Kabanata XXXV: Natatakot Ako
"Hanggang kailan ka dun?" nagkibit-balikat ako sa tanong niya.
Sa totoo lang ay hindi ko alam kung bakit ako pinapauwi ni Daddy sa bahay. Wala naman akong balak sumunod sakanila pero itong si Ken ang mapilit na nagsasabing umuwi ako. Baka daw kasi namimiss na nila ako kaya ipinasundo ako.
Gusto kong umismid ng sabihin niya yun. Alam ko naman kasing imposibleng mangyari yun. Si Ate lang naman ang namimiss nila kaya nga nagawa nila kong iwan dito sa Pilipinas para suportahan ang fashion line ni Ate sa NYC.
"Hindi ko alam baka nga pagdating ko dun umuwi din ako agad." Walang ganang tugon ko sakanya.
At the age of 15, namumuhay na kong mag-isa sa bahay namin. Mga kasambahay at si Kuya ang nag-aalaga sakin. Kaya ng magcollege ako at nagkaroon ng sariling condo nagpasya kong mamuhay na talagang mag-isa.
I heard him sigh. "You're not excited?" nilingon ko siya at tiningnan ng masama.
"Sabi ko naman sayo ayaw kong umuwi. Maiinip lang ako dun , mamaya niyan magakasagutan pa kami ni Mom."Reklamo ko. "Dapat kasi lumabas na lang tayo." It's a Sunday and I know it's a family day but the thing is I don't really treat them as my family.
Isang dahilan kung bakit ayaw kong umuwi ay baka magkainitan na naman kami ni Mommy. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos noon ay sa twing magkikita kami hindi natatapos ang araw na hindi kami mag-aaway.
Even the smallest things ay pinag aawayan namin. Mula sa suot kong damit hanggang sa paggamit ko ng kotse ni Kuya na pinagpaalam ko naman ay kinokontra niya. Ganun ang relasyon naming dalawa.
He tsk-ed. "I have a date with Mom. Pano yun?" ayan nang-aasar na naman siya.
"Sabi ni Tita ako daw ang gusto niyang makabonding hindi ikaw." Paghihimutok ko. Inimbitahan ako ng Mommy niya na maglunch sa bahay nila at naka-OO na nga ako pero biglang sumingit sa sched namin tong pag-uwi ko.
"She doesn't have a choice, baby. Ako ang makakasama niya the whole day and she needs to suck it up. So ikaw dapat sa pamilya mo ikaw makipagbonding ngayon." Bahagya pa siyang sumilip sa gawi ko at kumindat.
"Uggh inis!" suko na ko.
Malapit na rin kami sa bahay at alam ko naman na kahit anong pagpupumilit ko hindi ko na mababago isip ni Ken. Gusto niyang maging malapit ako sa parents ko. I like the idea but I think it's impossible.
Pumarada siya sa harap ng gate namin. Tinanggal ko na yung seatbelt at humarap sakanya. "It's your fault pag hindi ko naenjoy ang weekend ko." Tumawa siya at hinawakan ang kamay ko.
"Para kang bata. Hindi ba't sinabi ko sayong pag hindi ka nag-enjoy diyan tawagan mo lang ako at hindi ako magdadalawang isip na sunduin ka. But for now, give it a shot." Aniya sabay gulo ng nakalugay kong buhok.
It's futile to argue with him right now.
Nagpaalaman na kami na para bang malayo ang pupuntahan ko. He kissed me on the lips before finally letting me go. Natawa ko ng sabihin niya, 'Now I don't want to let you go'. Biniro ko na lang siya na siya naman itong may kasalanan kung bakit hindi kami magkakasama ngayon.
Pagkapasok ko palang sa gate ay sinalubong na agad ako ng mga mata ng kasambahay namin. Karamihan sakanila ay hindi na ako kilala dahil yung mga lumang nagtratrabaho dito ay pinaalis nila ng lumipat ako.
BINABASA MO ANG
Somebody To Call Mine (Completed)
General Fiction{Substitute Series #2} Kenneth Montemayor and Mandy Vilannueva.