🌹EPILOGUE🌹

1.1K 50 12
                                    

EPILOGUE

NGUMITI ako nang matamis ng matapos ang successful baptismal ng baby nila Charles at Amanda. Maraming bisita ang dumalo na nasabing event at tuwang-tuwa ako dahil naging maganda naman ang kinalabasan ng team ko.

"We made it, Jana!" malapad ang ngiti ni Mariel nang lumapit siya sa akin. Humawak pa siya sa aking kamay saka nagtatalon sa harap ko. Sa sobrang saya ko rin ay pati ako ay napagaya na sa kaniya.

"Oo nga. Isang malaking achievement sa atin ito!"

Nagtawanan kami sa aming ginagawa. Sumulyap ako sa aking relos na nasa kamay.

7 o'clock na pala.

Naramdaman ko ang pagtapik ng sino man sa aking balikat.

"C-charles! Nasa'n si Amanda?"

"Pinapatulog 'yung baby namin sa loob. Gusto ko lang mag-thank you dahil sa effort mo. Sa lahat ng naitulong mo."

"It's my job, Charles. Don't mention it."

"Well, dapat palang sabihin ko ay thank you dahil pumayag kang maging ninang ng baby ko. Hindi ka pa rin nagbabago. Napakabait mo pa rin talaga."

Ngumiti ako dahil sa sinabi niya. "Thank you rin for trusting me."

Nagkuwentuhan pa kami tungkol sa nangyaring event na natigil lang nang may brasong pumulupot sa aking bewang.

"Lovesy!" tawag ko. Humalik ako agad sa pisngi niya at siya naman sa noo ko.

"I'm sorry if I'm late. May inasikaso pa kasi ako." Kinabig niya ako para lalong mapalapit kami sa isa't isa. "Dude," pormal na bati nito kay Charles.

"Dude, mabuti at nakapunta ka. Jana, ikaw na bahala kay Cali. Lalapitan ko lang ang iba pang mga bisita." Tinapik nito ang braso ng asawa ko saka kami iniwan.

Humarap ako kay Cali saka ngiti. "Hi, my handsome hubby! Happy birthday. Kumusta?"

Ngumuso lang ito saka sumangot, "Hello to you, my beautiful wife. Thank you. Ayos naman. Hindi ka pa ba pwedeng umalis?"

Kumunot bahagya ang noo ko.

"Why?"

"May pupuntahan tayo."

"Wait. Paalam lang ako kina Mariel."

Hindi naman ako nahirapan sa pagpapaalam sa mga kasamahan ko at sa mga-asawa. Sila na raw ang bahala at pwede na akong mauna.

"Sa'n ba tayo pupunta?" tanong ko habang inaayos ang seatbelt. Siya rin ay nag-ayos ng kaniya pero sinuri ko pa ito nang ilang beses.

"Okay na 'yan, Lovesy." Tumawa siya nang mahina. Bigla niya kong hinalikan sa labi kaya nagulat ako. "Uuwi na tayo."

Habang nasa biyahe kami ay hawak-hawak niya ang kamay ko. Ang isa ay nasa manibela. Sinulyapan ko siya saka ngumiti.

"I miss these," aniya.

"Ang alin?"

"Lahat ng mga bagay na ginagawa ko sa'yo." Kumunot ang noo ko pero hindi ko na lang siya pinansin. "Ikaw mismo ay na-miss ko."

Ako rin, Cali. Namiss kita. Sobra-sobra.

TUMIGIL ang sasakyan namin sa tapat ng two storey house naming mag-asawa. Gulat man ay hindi ko nagawang magtanong. Kahit kasi  okay na kami mag-asawa ay doon pa rin kami tumuloy sa mga in-laws ko.

Hindi pa kami nag-uusap tungkol sa pag-uwi rito dahil ayaw kong maguluhan siya at maging dahilan  ng pagka-triggered ng isipan niya.

"What are we doing here?" tanong ko sa kaniya.

Imbis na makatanggap ng sagot, isang tela ang bumalot sa aking mga mata. Nagdilim ang buong paligid ko.

"L-lovesy..." tawag ko.

"I am here, Lovesy. Hold my hand." Kamay niya ang naging alalay ko habang papasok kami sa loob ng bahay.

Mahirap at mabagal ang naging paraan bago kami makarating sa pangalawang palapag. Kabisado ko ang bahay na ito at alam ko na sa kwarto naming mag-asawa ang tungo namin.

Inalis niya ang piring sa aking mga mata. Ilang beses pa akong napapikit-dilat para lang makapag-adjust.

Halos manlambot ako agad nang bumungad sa akin ang maaliwalas naming kwarto. Lalo na ang mga larawan naming dalawa simula noong mag-bestfriend pa lang kami hanggang sa ikasal kami. Kahit ang huling litrato namin bago kami maaksidente ay nandoon.

May nasa sahig.

May nakasabit gamit ang mga yarn.

Mayroon ding mga lobo na kulay pula na nadidikitan din ng mga stolen shots naming mag-asawa.

"A-ano 'to?"

"Pictures natin. Mga memories ko together with you."

"P-pero bakit ako ang sinorpresa mo? Ako ba ang nawalan ng memory?" natatawa kong tanong.

Ngumisi siya saka umiling. Mayamaya pa ay sumeryoso siya.

"Bakit? Sino ba ang nagka-amnesia?"

Ang tanong na iyon ang siyang nagpatigil akin. "W-what do you mean?" Hindi ko alam kung na matutuwa ba ako o maiinis sa kaniya kasi hindi manlang niya ako sinagot.

Lumapit siya sa drawer namin sa gilid ng kama at may kinuhang folder. Bumalik siya sa harap ko at inabot sa akin.

Binuksan ko ito at binasa.

Naitakip ko ang isang kamay ko sa aking bibig. Nangilid ang luha ko dahil sa tuwang nararamdaman.

"Mag—"

"Yes. Magaling na ko. Naaalala ko na lahat-lahat, Lovesy."

Kahit umiiyak ay tumawa na rin akong yinakap siya ng mahigpit.

Hindi maipaliwanag ang labis na kasiyahan ko ngayon na bumalik na ako sa alaala ng asawa ko. Hindi ko na alintana ang sakit na napagdaanan namin. Ang mga doubts ay nalusaw na.

Dahil ang asawa ko, nakabalik na sa akin.

"Stop crying, Lovesy."

"M-masaya lang ako. A-akala ko kasi... hindi mo na talaga ako m-maalala," wika ko kasabay ang pagtulo ng mga luha ko.

"Pwede ba'yon? Kahit na anong mangyari, makalimutan ka man ng isip ko, ikaw at ikaw pa rin ang nasa puso ko. You're fixed here... in my heart... Forever."

Wakas.

Fixed In The Heart (COMPLETED) Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt