Wakas

21 0 0
                                    

Nang ako'y magising isang maaliwalas na puting kisami ang agad na bumati sa akin. Ramdam ko ang malambot na kamang hinihigaan ko ngayon na parang ayaw nito akong pabangunin.

Pilit kong iniangat ang katawan ko at tinignan ang buong paligid.

Para akong nakatayo ngayon sa kawalan. Literal na kawalan. Dahil saang dako man ako lumingon ay wala akong mahagip na kahit anong kulay maliban sa puti. 

Saang lugar ito?

Wala akong hangarin na sagutin ang sarili kong tanong sa kadahilanang wala akong lakas na mag-isip. Gustuhin ko man pero pakiramdam ko kasing para akong nakababad sa maaliwalas at matingkad na koton. Tila pinapalibutan ako ng sukdulang pagmamahal, pag-unawa at kapatawaran. 

Ito ba 'yung binangit sa akin ni Alexa noon? Ang dimensyon kung saan makikita mo ang mga yumao mong mga mahal sa buhay. Ang dimensyon na puro pagmamahal at kapayapaan ang nagingibabaw. Ang dimensyon kung saan wala kang kakayahang bumalik sa sariling katawan kung hindi kinakailangan.

"Scott?" Isang malamig na boses ang napatigil sa pagninilay ko. Tinignan ko iyon at nakita si Andrew.

"Alam mo ba kung nasaan tayo?" tanong nito sa akin. Kung gayon hindi lang pala ako ang narito pati rin pala si Andrew. Ngunit paano kami napunta sa lugar na 'to? Sa pagkakaalala ko ay nakita ko siya sa lumang building. Oo tama. Baka dahil iyon sa lagusan na nabuksan kaya napunta kami sa lugar na ito.

Baka nga.

"Sa tingin ko nasa buddhic dimension tayo..." Hindi ko na tinapos ang gusto kong sabihin nang makita ko ang Isang pigura sa likuran ni Kevin at habang papalapit ito sa amin unti-unti ko ring nakikita ang kabuoan nito. Habang hindi ko pa gaanong nakilala kung sino iyon mayroon na namang humuntad, subalit marami na sila ngayon. Napatingin naman si Kevin sa ibang direksyong.

"Scott!" masiglang bati ng isang lalaki. Nang makita ko na kung sino siya hindi na ako nakapaghintay at tumakbo agad sa kanila.

"Itay?" hindi ko na mapigilan ang nararamdaman ko kaya agad ko na siyang niyakap. Ilang taon na rin ang lumpis mag buhat noong naramdaman ko ang pakiramdam na ito.

Nanatili kaming lahat na nagyayakapan at parehong hindi nakapagsalita. Tinignan ko naman si Kevin at yakap niya rin ang kaniyang mga mahal sa buhay pati na rin ang yumao niyang kasintahan at ama. 

Napangiti naman ako nang malaman na nandito rin pala ang yumao kong pinakamamahal na aso. Hindi ko na mapigilan ang namumuong kaligayahan sa dibdib ko sapagkat ngayon lang ako nakaramdam ng ganito kasaya. Saya dahil nakita ko na muli ang aking mga magulang.

Astral TravelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon