💞02💕Mamatay na Umamin💕

52 3 0
                                    

EVANGELINE'S POV. . .


"Ma'am?" Nagising ako sa mahinang yugyog sa balikat. Laking gulat ko na ako na lang ang natirang pasahero.

"Ma'am, welcome to Caticlan po," magiliw na sabi ng stewardess na sinuklian ko ng alanganing ngiti.

Kakahiya!

Kasalanan 'to ni Lee Min Ho eh. Sa pagkukunwari kong tulug-tulugan kanina ay nauwi sa totoong pag-idlip.

Badtrip! 'Di man lang ako ginising ni Javier, my love. Lagot siya sakin pag nagkita kami.

"Um, salamat Beth," sambit ko sa babaeng gumising sakin pagkatapos kong basahin ang nameplate nya sa diddib.

"The pleasure is all mine po. Hope you enjoy your vacation, Ma'am." Nakangiting sagot ni Beth habang pinapanood ang pag aayos ko sa mas lalong gumulo kong buhok. Tinanggal ko ang ponytail at sinuklay gamit ang kamay ko habang naglalakad papalabas ng eroplanu. Hirap naman kasi ng hanggang beywang na buhok at kulot pa ang dulo, siguradong mukha akong bruhang bagong gising.

Halos nilipad ko papuntang labasan para hanapin si Bing. Kandahaba leeg ko sa paghagilap sa kanya nang biglang may tumili sa dulo ng exit, "Hoy, Evangeline! Diitooo!"

'Yun lang. Nag-eskandalo na naman si Bing. Evangeline na naman. Nagkunwari akong hindi siya narinig, daming tao eh, dyahe talaga. Pasimple akong sumulyap sa gawi niya, aba, patalon-talon at kuntodo kaway pa talaga ang bruha. Walang pake sa nakapaligid sa kanya na naghahagikgikan. Makukutusan ko talaga ang babaeng to eh.

Puwes! Magdusa ka. Hindi tayo magkakilala. Eexit na sana beauty ko nang sumigaw na naman siya, "Bes! Si Javier oh!"

Anu daw? Lumukso puso ko sabay sagot, "asan, asan?" Excited na tanong ko na walang awat na paglinga kung saan-saan pero walang Javier.

Grrrrr! Nilingon ko si Bing at tiningnan siya ng napakatalim. Sinakal ko na siya ng paulit-ulit sa utak ko. Naisahan na naman ako.

"Eh, di lumingon ka din," tira agad ni Bing na nakataas ang kikay nang makalapit nako sa kanya.

"Tse! Lagi na lang." Padabog akong sumakay ng walang pasintabi sa van na nakaparada sa likuran niya sabay lock ng pinto.

"Hmp! Bruha talaga. Kung di lang kita bes eh pinasalvage na kita. Kakaasar. Wala ng magandang nangyari sa araw na to." Litanya ko sa sarili ko.

"Excuse me, miss. What do you think you're doing?" Biglang sabi ng boses sa tabi ko.

"Ikaw na naman? Anak ng teting."

Tadhana bakit anlupit mo. Si Min Hoo na naman.

"It will be nice if you'll speak in a language that I will understand." Nakataas kilay na sabi nya.

"Hoy bruha! Ano ba, baba ka dyan." Nagsisigaw na naman si Bing sa labas ng van sabay katok sa bintana. Tapos yun na dumagsa and fans, naku, nkipag-kissing scene si bes sa sasakyan.

"You're headed to Boracay's pier? Can't we share a car?" Tanong ko na alanganin ang ngiti. Bad trip eh. Saan pako bababa? Di pwedeng makuhanan ako ng picture lagot ako kay daddy.

"Let's go," tipid na utos ni Min Hoo sa driver. Isinuot niya 'yung shades niya sabay talikod sakin paharap sa bintana. Anak ni janice, gumanti si papang!

"Bes, sunod kana lang. Okay? Sorry kasi di' nko makababa kanina. Intayin kita sa pier." Nagleave na lang me ng message sa phone ni Bing. Dalawang beses kong tinawagan, dineadma akech. Galit ata.

Ang Artista at ang HerideraUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum