🌹CHAPTER 8🌹

747 39 2
                                    

CHAPTER 8

NASA gate na ako at palabas ng bakuran nang may humigit ng braso ko.

"January, w-wait!" ani Cali. Base sa kaniyang itsura, tumakbo ito at hinabol ako dahil hinihingal siya. "January!"

"B-bitawan mo ko!"

"Hindi ko maintindihan kung ano 'yung pinanggagalingan mo nang galit. Ano 'yung sinabi mo sa itaas? Asawa? Asawa kita?" takang tanong nito sa akin.

"Narinig mo na, 'di ba? Ano? Uulitin ko pa ba?"

"Pero paanong nangyari 'yon? Hindi nga kita kilala, e!"

"You're suffering an Anterograde Amnesia, Cali."

"W-what?"

"Isang uri 'yon ng sakit na nakuha mo nung sumalpok tayo sa malaking puno nung maaksidente tayo. Masyadong malakas ang impact kaya naalog ang isip mo."

"Huh? Kalokohan! Bakit hindi ninyo sinabi? Bakit walang nagsasabi sa'kin?"

"Dahil ayokong ma-triggered ang isip mo! Ayaw kong lalo kang mag-isip dahil mahihirapan ka lang din."

"Ano namang pakielam mo? Anong alam mo para pangunahan ako? Sino ka ba sa buhay ko!"

Gumapang ang galit ko sa kaniya. Oo, galit ako sa kaniya.

Buong lakas ko siyang sinampal. Tumagilid ang mukha niya dahil sa lakas ng impact na gawa ko. Pumikit siya sa sakit. Gumapang ang hapdi sa kamay ko at bakat na bakat ang palad ko sa pisngi ni Cali.

"I h-hate you, Caliberr! I hate you for doing all these things to me! Bakit sa lahat ng pwede mong makalimutan —bakit ako pa?" tanong ko.

"H-hindi ko alam," aniya.

"Yeah. Of course... Wala kang alam. Wala kang alam kaya nga ganito ka sa akin ngayon, e. Lahat ng pinangako mo, lahat ng tungkol sa akin —limot mo na."

"Hindi ko ginusto ang n-nangyari sa akin, January."

"Sino bang may gusto? Ako?"

"Pero sana sinabi mo. Sana sinabi mo kung sino ka talaga sa buhay ko!"

Tumawa ako ng peke. "At sa tingin mo, mapapaniwala kita kapag sinabi ko? Ayan nga't palaging si Maika ang bukang bibig mo."

Hindi siya kumibo pero nanatili siyang nakatitig sa akin.

"Ngayon, Caliberr! Ngayon ko sasabihin sa'yo kung sino ako sa buhay mo. Ako lang naman ang asawa mo! Ako lang naman ang tinatawag mong Lovesy. Ako lang naman ang iniharap mo sa altar at nangako ka sa harap ng Diyos na ako lang ang mamahalin mo! Ako ang nag-iisang may karapatan sa'yo. Ako ang tunay na mahal mo —noon!"

Gulat siyang tumitig sa akin.

"B-bakit ngayon mo lang sinabi?"

"Dahil natatakot ako! Natatakot ako na baka ma-triggered ang isip mo at lalong lumala ang amnesia mo. Natatakot akong hindi mo ko paniwalaan. Natatakot akong ipagtabuyan mo ko!"

Deretso ang mga mata niyang nakatingin sa akin.

"Pero hindi ko aakalain na sa ganito tayo aabot, Cali." Nabasag ang boses ko. "Naramdaman ko pa rin 'yung mga kinatatakutan kong mangyari... At hindi ko alam kung h-hanggang kailan k-ko pa kakayanin 'to."

"W-what do you mean?" tanong nito.

Huminga ako nang malalim. "From the meantime, hahayaan na muna kita sa gusto mo. Hahayaan kitang kusa mo akong maalala. Hayaan kong kusa akong bumalik sa isip mo. D-dahil hindi sapat ang ganito. Hindi sapat 'yung ako lang mismo ang magpapaalala sa'yo."

Fixed In The Heart (COMPLETED) Where stories live. Discover now