Chapter 1

4.8K 114 58
                                    


Third's Person POV

May isang babaeng prenteng naglalakad sa hallway ng paaralan nila. Wala gustong magtangkang lumapit sa kanya dahil sya ay kinakatakutan ng marami .

May mapupungay syang mata, may isang panyo na nakalagay sa noo nya at kumakain ng bubble gum. Kahit na nakasuot sya ng Uniform ng eskwelahan nila ay makikita mo pa rin na may taglay syang kaangasan.

Pero alam niyo ba kung bakit may panyo siya sa noo niya? Dahil may pimples siyang tinatago roon pero iba ang pagkakaintindi ng marami sa panyong yun.

Habang naglalakad sya ay pinagtitinginan sya ng mga studyante, may mga bulong na rinig na rinig nya ngunit wala ni isang nagtatangkang lumapit sa kanya except this one .

"Ang angas ng dating mo ah?" Nakangising sabi ng isang lalaking mukhang drug user na nakaharang sa daanan nya. Hindi na nya lang yun pinansin at maglalakad na sana sa ibang deriksyon ng bigla na naman syang harangin nito. Naiirita siya sa mga ganoong lalaki. Maangas lang ang amoy.

"Ang angas mo ah! Hindi ka naman taga rito! Kung makaasta ka, kung sino" galit na sigaw ng lalaki. Mukhang nagalit na ang lalaki dahil sa hindi nya ito pinagtuonan ng pansin. Nakatitig lang ang kanyang mga mata sa lalaki.

"Hindi mo ba ako kilala ha?" Tinuro turo pa ng lalaki ang sarili nya para lang makilala sya ng babaeng maangas .

"Definitely not, at pake ko sa pangalan mo? Importante ka ba? Anyways, umalis ka nga sa harapan ko. You're annoying me. " Malamig na sabi nya. Mas lalong nagalit ang lalaki sa pamamaraan ng pananalita nya kaya inambahan sya nito ng isang suntok. Nagulat ang lahat sa madaling pangyayari. Napangisi ang babae dahil expected na nya ito na mangyayari sa kanya kaya naghanda sya ng isang magandang pangdepensa .

Nang inambahan sya nito ng suntok ay agad nyang dinuraan ng bubble gum ang mukha ng lalaki dahilan para mapahinto ito sa pagsuntok sana sa kanya. Hindi inasahan ng lalaki ang nangyari.

Ginamit nya ang pagkakataon na tapusin ang isang walang ganang pangyayari sa buhay nya. Walang ganang sinuntok nya ang lalaki sa mukha at tinuhod nya ang junior nito dahilan upang mapasinghap ang mga manonood at mapasigaw naman ang lalaki sa sakit.

"Wag kang mag-alala ,hindi ka mababaog nyan. Dahil mababaog na mababaog ka dyan sa katangahan mo. At please ,wag mong harangan ang daan ko dahil hindi kita kilala at mas gugustuhin ko pang hindi kita makikilala. Your attitude is worst, pinapalaki mo pimples ko eh. " sabi nya nito at nagsimula ng maglakad.

Simple lang ang buhay nya, dahil bukas na bukas iba na naman na eskwelahang papasukan nya dahil siguradong sigurado sya na masususpend na naman sya sa ginawa nya kanina .

Beatrix 's POV

" Beatrix! " rinig kong sigaw ni Papa sa labas. For sure, sesermonan na naman ako ng matandang iyon. Hay buhay, walang kalamay. Kidding.

Tumayo nalang ako at inayos ang sarili sa salamin. Naglakad ako palabas sa hagdanan tsaka pumunta sa living room kung saan nandoon sina Daddy and Mommy.

" Yo" sabi ko at umupo na sa sofa.

Tiningnan ko si Dad at tinaasan ng kilay. Nang makita niyang ganoon ang inasta ko ay kumuyom ang kamay niya kasabay ng papel na nakalagay roon.

" Why are you expelled again Beatrix!? "

" It's his fault Dad, hinarangan niya ako-"

" Then give way!" sigaw niya na ikinagulat ko. Ha?

" Give way? Whatda- siya dapat ang maggigive way sakin. "

Classrooms of Saikyō[COMPLETED ]Where stories live. Discover now