Chap 46

1.1K 40 0
                                    

Beatrix 's POV

Sinusundan ko lang si Sabrin na ngayo'y naglalakad sa unahan ko .

Tumingin ako sa mga kasamahan ko .Wala pa rin silang malay .Hayst .

Habang naglalakad kami ay hindi ko mapigilan ang sarili kong magtanong sa kanya .

"Sabrin ,Anong klaseng gamot ba yung pina-inom mo sa kanila kanina ?"

Naghintay ako ng kanyang sagot ngunit wala syang sinabi .Pch .Langya ka Sabrin .

Tsk .

Sumunod nalang ako sa kanya hanggang makarating kami sa isang Falls .May falls sa S-High ?Ba't ngayon ko lang yan nalaman ?Tsk .

Pumunta si Sabrin doon at uminom ng tubig .Lumapit na lang din ako sa kanya dahil kanina pa ako uhaw na uhaw .

Kumuha ako ng isang dahon at ginamit ko itong baso .

"Come here " sabi ni Sabrin sakin .Umupo sya sa may bato malapit sa falls .Ang taas ng falls at ang laki laki pa.

Lumapit ako sa kanya at umupo rin sa bakanting bato.

"Galing yun sa papa ko " biglang sabi ni Sabrin. huh?

"Yung likidong pinainom ko sa kanila ay galing sa papa ko .My father is a scientists and one of his experiment is the Beamux" sabi nya sakin .I looked at her at kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang pangungulila ng ama .

"Beamux ang ipinangalan ng Papa ko sa itim na likido kanina .It's an anti-posion kaya sigurado akong gagaling ang mga kasamahan natin mamaya ." sabi nya sa akin .Tumango ako bilang tugon .

"Ang papa ko ang isa sa mga namumuno ng S-High noon ." nagulat ako sa sinabi nya .

"You heard it right .My father is one of the former leaders of S-High ,pero hindi na ngayon .May pumatay sa kanya at sisiguraduhin mamamatay ang taong pumatay sa kanya .Sisiguraduhin kong dadanak ang kanyang dugo sa lupa .How dare them killed my father ?!"galit nyang kwento sa akin .Alam kong gustong-gusto na nyang pumatay .

We're just in the same situation ,Sabrin .Pareho tayong nangungulila sa atensyon ng ating mga ama .

***

©Izzybheir

Classrooms of Saikyō[COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon