🌹CHAPTER 4🌹

663 36 0
                                    

CHAPTER 4

MALAKAS ang bawat patak ng ulan sa labas. Tanaw na tanaw ko ang mga sasakyan sa labas at ang mga taong nababasa ng ulan.

Dinampot ko ang tasa ng black brewed coffee ko at humigop. Ang init nito ay mabilis na nagbigay ng komportableng pakiramdam sa akin. Sumandal ako sa silya at mariing ipinikit ang mga mata.

Masakit ang mga ito dahil sa pag-iyak ko kanina dahil nagkasagutan kami ni Maika. Ayos lang na magalit siya sa akin. Ako pa ba ang dapat matakot?

Pero galit na galit si Cali sa akin kanina.

Dumilat ako at umayos ng upo. Kinurot ko ang dulo ng hinlalaki ko.

Gusto ko na magising sa panaginip kong 'to.

Ang mga nag-aalab na tingin ni Cali sa akin, ang pagiging masungit niya at ang pagbalya niya sa akin kanina sa corridor ay bago sa akin.

Hindi niya magagawa sa akin ang mga iyon kung naaalala niya ko.

Nakakatawang wala na akong mailuha ngayon. Naubos na yata. Ang bigat tuloy ng pakiramdam ko.

"Susuko na yata ako!" mahina kong sabi. Tinakip ko ang dalawang mga palad ko sa aking mukha. Nakapatong ang mga siko ko sa table kung nasaang coffee shop ako sa tapat ng ospital.

Yumanig ang table at sinulyapan ko agad ang phone ko.

Claire's calling...

Sinagot ko iyon agad. "Yes?"

"Where are you? Galit na galit si Kuya Cali sa'yo. Ano bang nangyari?"

Sumimangot ako agad.

"Where's Maika?"

"Umalis na. Bakit?"

"Aakyat na ako r'yan." Binaba ko na agad ang phone at saka lumabas ng shop. Malakas ang ulan sa labas. Kahit na nasa tapat lang ito ng ospital ay medyo may kalayuan ang distansya at walang pwedeng lakaran na may bubong.

Yinakap ko ang aking sling bag saka sumugod sa ulan. Bahala na!

Nakarating ako sa tapat ng kwarto ni Cali ng nanginginig ang buong katawan. Basang-basa ako. Bakit ba kasi naiwan ko sa kotse ang payong na bigay ni Cali? Lagot ako nito kapag nalaman niyang nagpaulan ako.

Kung sabagay, wala naman 'yung pakielama sa akin.

Gamit ang panyo ko ay pinunasan ko ang akinh mukha at mga braso. Kaso ay hindi rin tamalab. Basa pa rin ako.

Kumatok muna ako saka pumasok.

"Hesusmaryosep kang bata ka! Ba't ka nagpaulan? Bawal ka pang mabasa ng tubig ulan. Mabibinat ka!" Tumakbo si Mommy Isabelle sa akin kasunod si Claire na may dalawang towel.

"A-ayos lang po ako, mommy," sabi ko na lang kahit ang totoo ay ginaw na ginaw ako.

"Magpapakamatay ka ba, Jan? Alam mong bawal ka pa maulanan, sumugod ka pa rin!" sigaw ni Claire sa akin.

Natawa ako. "Calm down. Hindi ko kasi nadala 'yung payong na bigay ni Cali sa akin, e.  Nasa kotse ko."

"E, saang lupalop ka ba kasi nagpunta?"

"Sa coffee shop lang. Nagutom kasi ako," nakanguso kong sagot. Hinayaan ko silang punasan ako at bihisan.

Oo. Walang awa nila akong binihisan.

"Fuck!" rinig naming mura ni Cali.

"O, kuya? Anong sabi mo?" si Claire, nang-aasar.

"May banyo naman, bakit ninyo diyan binibihisan 'yang kaibigan mo?"

Fixed In The Heart (COMPLETED) Where stories live. Discover now