Kabanata V: Hangganan

88 6 4
                                    

Andrew's POV

Hating gabi na nang tignan ko ang oras.

Bumangon ako sa pagkakahiga at bigla akong nakaramdam ng hapdi sa dalawa kong braso. Kinilos ko ito nang dahan-dahan upang mabawasan ang sakit pero lalo lang itong humapdi hanggang sa hindi ko na maramdaman ang pagdaloy ng dugo ko.

Maya-maya ay bigla akong nakarinig ng nakakarinding tunog at nagising ako.

Dahil sa matinding pagod ay hindi ko maramdaman ang katawan ko pati na rin ang pagmulat ng mga mata ko. Hindi ko man lang namalayan na nakatalikod pala akong nakahiga.

Dahan-dahan kong ini-angat ang braso ko mula sa pagkaipit dahilan kung bakit hindi makadaloy nang maayos ang dugo ko.

Humiga ako sa likuran ko at hinawakan ang kaliwang kong braso. Isang napakalamig na kamay ang bigla kong naramdaman na para bang hindi ako ang nagmamay-ari nito.

Bumalik na ulit ang dating sigla nito at pagkalipas ng ilang saglit pa ay napaidlip ako dahil sa matinding pagod...


***

Habang naglalakad ako papuntang internet cafe nadatnan ko si Scott na nakatingala sa kakahuyan.

"Sco—" Sisigaw na sana ako pero may kinakausap siyang matanda.

"...tawag sa kanila ngunit may ginagawa sila diyan tuwing gabi. Kung gusto mong malaman itanong mo lang sa kaniya," rinig kong sabi ng matanda.

Lalapitan ko na sana siya pero tumalon at dumausdos siya pababa. Tuloy lang siya sa paglalakad papasok sa kakahuyan. Sinundan ko naman siya at nang makalapag na ako ay sinundan ko ang bakas ng tsinelas niya.

Sa paglalakad ko pabalik, hindi ko na matatandaan ang lugar na nadaraanan ko. Napakalaki ng mga puno dito at halos natatakpan na ang sinag ng araw. Ang nakapagtataka lang, narinig ko sa mga magulang ko na hindi raw gaano ka lawak ang gubat dito. Pero kanina pa akong palakad-lakad at heto hindi paㅡ

Te-teka baboy ba 'yan? hindi pa ako nakakita ng baboy na kulay itim at may malaking pangil pa! Whow, Bakit siya tumatakbo papunta sa 'kin? Kapag minamalas ka naman oh? Baboy ramo!

Gusto ko sanang umakyat sa puno pero hindi ko na lang tinuloy dahil hindi naman ako marunong. Kaya wala akong ibang maisip na gawin maliban sa tumakbo.

Takbo ako nang takbo habang palinga-linga sa likod kung sinusundan pa rin ba ako nito. Napabuntong-hininga na lang ako bigla nang hindi ko na makita ang baboy na humahabol sa 'kin.

Habang  patuloy ako sa paglalakad, napansin ko ang tina—

"Ahhhhh!"

Isang daing ang lumabas mula sa aking bibig nang ako'y mahulog at napagulong-gulong pababa ng burol.

Ramdam ko ang nakababalisang putik sa balat ko habang ang katawan ko at mukha nama'y puno ng dahon. Kainis.

Napapikit ako nang maramdaman kong may putik na pumasok sa mga mata ko.

Maya-maya, huminto na rin sa wakas ang katawan ko sa paggulong-gulong na akala ko'y wala ng katapusan.

Bakit pa kasi ako pumunta dito? Ayan tuloy nadungisan na ang balat kong hindi pa kaylan man nagkaputik nang ganito. 'Yon kasing si Scott e, pahamak!

Kahit naiinis ay sinubukan ko na lang gumapang kahit wala akong makita. Ramdam ko ang init at ang sinag ng araw sa nakapikit kong mata. Isa sa dahilan kung bakit ayaw kong sumama sa mom ko tuwing nagbabakasyon sila. Ayaw ko kasing mainitan at magkaputik. Nakakabuwisit. Malilintikan ko talaga itong si Scott sa oras na makita ko siya.

Astral TravelWhere stories live. Discover now