🌹CHAPTER 7🌹

745 41 1
                                    

CHAPTER 7

AFTER ng breakfast meeting namin nila Charles, naghiwa-hiwalay din kami ng mga landas. Bumalik ako sa office upang ayusin ang mga naiwan kong trabaho nung mga panahon na nasa ospital kami.

"Hello, ganda!" nakangiting bati sa akin ni Mariel nang pumasok siya sa opisina ko. "Busy ka?"

Umiling ako saka ngumiti. "Come in," wika ko.

Pumasok siya at umupo sa tapat ng table ko. "How are you, Jana?" seryoso niyang tanong. Kumunot ang noo.

"Araw-araw tayong nagkikita pero kinakamusta mo pa rin ako." Tumawa ako at ganoon din siya pero mayamaya lang tumigil siya at hinawakan ang kamay ko.

"I saw Cali yesterday," aniya.

"T-talaga?"

"Mmm. Ayaw ko sana magtanong dahil... private matter ninyo ito pero... sino 'yung kasama ni Cali na babae sa mall? Napaka-clingy ng babae sa kaniya. Halatang naiinis na nga si Cali pero 'yung babae, naku!"

Hindi ako nakasagot. Natigilan ako at napaisip.

"Babae?"

"Yeah. Maliit lang siya. Kasing taas ko siguro. Maganda naman pero walang-wala sa ganda mo, girl!"

Si Maika.

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

Bakit nga ba nagtataka pa ako, e, hindi malabong magkita sila.

"I-I know her," sabi ko na kinagulat niya.

"As in? Sino siya? Did she know what Cali's condition?" Tumango ako at napanganga siya. "At pumayag kang lapitan ng babaeng 'yon ang asawa mo?"

Tumayo akong muli. "Siya lang ang naaalala ni Cali bukod sa pamilya niya at wala akong magawa."

"Pero sumusobra naman ang babaeng 'yon. Hahalikan niya sa public place si Cali at walang pakielam kung may makakita sa kanila? Ang landi niya!"

Kumunot lalo ang noo ko. Ramdam ko ang unti-unting galit na nabubuhay sa isip ko. "Hinalikan?"

"Oo. Sa harap ng sinehan! Imagine kung ilang tao ang nandoon. Kilalang tao si Cali pa na rin ikaw kaya hindi malabong makilala sila! God. That bitch is taking advantage. Hindi na siya nahiya." Tumayo ako bigla at kinuha ang sling bag. "Mauna na ako."

"Sa'n ka pupunta?"

"Pupunta ko kina Mommy Isabelle."

Nagngingitngit ang kalooban ko habang nagmamaneho papunta sa sibdivision ng mga in-laws ko.

Mahigpit kong bilin kina mommy at kina Claire na huwag nang palalapitin pa si Maika sa asawa ko.

How come at nag-date pa ang dalawang 'yon?

Bumusina ako nang tumapat ako sa gate nila. Malaki ang bahay nila na may tatlong palapag. Angat sa buhay ang pamilya nila pero napaka-down to earth ng mga ito.

"Anak, mabuti at n-napasyal ka?" tanong ni mommy nang pagbuksan ako ng pinto.

Humalik ako sa pisngi nito at nagmano. "Mmm. May itatanong lang po sana ako. Nasa'n po si Cali?"

"N-nasa kwarto ninyo sa t-taas," aniya.

Dali-dali akong pumahik sa itaas. Nasa second floor ang kwarto naming mag-asawa at halos takbuhin ko ito para marating ko lang.

Hinawakan ko ang pinto at binuksan ito.

Mabuti at hindi naka-lock.

Dere-deretso akong pumasok sa loob.

Fixed In The Heart (COMPLETED) Where stories live. Discover now