Kabanata LXI: Spare Him
"Say ahh." Ipunwesto ko sa tapat ng bibig ni George ang kutsarang naglalaman ng kanin at ulam. Ibinuka niya ang bibig at tahimik na ngumuya. Paulit-ulit ko siyang sinubuan hanggang sa maubos niya ang laman ng plato.
"Do you want anything?" I asked. Umiling lang siya at bumalik sa pagkakahiga.
I sighed. For days, he's been like that. Hindi siya nagsasalita, walang gana sa pagkain at matamlay. Minabuti kong hayaan na lang siya at iligpit ang kaniyang pinagkainan.
Sakto namang pagkalapag ko ng plato ay ang pagpasok ni Ken. May bitbit siyang isang plastic bag na sa tingin ko ay ang mga gamot na nireseta sa kapatid niya kanina. It's George's 3rd day in the hospital and so far kami lang ni Ken ang nagpapabalik-balik para sakanya. May pinalagay siyang security sa harap ng kwarto para masiguradong hindi makakapsok si Fiona o yung Justine. Mahirap nang masalisihan kami at kung ano na naman ang mangyare.
Mabilis niyang inabot ang hawak ko at hinagkan nang marahan ang aking pisngi.
"Kamusta siya?"
Umiling ako. "He's still quiet and aloof."
He sighed. "Sabi ng doctor, pwede na siyang umuwi. Is it a good idea to take him home or in my condo?"aniya.
"Paano si Tita? Your house is a better place for him but how about your mom? Does she know about George?" sumulyap kami kay George na tahimik na nanunuod ng cartoon network.
"I think she does." Napalingon ako sakanya.
"Hindi niya nababanggit pero sa tingin ko may alam siya tungkol sa anak ni Dad sa ibang babae."
"Then that's good news. Mas magandang sa bahay natin iuwi si George. He needs more people who love him. I love the kid, Ken. I adore him to death so please let's do everything to make him happy. It breaks my heart to see this innocent kid so wounded inside and out."
It's more than the physical pain that he experienced but what's more traumatizing is the emotional dilemma he experienced.
That day, we both decided to break the news to his Dad and Mom. We called them and they hurriedly came to our invitation. Sa isang café shop malapit sa ospital kami nakipagkita.
"What's with the urgency, kids?" nag-aalalang tanong ni Tita. Hindi pa man sila nakakaupo ni Tito ay yun na agad ang lumabas na salita sa bibig niya. Tito Leo's beside her. He's equally worried and I'm quite sure he doesn't know what the hell is happening with his other son. Bumati muna kami bago tugunan ang tanong niya.
"Ma..." Ken uttered in distress.
"Yes?" she asked in anticipation.
Para kong kakapusin ng hininga sa antisipasyong nililikha ng mga pabiting pahayag ni Ken. But, I want him to take his time. Alam kong hindi madali ang lahat. Mahirap sabihin sa Mommy niya ang katotohanan—kahit pa may posibilidad na alam niya ang lahat.
"Hindi naman sekreto satin ang nakaraan." Panimula niyang pahayag. "And we all have the idea what I'm talking about." I saw the confusion in their eyes.
Tiningnan ako ng mag-asawa. I nodded and faintly smiled. "Yes, Tito Tita. Ken told me about everything. I hope you don't mind."
Pinagmasdan ko silang mabuti dahil hindi naming birong sikreto ng pamilya ang alam ko.
BINABASA MO ANG
Somebody To Call Mine (Completed)
General Fiction{Substitute Series #2} Kenneth Montemayor and Mandy Vilannueva.