa labas.

Minadali kong tinakbo ang bakuran sabay isip ng aking higaan. Unti-unti akong nakarinig ng mga boses hanggang sa magising ako. . .

Astral TravelUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum