Kabanata LIII: Trying timesssssss
Maingay ang buong paligid. May mga ilaw na nagmumula sa mga sasakyan ng pulis at ingay na nililikha ng mga ambulansyang ilang minuto palang ang nakakalipas simula ng makarating dito.
Agad kinuha ng mga pulis si Jasper na matiwasay namang sumama sakanila habang isa-isa ring pinosasan ang mga tauhan niya. Bago siya tuluyang maisama ay muli siyang humarap sakin. Kitang-kita ko ang pagsisi sa kaniyang mga mata pero kasabay nun ang pagtataka.
"I'm sorry." I replied with a timid nod before he finally surrendered to the authorities.
May mga lumapit sakin. Isa doon si Raphael na nalapatan na ng first-aid ang mga sugat. Bumaba sa hita ko ang tingin niya. "You're a silly woman." Komento niya bago tinawag ang isa sa mga medics. Daplis lang naman ang naging sugat ko. Hindi naman ako tanga para puruhan ang sarili ko. I just made it look that it really hurts like hell. Well, thanks to my acting skills from college I made it look really painful.
Matapos nilang gawin yun ay pilit hinanap ng mga mata ko si Ken. Nahagip siya ng mga mata ko habang nakasakay sa isang stretcher at nilalapatan ng paunang lunas ang mga sugat na na tinamo niya. Binalewala ko ang ikinakabit na iba't-ibang aparato ng mga medical staff sa akin at agad na tinakbo ang kinalalagyan niya.
"K-Ken.." I called for his name. Nakapikit siya at nakakunot ang noo. I could sense he's in a deep sht right now. Naramdaman ko ang pagpigil sakin ng mga paramedics pero nagpumilit ako. I need to talk to him. I need to make sure he's responsive. I need to assure myself that he's alive.
He slowly opened his eyes. I could see recognizance in his eyes. "B-Baby.." he weakly said. I almost burst into tears upon hearing him talk. Hindi pala ako makukuntentong marinig lang ang boses niya. I touched his face and he immediately gave me a weak smile. Pinilit iangat ni Ken ang mga kamay niya. He touched my cheeks.
"U-umiiyak ang baby ko."Sambit niya na nagpatulo sa mga luha sa mata ko. It feels so good to hear him say that endearment. "K-Ken naman!" suway ko pero mahinag tawa ang sinagot niya. Pakiramdam ko ay punong-puno ng luha ang mukha ko pero agad ko yung binalewala.
"H-H'wag kang umiyak, baby." Marahang pakiusap niya. Pilit niyang pinunasan ang mga luha sa mata ko. I could see the light in his eyes slowly fading away.
"Y-you won't leave me right? Hindi mo naman ako iiwanan diba?" bumibigat ang paghinga niya kaya lalong nadagdagan ang kaba sa dibdib ko. Hindi ko kakayanin pag nawala siya lalo pa ngayon kung kailan magkakanak na kami. We are bound to start a family of our own. Hindi siya pwedeng mawala. Hindi ko kakayanin.
Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya. "D-Diba Ken? Hindi ka aalis?" ngumit ulit siya at nangyari ang kinatatakutan ko. He closed his eyes. "N-No...No... Please, sumagot ka!" nanatiling nakasara ang mga mata niya. Sumisigaw na ko at alam kong nakukuha ko na ang atensyon ng ibang tao sa lugar.
Alam ko rin na hawak nan i Raphael ang balikat ko. "Mandy he needs to be brought to the hospital. Let him go." He instructed.
Let him go.
Let him go.
Let him go.
Iba yata ang naging dating sakin ng sinabi niyang yun. Why do I need to let him go? HUmigpit ang pagkakahawak ko sa kamay ni Ken. I lightly squeezed it. Dahil dun ay muling bumukas ang mga mata ni Ken. "I-I love you!" he said those last words and I felt my whole world collapse then everything went black.
BINABASA MO ANG
Somebody To Call Mine (Completed)
General Fiction{Substitute Series #2} Kenneth Montemayor and Mandy Vilannueva.