💞01💕Ano ka, Si Darna?💕💞

74 3 0
                                    

EVANGELINE'S POV. . .


"Hoy, Evangeline Sy! Ano na namang kalokohan 'yang binabalak mo ha?"

Ayun ang magaling ko na bestfriend, i-announce ba naman sa lahat ang pinagtataguan ko.

"Shhh!" Saway ko sa kaya sabay hila paupo sa gilid ng kotseng nakaparada. "Wag kang maingay," sabay turo ko kay Javier na papalabas ng sasakyan niya.

"Sabi ko na nga ba eh. Si Javier na naman. Ano ba naman Evangeline. Wala ng pag-asa yan," maktol ni Bing at may paduro-duro pang nalalaman.

"Walang basagan ng trip, Bing. Tsaka Eva lang, 'wag mo namang ipangalandakan ang bantot ng name ko." Kunwaring tampo ko pero naka alerto mata ko sa mahal ko.

"Tara dali!" Hila-hila ko si Bing papasok ng airport para sundan si Javier.

"My gosh, Eva! Saang lupalop na naman ng mundo susundan yan? Tama na bhe, last time lumipad kapa talaga ng Paris pero ano? Wala kang napala." Sige pa rin sa pagmamaktol si bes pero nagpapahila naman.

"Eh, sa busy 'yung tao. Basta lilipad ako kung saan siya lilipad, period."

"Lilipad talaga ha? Ano ka, si Darna? Kaloka ka talaga." Nanlalaki ang butas ng ilong ni bes sa kunsumisyon sa akin pero wala eh. First love ko since elementary pa.

Magkababata kami ni Javier pero hindi man lang naging mag-on. Hilig niya 'yung mga sosyal. Mga seksi at mahilig mag-english. Hindi tulad ko na lumaki sa hacienda. Nag-hire nga ako ng private tutor sa English at speech classes sa university pero di ko naman magawang magpakitang gilas sa kanya, lagi akong nauunahan ng hiya eh. Tsaka one of the boys kasi turing sakin.

"Evs, ayun oh. Dun siya nagpabook." Kinalabit ako ni Bing at tinuro ang magandang teller sa dulo.

"Bes, mas pinabantot mo 'yung name ko. Nangamoy tae na eh." Kakainis kasi, di yata pinag-isipan nina mama ang pangalan ko.

Humalagapak ng tawa si Bing. Sapol ang tiyan sa kahahagikgik at umupo pa talaga sa sahig. Walancho, oo.

"Bing! Pinagtitinginan tayo. Kakahiya," hinila ko ang lokaloka papuntang gilid.

"Eh, may mata eh. An ganda mo kaya. Kulang lang sa ayos," Ika niya na biglang sumeryoso at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

"Tigil na, conscious nako eh," saway ko.

Talagang bigla akong nailang sa suot ko na maong jumper, Hanes shirt at Vans shoes kumpara sa signature summer dress na suot niya. Wala eh, eto yung paborito kong tee shirt, kinalimbat ko sa aparador ni Javier ko.

"Lika na nga, wala talaga akong magawa sayo," sa wakas naawa ang kunsintidura kong bes.

"Sandali, dahandahan naman." Reklamo ko sabay bawi ng kamay ko para ayusin ang magulo kong buhok. Mukha akong yaya ni Bing. Pero di bale, dun nako mamimili sa destinasyon namin.

"Good Afternoon, Ma'am. How may I help you?" Bati ng babae sa counter kay Bing. Kay bes lang ha. Ni hindi ako tinapunan ng tingin kala siguro tsimay ako.

"Magpapabook sana kami kung saan ang destination ni Mr. Javier Tuazon," sagot naman ni Bing.

"I'm sorry, Ma'am but we're not allowed to give informations about our clients," pagmamaldita ni babae. Kala siguro angaling niya ng mag-english eh sablay naman sa accent. Kakagigil. Grrrrr.

"Eh, di tawagan mo si Javier. Nagkasalisi lang kami," pagpupumilit ni bes. Di talaga mahilig mag-english yang si Bing eh. Masyadong down to earth.

Ang Artista at ang HerideraWhere stories live. Discover now