🌹CHAPTER 3🌹

608 39 3
                                    

This is for KUYA_JC

♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥

CHAPTER 3

MAAGA akong nagising kinabukasan. Kailangan kong madalhan ng damit si Cali sa ospital. Ayaw pa naman noon ng paulit-ulit na damit ang susuotin niya.

Dahan-dahan ang pagbukas ko ng pinto upang masigurado kong hindi maiistorbo kung sino man ang nasa loob.

"O, ate! Mabuti naman at dumating ka na. Gusto ko na umuwi kasi lagkit na lagkit na ko," ani Cindy sa akin.

"Mmm. You may go home now. Papuntahin mo na lang agad si mommy dito. Baka magwala ang kuya mo kapag nakita ako niyan dito."

"Sure thing, ate." Lumapit siya sa akin at yumakap bago lumabas.

Ang dala kong mga prutas ay inayos ko ng pagkakasalansan sa ibabaw ng table. Nagwalis na rin ako dahil may mga iilang basyo ng mga pinagkainan nung nakaraang gabi.

Ayaw ni Cali ng ganitong makalat.

Lumapit ako sa kamang hinihigaan niya nang matapos akong maglinis. Payapa lang siyang natutulog. Pinagmasdan ko ang kaniyang tiyan na umaangat.

"I miss you, Lovesy," bulong ko. Akma ko siyang hahawakan pero nagbago agad ang isip ko. Baka magising pa siya at palayasin ako rito.

Maingat akong kumuha ng silya at umupo sa harap niya. Paulit-ulit kong pinapasadahan ng sulyap ang kaniyang buong mukha. Ang dextrose sa kaniyang kamay. Ang bawat paghinga niya, lahat tinintingnan ko.

Nangilid ang luha sa aking mga mata nang mapansin ang palasingsingan niya. Wala roon ang wedding ring namin dahil binigay sa akin iyon nang magkamalay ako nung maaksidente kami.

"Sana gumaling ka na. Ang hirap ng ganito, Lovesy. Wala akong kausap lagi sa bahay. Wala akong mapagtripan. Walang nagpapatawa sa akin. Balik ka na... I miss you so much, Cali," bulong ko.

Napansin ko na gumalaw ang kaniyang daliri kaya agad akong napatayo. Tumalikod ako papunta sa pinto pero huli na.

"What are you doing here?" malamig na tanong ni Cali sa akin. Humarap ako sa kaniya at ang galit na mga mata niya ang sumalubong sa akin. Napalunok ako.

"A... K-kasi nagpaalam si C-cindy na uuwi muna para m-maligo."

"E, bakit kailangang ikaw ang nandito? Where's my mom? Where's my girlfriend?" Diniinan pa nito ang pagkakasabi ng girlfriend.

Girlfriend pa hanap mo, nandito na ang asawa mo, Cali.

"A, papunta na siguro si Mommy Isab—"

"Will you please stop calling her 'Mommy Isabelle' dahil hindi kita kapatid."

Talagang hindi.

Ngumiti ako nang peke sa kaniya. "Okay. Labas muna ko. Doon muna ko para hindi ka na ma-badtrip d'yan, Caliberr." Tumalikod ako upang lumabas na pero...

"You even know my real name?" takang tanong nito.

Of course, idiot!

"Y-yes, remember... I'm Claire's bestfriend." Kibit-balikat ko.

"Pero wala akong pinapahintulutan na tumawag sa akin ng ganiyan. Not even my mom."

Alam ko! Dahil gusto mo, ako lang ang tatawag no'n sa'yo.

Ngumiti ako sa kaniya. "Okay. Sabi mo, e. May prutas nga pala akong dala, baka gusto mong kumain. Ipag—"

"Thanks but no thanks. Hihintayin ko na lang ang girlfriend ko."

Fixed In The Heart (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon