💞04💕 Headline si Ako 💕💞

29 3 0
                                    

EVANGELINE'S POV.  .  .


Buwiset na buhay to.

Pasado alas sais na ah. Nasaan na kaya si Bentot?

Panay tingin ko sa relo ng cellphone. Kating-kati nako na magdial pero nauuhanan lagi ng kaba. Baka kasi kasama sina daddy.

Nagkulong nako sa kwarto maghapon pagkatapos kong makatakas kanina.

Wala na, sira na ang Bora ko.

Nasaan na kaya si Javier, my love?

Eh, kung umuwi na kaya ako?

Tama!

Kriiingg.  .  .

Eksaktong dadial na sana ako sa cp eh biglang nagring 'yung landline.

"H-hello?" Sabi ko pagkatapos takbuhin ang side table.

"Good evening, Ma'am. Miss Ty has left some packages for you here. Would you like us to send them up for you?" Sabi ng babaeng receptionist.

"Nasaan na si Bing? I mean, pakausap kay Miss Ty."

"Sorry Ma'am but she left in a hurry after giving the packages." Magalang naman na sagot ng babae.

"Ah, okay. Hintayin ko na lang 'yung packages. Thank you."

Ano kaya ang drama ng babaeng 'yun? Mukhang nahuli siya nila mommy ah.

Hindi naman nagtagal, may kumatok na sa pinto. Mabilis pa sa alas kwatro tinakbo ko ang pintuan at pinagbuksan ang bellboy, inabot ang tip at kinuha 'yung packages or most likely sankaterbang mga paper bags.

My god!

Good for one year na damit ang shinopping ni Bing.

Naputol pagmu muni-muni ko ng mapansin ko ang isang bag na may nakasulat na 'Wear me now'.

"Anak ng. .  ."

Hindi ko natapos sasabihin ko. Napailing na lang ako nung hilahin ko palabas ang laman. Midnight blue na long dress, v-cut top na hanggang beywang ang lalim plus slit na feeling ko kada step ko eh masisilipan ako.

Damit pa ba to?

Pero in fairness, type ko ang strappy sandals na kasama. Sexy and elegant ang dating.

Huh?

May nahulog na sulat mula sa damit. Agad kong pinulot at binuklat. Sulat kamay ni Bing.

Lukaret, isuot mo 'to at punta ka sa restaurant na nakasulat sa ibaba. Naiset na kita ng dinner with Javier pero dapat isuot mo yang damit ha kung hinde ibubuking kita sa daddy mo. Malaki utang mo sakin, humanda ka pag nakatakas ako mamya.

So, nahuli pala talaga siya. Hah, di ko isusuot.

P. S. Pag di mo isinuot yan Evangeline, kalimutan mo na na magkaibigan tayo. A promise is a promise. Period!

Ang Artista at ang HerideraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon