🌹CHAPTER 2🌹

713 39 3
                                    

This is for Oschlene_Jame.

♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡

CHAPTER 2

KANINA pa ako nakauwi sa bahay namin ni Cali. Dalawa lang kami sa two storey house na pinagawa niya bago kami ikasal last year. Hindi kami kumukuha ng maid dahil kaya ko naman. May guard lang kami na palaging nakabantay sa labas upang masiguro ang aming kaligtasan. Bukod sa amin, wala ng iba pang nakatira rito.

Maganda ang taste ni Cali pagdating sa bahay. Marahil ay dahil isa siyang arkitekto kaya na-enjoy niya ang paggawa ng disenyo ng aming tirahan. May firm din siyang pinapasukan kung saan kasosyo niya si Timothy na isa namang Engineer.

Ako naman ay pumapasok bilang isang wedding organizer at may sarili na ring kompanya. Though, maliit pa lang ay pilit naman akong nagsusumikap. Alam kong balang-araw, lalaki rin ito at magkakaroon ng iba't ibang branches.

Umupo ako sa kama at naisipan kong magligpit ng kuwarto naming mag-asawa. Hindi ko maiwasang huwag mainis sa aking sarili dahil may sumusundot sa konsensya ko kung bakit nangyari ang ganitong trahedya sa amin.

"Lovesy, pauwi na ko!" masayang sabi ko sa telepono. Nasa kabilang linya si Cali at kausap ko.

"Huwag ka muna bababa. Paalis palang ako ng office. Hintayin mo ko, okay?" bilin niya sa akin.

Tumango ako kahit na alam kong hindi niya ako makikita. "Alright. Ingat sa pagmamaneho, okay? I love you."

"I love you most, Lovesy." He ended the call. Ngumiti dahil nararamdaman ko na naman ang mga maliliit na paru-paro na nasa aking tiyan.

Ang nagsisimula kong kompanya na Wedding Glimmers ay nasa third floor ng isang establishment. Hindi ko pa kayang umokopa ng buong isang commercial building dahil nagsisimula pa lang naman ako. Ayaw ko namang tanggapin ang perang binibigay ni Cali dahil nahihiya ako.

"Huwag ka na mahiya. Asawa mo na ko. Kung ano man ang sa akin, iyo na rin, Lovesy," aniya lagi kapag tumatanggi ako sa offer niyang pampasimula ko ng business. Siyempre, matigas na hindi ang sagot ko. Iba pa rin kapag sa iyo mismo nanggaling ang perang naging pundasyon mo.

"O, Jana, wala pa si hubby?" tanong ni Mariel. Isa sa mga kasamahan at kasosyo ko. Event organizer din siya.

"Yep pero on the way na," sagot ko habang liniligpit ang mga kalat sa table ko.

"Alright. By the way, may client nga palang naghahanap sa'yo kanina. Mr. Dominguez ang pangalan."

"Hindi mo pa kinausap?"

"How? Ikaw nga ang hinahanap. Ilang beses kong sinabi na ako na lang ang kakausap sa kaniya, e matigas na 'I need to talk to Ms. January Montez' ang palaging sinabi."

"Wait, Ms. January Montez daw? E, January M. Buenaflor na ang gamit ko sa mga info ko," nagtataka kong tanong.

"Ewan ko ba ro'n. Baka naman kakilala ka talaga kahit noong dalaga ka pa?"

Saglit akong napaisip.

Mr. Dominguez...

Natigilan ako sa pag-iisip at nabitawan ang hawak kong folder. Nahalata naman iyon ni Mariel kaya napatingin siya sa akin.

"Kilala mo?"

Hindi ako sumagot.

Isa lang ang kilala kong Dominguez. At limang taon na mula nang huli ko siyang makausap. No. Sana ibang tao siya.

"LOVESY!" Kumaway ako kay Cali nang makita ko siyang bumaba ng kotse. Gumanti siya ng ngiti sa akin pati ang pagkaway. "Wait me there!" sigaw ko pa.

Fixed In The Heart (COMPLETED) Where stories live. Discover now