KABANATA LVI

24.9K 410 6
                                    

KABANATA LVI: Under

Despite of the roller coaster ride of emotions that we've been through, I could finally say that the storm is over. Everything is starting to fall into place. Ken's recovering well. My pregnancy is fairly smooth sailing. I've patched things up with my parents and we're catching every bit of stories that we've missed for the past years.

I could really say that we've weathered the greatest storm of our lives.

It's been 3 weeks since he got out of coma and 2 weeks after he was released from the hospital. He insisted on staying in his condo but his Mom firmly opposed the idea. Gusto ni Tita, sa bahay nila siya tumuloy para may makapag-alaga sa kanya habang nagpapagaling siya ng tuluyan.

He was left with no choice when I supported the idea. Hindi ko rin naman kakayanin na alagaan siya mag-isa. We need every tinge of help we could get from everyone and if you would ask what our status is, I'll answer it with 'I really don't know.'

Hindi pa namin napag-uusapan ang bagay na 'yun. Ayoko namang sakin manggaling ang usapang 'yun. Natatatakot akong hindi ko magustuhan ang magiging sagot niya. Basta sa ngayon, masaya kami at kapwa naming ninanamnam ang bawat araw sa piling ng isa't-isa.

I believe that words are not important, as long as you both understand each other—by heart and soul, you'll get by. Diba? Tama naman ako? I convinced myself.

But I know, deep inside me I'm wishing he'll make it official. Gusto ko rin kasi ng assurance. That despite of how broken I was, tanggap pa rin niya ko. Hindi mawala sa dibdib ko ang pangamba.

"What are you thinking, baby?" a warm breath of air disrupted my thoughts.

Tiningnan ko siya. He looks fairly well. Hindi na siya namumutla tulad nung mga unang araw niya. Unti-unti na siyang nakakarecover sa lahat ng nangyare.

I shrugged as I caressed my tummy. Nakasanayan ko na yata talaga ang paghimas sa tiyan ko sa twing nag-iisip. It's like my baby is giving me a clear mind to think.

Umiling ako. Sinandal ko sa dibdib niya ang ulo ko at mariing pumikit. "Inaantok lang ako." Hindi ko talaga alam kung dapat ko bang sabihin sakanya ang iniisip ko ngayon. Napansin kong mas humigpit ang yakap ni Ken sakin.

"Ang higpit naman nang yakap mo nasisikipan kami ng baby ko." Pabirong sabi ko. Napahawak pa rin ako sa tiyan ko habang siya ay mahigpit na nakapulupot ang braso sa balikat ko.

But instead of parting his embrace, he just chuckled. "Whatever you're thinking, I hope it doesn't involve leaving me behind." He mumbled and planted a quick peck on my forehead.

Isang bagay na napansin kong nagbago sakanya mula ng magkabalikan kami, he became a clingy man. Laging nakayakap o kaya ay nakahawak sa mga kamay ko. Hindi naman ako nagrereklamo dahil gusto ko din pero kitang-kita ang pagbabago niya.

Minsan naiisip kong ito ang epekto nang ginawa ko noon pero sa 'twing magsosorry ako sakanya ay pilit naman niyang iniiba ang topic. Kaya minabuti ko na lang ng pabayaan siya.

I shook my head. "Sorry." Yun lang naman ang kaya kong sabihin sakanya.

He sighed. "I was just joking, baby. Chill it out!" I nodded and gave him a tight hug. Nasasaktan ako 'twing naalala ko yun kasalanan ko sakanya. I just hope this guilty feeling will go away—soon.

"Bastusan dude. Respeto sa mga single." Hiyaw ni Kiel sa mapagbirong tono. Nagtawanan ang mga tao sa sala.

Ken snorted and glared at Kiel who's seated beside Raphael and the rest of their cousins. I adjusted my seat. Para naman hindi kami magkadikit ni Ken. Like what Kiel said, masyado na kaming PDA and its starting to get uncomfortable. Nahihiya pa rin naman ako kahit kilala na nila akong lahat at saksi sila sa kung ano ang pinagdaanan namin ni Ken sa naging relasyon naming dalawa.

Somebody To Call Mine (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon