Kabanta IV: Dagà

92 8 1
                                    

May naririnig akong mga boses na hindi ko nakikita at bigla kong naalala ang realidad.

"Scott!"

"Scooot!"

"Gumising ka na!" malakas na tili ni Andrew dahilan ng pagmulat ko. Napaatras naman ako bigla nang makita ang muka niya.

"Andrew, a-anong nangyari sa m-mukha mo?"

"Hindi ko rin alam. Pagkagising ko na lang, ganito na 'yong mukha ko." Inilibot ko ang tingin ko pero hindi ko makita si Kevin.

"N-nasa'n si Kevin?"

"Nasa labas. Bumili ng pagkain. Malalim na ang gabi pero hindi pa tayo nakakapaghapunan," sabay himas niya ng tiyan.

Bigla kaming napatingin sa pinto nang marahas itong binuksan.

"Nakaserado na lahat ng Convenience Store, bruh," ani Kevin.

"Ako na lang kukuha ng pagkain," boluntaryo ko.

***

Mula rito tanaw ko na ang tindahan ni Lola. Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ko ang kakaibang boses sa 'di kalayuang abandonadong gusali. Papasukin ko na sana ang trangkahan para suriin kong ano 'yon pero hindi ko na pinagpatuloy pa nang humina na ang mga boses nito.

Pagkatapos kong kumuha ng delatang pagkain sa tindahan ni lola agad akong bumalik sa apartment.

Nang madaanan ko ulit ang abandonadong gusali kanina ay bigla ko na namang narinig ang kakaibang boses doon.

Hindi ko na napigilan pang magtaka at naisipang ituloy ang pagsilip dito. Kahit na humina ulit ang boses nito ay tinuloy ko pa rin ang paglalakad hanggang nasa tapat ko na ang pinto.

Binuksan ko ito at agad sinira.

Tanging liwanag lamang ng buwan ang nagsisilbing ilaw ko rito. Madilim pero sapat naman ang liwanag ng buwan para maaninag ko ang loob.

Maingat kong nilapag ang dala-dala kong pagkain sa lumang lamesa at napaigtad naman ako bigla nang marinig ulit ang boses kanina. Mabilis akong napalumpasay at nagtago sa ilalim na lumang lamesa.

Naalala kong lumindol pala noon kaya posibleng naging mukha lang itong abandonado. Akmang lalabas na sana ako sa pinagtataguan nang makahingi ng tawad ngunit hindi ko na pinagpatuloy pa nang lumakas ang mga boses nito. Ngayon ko lang napagtanto na hindi pala ito boses ng nag-uusap ngunit boses ng nag-oorasyon. Dahil sa boses nito ay bigla akong nakaramdam ng maalinsangang pagdaloy ng dugo ko sa buong katawan, nanlalambot bigla ang aking mga binti at walang tigil pa ang panginginig nito.

Mula dito ay rinig na rinig ko ang pagbukas ng pinto. Umalingaw-ngaw ang maingay nitong tunog na mas lalong napatindig ng balahibo ko.

Dahan-dahan silang humakbang kasabay ang kusang pagsindi ng mga kandila sa pader.

Isa,

Dalawa,

Tatlo,

Apat,

Lima,

Anim,

Anim pala silang lahat, sout-sout nila ang puting alba na sumasayad sa malamig na semento. Bumaba agad sila nang marating nila ang pabilog na hagdan sa gitna.

Biglang gumaan ang pakiramdam ko nang makitang nakapikit ang mga ito. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at dahan-dahang kinuha ang pagkaing nilapag ko at nagkakadarapang umalis. . .

Pagdating ko sa appartment agad kaming kumain. Hindi pa rin mawalay sa isipan ko ang nakita ko sa abandonadong gusali. Paulit-ulit sumagi sa isipan ko ang narinig kong orasyon. Kataka-taka dahil masarap itong pakinggan ngunit nakatitindig balahibo. Ano kaya'ng ginagawa nila ro'n? Ibang-iba ang lengguwaheng binabangit nila. Kahit pa pamilyar sa akin ang iba't ibang lengguwahe ay hindi ko matukoy kong ano iyon.

Astral TravelWhere stories live. Discover now