Chapter 7

2.2K 82 14
                                    

Beatrix's POV

What's this feeling? Biglang tumibok ang puso not because kinakabahan ako, but because someone holds my hand.

Sa gitna ng usok, kitang kita ko ang kamay niyang nakahawak sakin.

" Hold tight Hatchimitsu" sabi niya at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko.

" Okay" mahinang sabi ko, and I also gripped his hand.

Ganito pala ang feeling kapag may nakahawak ng kamay mo no? Susmaryosep.

Sa gitna ng pag-iisip ko, sa wakas ay nakarating na kami sa room namin. Lahat sila ay humihingal kakatakbo. I looked at them, they're all dirty. There are bloodstains in their uniforms at naliligo sila sa harina at itlog.

" Guys you okay?" tanong ko sa kanila.

" Okay nalang Sis, putangina shit. " bulyaw ni Sabrina sakin at inamoy pa ang sarili.

" Hayst, okay lang yan guys. As long as we're together, no one can break us, yey! Di ba Channy babe?" sabi ni Troy at hinilamusan ang mukha gamit ang kamay dahil sa dugo. Nilingon niya si Channy at nagrolled eyes lang ito.

" Tama ka Troy-" sabi ko pero naputol yun ng biglang sumigaw si Sabrina.

" Kyahh! Nanikuriii! Holding hands, holding hands. Ba't makahawak kayo ng kamay? Hala shit, yieee Ashton-papi ah, lakas rin ng trip mo. Charing, may pa hokage moves ka pa talaga ah. Yiee yiee" sabi ni Sabrina at lumapit ito para sundutin ang gilid ni Ashton.

Agad namang namula ang pisngi ko sa katyaw n8 Sabrina samin, narinig ko ring tumawa si Troy at nagsmirk si Sabrin.

Agad-agad kong kinuha ang kamay ko sa pagkakahawak ni Ashton.

But unfortunately, he didn't let go of my hand kaya nanlaki ang mata ko sa kanya, he just looked at me boredly.

" H-huy pogi, let go of my hand. "

" So what if maghoholding hands kami? Magholding hands rin kayo. Tsk, let's go" sabi niya at hinila nalang ako. Muntikan pa akong madapa dahil sa lakas ng pagkakahila niya sakin.

Hanggang huminto kami sa tapat ng boys locker. He looked at me pero umiwas ako, tangina. Ang weird naman ng pogi amp!

" You didn't bring any clothes aside from that uniform right?"

" Ah oo. "

" You also don't have P.E Uniform?" he asked me, pero teka nga ba't siya nagtatanong?

But yes, wala pa akong P.E uniform. They only gave me a single uniform kaya wala akong damit pambihis.

" Ay meron akong civilian attire sa locker ko. "

" Tsk, you wanna get expelled?"

" I can just give a valid reason to the Shujin-sama" sabi ko. Binitawan niya ang kamay ko at binuksan ang locker niya. May kinuha siyang damit doon na sa pagkakaalam ko'y P.E niya.

Classrooms of Saikyō[COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon