Kabanata VII: Huli na

50 3 0
                                    

Nailibing na ang katawan ng lola ni Scott at si Scott naman ay hindi pa rin siya nagising mula noong huli ko siyang nakita.

Naaawa ako sa kalagayan niya. Ang daming pasa sa buong katawan niya. Nakakalungkot talagang isipin kung ano ang kaniyang magiging reaction kapag sa oras na malaman niya na sumakabilang buhay na ang lola niya.

Sabi ng doctor, nakomatos siya dahil sa pagkabagsak niya sa isang burol. Pero hindi ko pa rin lubusang matangap iyon. Dahil noong siya ay nasagasaan halos kaladkarin na siya ng isang van. Ni hindi man lang siya nagkaroon nang bali o di kaya'y malalim na sugat. Maliban nga lang sa pasa. At isa pa hindi ko nga siya nakita doon sa kakahuyan.

Pakiramdam ko talagang may kakaiba.

Kaya nagsaliksik kami ni Kevin sa internet. Agad naman naming naalala ang site na ipinakita ni Scoot sa amin noong nakaraang araw tungkol sa Astral Projection.

Nabasa ko dito ang nangyayari ngayon sa mundo ng astral. Noong una, hindi ako naniniwala pero kalauna'y napaniwala na rin ako. Nagkatugma kasi lahat.

Sabi dito, itinago sa mga Astral Travelers ngayon sa publiko ang nangyayari ngayon na hindi maipapaliwanag ng siyensa. Dahil sa tuwing sasapit ang alas tres ng gabi walang kamalay-malay ang mga tao na dinadasal nila ang mahikang nakapagbubukas ng lagusan. Ito ang tinatawag nilang 'devil's hour,' kung saan ganap na nagpapahinga ang katawan ng tao kaya mas madaling naaapektohan sila ng pagbabago ngayon sa mundo ng astral.

Upang makumperma namin iyon ay noong kamakailan lang hindi kami natulog ni Kevin at inoobserbahan namin ang mga tao sa ospital dito habang sila'y natutulog. Noong sumapit na ang alas tres wala naman silang kakaibang kinikilos. Maliban nga lang sa mga mata nilang nanlilisik na parang gising. Pinagmasdan namin ni Kevin ito ng ilang minuto tapos bigla na lang itong napapalitan ng kulay puti, pagkatapos ng ilang saglit pa'y babalik na ito sa normal...

Ang pumukaw talaga sa atensyon ko ay ang nakasaad sa isang blog na:

Unti-unti nang binabalot ang mundong ito sa magkabilang dimensyon, kung saan may kakayahang makapaglakbay dito ang mga masasamang nilalang. Subalit hindi sila nakakapanakit at nakakakita ng tao at gaya naman ng tao hindi rin nila nakikita ito. Marahil hindi sapat ang ethereal matter na nakakapag bigay lakas nila.

Naghahanap ang mga masasamang nilalang ng lugar kung saan nangingibabaw ang negatibong enerhiya na posibleng makuha nila sa mga taong hindi malakas ang pananampalataya. Sapakat dito sila maaaring humugot ng lakas,at kung sapat na ang lakas nila ay posibleng makasanib sila sa katawan ng ibang tao.

Hindi ko alam kung ganoon ba talaga ang ibig sabihin nito dahil isinalin ito ng google translator mula sa wikang inglis.

Nakasaad din sa site na ito na ipinagbabawal na raw ang pag astral projection. Dahil posibleng hindi na makakabalik pa ang kung sino mang sumubok na gawin ito.

Gustuhin ko mang tulungan si Scott pero wala naman akong maitutulong sa kanya. Maliban sa— Gawin ko ang Astral Projection. . .

"Bruh, totoo ba talaga ang nakasaad diyan? Baka naman gawa-gawa lang 'yan?" Tanong sa'kin ni Kevin pagkatapos niyang basahin ang ibinigay kong link.

"Hindi ko rin nga alam, bruh," sagot ko naman sabay upo sa tabi niya, "subukan kaya natin ulit?"

"Ang ano?" Agad naman niyang tanong.

Tinignan ko si Scott sa kaniyang kinahihigaan at muling ibanaling ang atensyon sa kaniya. "Astral Projection."

"Nababaliw ka na ba?" Napakunot ang noo niya.

"Paano natin malalaman kung hindi natin susubukan?" Tumayo siya at tuluyang naglakad papunta sa pintuan. "Saan ka naman pupunta?"

"Papayag lang ako, bruh, kapag gising na si Scott" huli niyang sinabi bago tuluyang umalis.

Agad ko namang Itinumba ang aking katawan sa hindi gaanong malambot na kutson at dinadama ang antok na kanina ko pang iniinda...

Sa aking paglalakad papunta sa apartment nadaanan ko ang kakahuyang pinuntahan ko noong nakaraang araw.

Naisipan kong pumasok doon upang makita ang lugar kung saan nahulog si Scott.

Mga ilang sandali habang tinatahak ko ang malalagkit na putik, hindi ko man lang napansin na may abandonadong gusali pala sa harapan ko. Sa tingin ko, dito tumutuloy 'yong lalaking naka-albang nakakita kay Scott noong nakaraan araw. Nakapagtataka lang na hindi ko man lang ito nadaanan noon.

Habang papalayo ako sa lansangan mas naramdaman ko ang unti-unting paglamig ng ihip ng hangin kasabay niyon ay ang pagbuhos ng malalaking patak ng ulan.

Nagmadali akong tumakbo sa abandonadong gusali at nang marating ko iyon, akmang kakatukin ko ang pinto ngunit bigla na lamang itong bumukas nang kusa. Dahil na siguro ito sa malakas na hangin.

Sa dinami-raming araw bakit pa kasi ngayon pa umulan?

"May tao po ba rito?" tanong ko. Wala namang sumagot kaya napilitan akong pumasok.

"Andrew, ikaw ba yan?" Nanlisik ang mata ko nang marinig ko ang isang pamilyar na boses.

"Scott?" Kahit madilim ang paligid naaninag ko pa rin ang pigura ni Scott. Hindi ko gaanong nasilayan ang mukha niya ngunit alam kong siya 'yon.

"Andrew, Huli na ang lahat," pagkadismayang sabi ni Scott at nang makita ko na ang kaniyang buong katawan, tuyo na dugo ang kumakapit sa puti niyang damit. Wala man lang kaemo-emosyon ang mukha niya.

"Huli na ang lahat. . ."

Sinubukan kong gumalaw sa kinatatayuan ko pero hindi ko ito magawa.

"Huli na. . ."

Naramdaman ko ang mahigpit na pagsakal sa aking leeg kasabay nito ang unti-unting paglaho ng pader at napalitan ito ng panibago, ngunit sira. Mas lalong lumawak ang buong paligid. Samantala, naglaho ang mga kagamitan maliban sa maalinsangang sulo at aranya. Sumindi ito nang kusa. Biglang humina ang pagsakal sa kin at unti-unti kong naaalala ang pangyayari noong ako ay nawalan ng malay. . .

"Huli na. . ." Napaluhod si Scott hanggang sa unti-unting naglaho ang kaniyang katawan.

"Hul—"

Sa aking pagmulat, narinig ko ang mga nurse at doctor na nakatalikod sa kin na panay sa pagbubulungan.

"Ano hong nagyari?" Tanong ko sa isang nurse na nakatingin sa akin.

"Nagising na ang iyong kaibigan." Nakangiting sabi niya. Tumyo't sumilip ako sa nakaharang na mga nurse at doktor. Nakita ko si Scott na kinakausap ng isang doctor.

"Ang paa mo naman. Dahan-dahan lang ang paggalaw." Utos ng doctor at sinunod naman yun ni Scott.

Agad kong tinawagan si Kevin pero hindi siya sumagot. Pero nag-iwan siya ng isang minsahe: 

20:00

09/02/2008 

Kevin

Bruh, alam kong pang-spongklong itong naisip mo. Pero wala naman tayong ibang magawa hindi ba? Gagawin ko na ang astral projection ngayon. Pumunta ka na rito. Mauna na ako. Magkita nalang tayo sa Library.

Astral TravelUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum