Kabanata III: Astral Plane

113 9 29
                                    

Habang naglalakad ay bahagya kaming napatingin sa kalangitan nang makita naming nagkakagulo ang mga ibon at ang mga uwak naman ay nakalambitin sa poste.

Sa 'di inaasahang pangyayari lumindol nang malakas kasabay nito ang malakas na pabugso-bugso ng hangin. Paglabas ng mga estudyante at guro ay patungo ito sa aming kinatatayuan.

Gumalaw ang lupa, umatras ang mga sasakyan, at nataranta nang husto ang lahat; nagsisigawan, nagkagulo ang mga ibon, nagsidasalan ang ilan, at nagkabanggaan ang mga sasakyan.

Ang eksena na ito ay kasing tulad nang napanaginipan ni Kevin at ang imaheng nakita ko sa libro.

Biglang nahulugan ng isang ibon ang kamay ni Kevin sabay ng panghihina niya pero mahigpit pa rin niyang hawak ang braso ko.

Sa oras na ito wala kaming ibang magawa maliban sa hintayin ang pagtigil ng lindol.

Pagkalipas ng ilang sandali unti-unting huminto ang lindol at gumaan na rin ang pagkahawak ni Kevin sa braso ko.

Pinauwi kami lahat ng aming punong guro at inanunsyo nito ang pag-kansela ng klase sa loob ng isang buwan.

-

Nakakalat na libro ang aking nadatnan nang makarating kaming magkaibigan sa apartment. Hindi ko na lamang iyon pinansin at agad binuksan ang aking laptop at nagsaliksik tungkol sa nangyaring lindol.

Napag-alaman kong nasa 7.2 magnitude pala kalakas ang tumamang lindol. Maraming kabahayan at imprastraktura ang nasira at marami ring tao ang nasawi. At nang makuntento na ako sa mga impormasyong nalalaman ay naisipan kong magsaliksik tungkol sa mga kakaibang naranasan ko nitong nagdaang araw.

Pagkatapos rin ng ilang minuto ay napag-alaman kong astral projection pala ang tawag sa panaginip na madalas kong nagagawa. Ito ay paghiwalay ng kaluluwa mula sa pisikal na katawan upang makapaglakbay sa dimensyon na tinatawag na astral plane.

Isang website naman ang pumukaw ng atensyon ko dahil sa kakaiba nitong disenyo. Para itong isang laro dahil humihingi ito ng username at password. Pinindut 

Nakasulat din dito, na iilan lang ang mga taong biniyayaan ng kakayahang makapag-astral projection nang madalian, at isa na ako ro'n.

Makalipas ang ilang minuto, natapos nang gawin ni Andrew at Kevin kung ano man 'yung ginawa nila. Pumunta agad kami sa kwarto ko at hinikayat ko silang gawin ang tinatawag na Astral Projection.

Pero tumanggi sila.

Ipinaliwanag ko sa kanila na ang astral projection ay hindi mapanganib, at kung sakali mang galawin sila ng mga masasamang nilalang ay babalik sila kaagad sa kanilang katawan.

Sabi ni Kevin, nasubukan na raw niya ito pero hindi niya alam ang tawag dito. Si Andrew naman ay hindi pa ito nasusubukan pero parati raw niyang nararanasan ang sleep paralysis at pag-lucid dream. Nang malaman ko 'yon ay ipinabasa ko agad sa kaniya ang site na nagtuturo ng mga paraan upang makalabas habang naka-sleep paralysis...

Pagkatapos niyang basahin iyon, lumabas na sila sa silid ko at pumasok sa kani-kanilang kwarto para simulan ang Astral Projection.

Sinimulan ko nang humiga't pumikit.

Nang maramdaman ko na ang nangingiliting vibration, agad kong inisip ang pagulong-gulong hanggang sa nahulog ako. At gaya ng dati, pagtayo ko, nakita ko ang aking sarili na nakahiga.

Lumabas agad ako sa kwarto at nakita  sina Andrew at Kevin na nakatayo sa pintuan malapit sa kusina.

"Scott, ang dali lang pala! So, anong plano?" mayabang na sabi ni Andrew.

Astral TravelWhere stories live. Discover now