🌹CHAPTER 1🌹

893 39 9
                                    

This chapter is for Miss_AnonymousCrazy

♡♥♡♥♡♥♡♥

CHAPTER 1

HINDIi ko sila matingnan. Masakit sa mga mata kapag sila ay aking madadapuan ng paningin. Gusto kong pumagitna sa kanila at paghiwalayin ang mga kamay nilang magkasalikop. Gusto kong isigaw kay Cali na ako -ako ang asawa niya-ako ang mahal niya.

"Kumusta ka na, hija? Hindi na ba sumasakit ang ulo mo?" tanong ni Mommy Isabelle sa aking tabi. Nasa harap kami ng maliit na dining set sa loob ng private room ni Cali.

"Hindi na po madalas sumakit pero paminsan-minsan pa rin pong kumikirot. May p-pain reliever naman pong binigay sa akin ang doktor ko," mahabang paliwanag ko.

Hindi makaligtas sa aking pandinig kung paano mag-usap sina Cali at Maika.

Gusto ko ng lumabas. Gusto ko na silang iwanan.

Sobra na ang sakit na dinudulot nila.

Kitang-kita sa gilid ng mga mata ko kung paanong halikan ni Cali ang noo nito. Hindi rin nakaligtas ang paghampas ng mahina ni Maika sa braso ng asawa ko pati ang mahina nilang tawanan.

Tulala ako habang pinagmamasdan sa peripheral vision ko kung paano nila dinudurog ang puso ko. Nanlalabo na ang aking mga mata at unti-unting nagsisikip ang dibdib ko.

Nagbilang ako nang ilang segundo sa akin isip bago tumayo pero hindi ko inaasahan ang makikita ko nang harap-harapan.

Hinalikan ni Cali si Maika sa ibabang labi nito. Matagal. Nakadilat lang si Maika at gulat na gulat din marahil sa inasal ng asawa ko.

Tumulo ang maiinit na mga luha sa aking pisngi. Sunod-sunod. Taas-baba ang dibdib ko sa mabilis na paghinga pero kinakapos pa rin ako ng hangin.

"I-I have to go," paalam ko sa kanila.

"Dito kana mag-dinner, ate-"

"Ihahatid na kita," ani Claire sa akin at hinawakan ako sa braso.

"Sasabay na rin ako." Lumingon ako kay Timothy.

"What? Dude, ang aga pa! Kagigising ko lang, o?" angal ni Cali.

Husay! Napakahusay. Asawa mo hindi mo pinigilan pero si Timothy na bestfriend mo lang, paganiyan-ganiyan ka pa?

Kumirot ang puso ko sa aking naisip. Kinagat ko na lang ang ibabang labi ko.

"Babalik ako bukas, dude. Sana... sana gumaling ka na," ani Timothy saka lumingon sa akin. Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya at dumapo naman iyon kay Maika.

"J-Jana, sasabay na rin ako sa i-inyo," aniya. Hindi ako sumagot. Blangkong mukha ang ipinakita ko sa kaniya. Ang kapal ng mukha niya.

"Honey, uuwi ka na rin? Dito na lang matulog sa tabi ko," pilyong sabi ni Cali. Hinalikan niya ang tainga ni Maika dahilan upang umiwas agad ito sa kaniya.

Kinuyom ko ang kamay ko.

"A-Ano ka ba, Cali. Hindi pwede."

"Bakit naman hindi?" takang tanong nito at lumingon sa aming mga kasama nila. Kumunot ang noo nito nang makitang umiiyak ako. "Are you okay?" tanong niya.

Gusto ko mang isipin na concern siya sa akin, agad ding napapalitan ng kakaibang pakiramdam iyon.

Asa pa kong makaramdam ng pag-aalala sa akin, e, ayan nga't nakikipaglampungan sa ex niya!

"Hijo, kagaya mo ay galing din k-kasi sa aksidente Jana."

"Really? Kumusta ka kung gano'n?" tanong nito. Pormal ang paraan at halatang walang kainte-interes.

Fixed In The Heart (COMPLETED) Where stories live. Discover now