KABANATA XXIX: Her turn.
MANDY'S POV
Mabilis kong tinakbo ang palabas ng elevator. Hindi ko na kakayanin pang manatili dun at hindi ko rin alam kung gugustuhin ko pang sumakay muli sa makinaryang iyon. Pilit kong inalis sa isipan ko ang katotohanan na hindi man lang ako hinabol ni Ken.
Sabagay, bakit nga ba niya ko hahabulin e ako itong nagpasyang umalis.
Halos madapa ako habang tinatahak ang daan papunta sa parking lot ng M. Building. My vision is a mess. Malabo ang lahat dahil sa luha at nagsisimula na ring manakit ang ulo ko. Ito ang iniiwasan ko sa lahat ang magmukhang mahina sa harap ng iba.
Nag-abang ako ng taxi. I want to get away right now. Napaatras ako ng may humarang na itim na trailblazer sa kinatatayuan ko. Akala ko ay nagkataon lang napadaan ito pero biglang bumaba ang binate nito at niluwa ang mukha ni Troy.
Bakas ang pag-aalala sa mukha niya. Hindi kami malapit ni Troy pero dahil asawa siya ni Sam, na kaibigan ko, siguradong magkrukrus ang landas namin.
"Sakay na." gusto kong tumanggi. Ngunit naisip kong gusto ko nga palang lumayo sa opisina at makakabuting sumama na ako sakanya kaysa sa ibang tao. I sighed and hopped in. Kung bakit niya ko isinakay ay hindi ko alam at wala akong balak alamin.
Tahimik kami sa loob ng sasakyan. Wala akong plano na ikwento sakanya ang problema ko at kung may isang tao man akong gustong makausap ay ang asawa niya yun. Parang nahulaan niya ang gusto kong mangyari. Ilang minute pa ang nakalipas ay pinarada niya ang sasakyan sa kanilang bahay.
Posible palang mahulaan niya ang gusto kong mangyari kahit hindi ako nagsasalita.
Pagbaba namin sinalubong agad si Troy ng kaniyang kambal na anak. Sabay niya tong binuhat at hinalikan sa pisngi. Deep inside I smiled. Troy and Sam never had a smooth relationship. Hindi ko nga naimagine na sila ang magkakatuluyan pero siguro sila talaga ang nakatakda.
Meron na silang masayang pamilya at kitang-kita kong mahal nila ang isa't-isa.
"Ninang umiyak ka po?" hindi ko na namalayang matagal na pala kong nakatitig sakanila. Ngumiti ako ng pilit kay Sophie, "I'm okay Sophie baby. Mainit lang."
"Ay para ka pong si Zachy nagblublush ang cheeks pag mainit." Nakakatuwang tingnan ang kambal na to. Sana baling araw ay magkaroon din ako ng tulad nila.
"Should we go inside?" tumango ako at sumunod sa kanilang mag-aama.
Inabutan ko si Sam na karga ang bunso nila. Nilapitan siya ni Troy at mabilis na binigyan ng halik sa labi. NApatingin siya sa kinatatayuan ko. Bumakas ang pagkabigla sa mukha niya. Akala ko ay alam niyang dadalhin ako ng asawa niya dito pero mukhang nagkabiglaan kami.
"Oh my god Mandy what happen?" typical Sam. She's a good friend and a very reliable shoulder to lean on. Agad akong yumakap sakanya. Hindi ko na napigilang bumuhos muli ang luha sa aking mga mata.
Pilit niya kong pinatatahan pero sa twing magsasalita ako ay kumakawala ang hikbi sa aking mga labi. PAunti-unti kong kinuwento sakanya ang nangyari. Mula sa umpisa hanggang sa pag-iwas sakin ni Ken kaninang umaga. I'm half-expecting a knoch on the head from her but she didn't.
Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko ng mahigpit. "Sigurado ka ba Mandy na hindi mo na mahal si Chrome?" nabigla ako sa sinabi niya.
"Sam naman. Kung iniisip mong kaya naging kami ni Ken ay dahil gusto kong makalimutan si Chrome nagkakamali ka." Tumingala ako at huminga ng malalim. "Bago ko pinasok ang relasyon kay Ken sigurado na kong napakawalan ko si Chrome. I'm not using Ken as a rebound and I'm sure of that." Hindi ako ganun kadesperado ng mga panahon na yun para gamitin siya. I may be broken-hearted but my head is still in good shape.
BINABASA MO ANG
Somebody To Call Mine (Completed)
General Fiction{Substitute Series #2} Kenneth Montemayor and Mandy Vilannueva.