💞03💕 Pinaglihi sa Kamalasan

32 2 0
                                    

EVANGELINE'S POV. . .


"Hay naku! Kesehodang mamatay na. 'Di nako talaga magsusuot ng two piece."

Ganito lang naman kasi yun. Habang walang palya reklamo ko, ang magaling ko na bestfriend ay sobrang busy sa kapipili ng mga damit. Pagkatapos na pagkatapos naming mag check-in eh deretso na agad sa shopping. Atat!

"Okay! Baka sabihin mo naman na wala akong konsiderasyon, d ba? Sige one piece na." Walang anumang sagot ni Bing may kasama pang hagikhik.

Tsk!

'Di ko gusto ang malahudas na tawa ni Bes. Siguradong may bagong balak na naman.

"Hoy, Bentot! Anu namang kalandian nakikipaglaro kay Tom and Jerry dyan sa utak mo ha?"

Makutusan nga ang babaeng may sayad na 'to. Isang beses lang. Isang. . .

Anak ng- pusang gala. Nakailag pa.

Pasimple na nga akong tumayo sa likuran nya eh. May mata kaya sa batok to? Napakamot ako sa ulo.

"Kitang-kita ka dito, oh. Style mo, bulok."

Kantiyaw ang inabot ko ng mapatingin sa harapan. May malaking salamin pala.

Tanga lang si ako. Hehehe

"Evaaa!"

Napalundag ako sa gulat. Bigla na namang magtitili habang hawak-hawak 'yung cellphone niya na nagriring.

"Bing naman. OA ka. Sagutin mo bago mo pako mapatay sa gulat di karinyo."

"O ayan! Sagutin mo."

Tili na naman niya sabay hagis sakin ng cellphone, buti na lang magaling akong sumalo.

"Hoy, bruha. Para tawag lang- " na-erase sa utak ko ang lahat ng words na sasabihin ng makita ko kung sino sa caller ID. Nanlalaking mata, inihagis ko ulit kay Bing.

"Anu baaaa! Daddy mo 'yan, kausapin mo." Reklamo niya na iniwagayway pa ang kasasalong cp sa pagmumukha ko.

"Eh ikaw tinawagan, di ba? Alangan naman ako sasagot eh hindi tayo magkasama ngayon."

"Kayaaaa! Wala naman sa usapan na di tayo magkasama ah. Sabi mo lang 'wag sasabihin kung nasaan ka." Labas na mga litid sa leeg niya sa kakasigaw. Pinagtitinginan na kami ng mga tao sa loob ng store.

"Bing, 'wag kang mag-iskandalo dito. Dali na, dun ka sa labas. Sagutin mo na please."

Paawa effect, pout with super bait smile. Blink, blink, blink. Beautiful eyes.

"Bruha! Patay ka sakin mamya."

Yun na yun. Iyan ang pamatay technique ko kay Bing. Hindi ako matitiis nyan. Ngising aso, naglakad lakad ako paikot sa store.

"Darling, huwag mo ng sermonan masyado. Nandito na tayo oh. Mamaya lang aamin na yan."

Hanep. Bulong ko sa sarili ko. Kaboses na kaboses ni mommy ah pati endearment pareho.

Ang Artista at ang HerideraWhere stories live. Discover now