Chapter 9

2K 80 16
                                    

Beatrix POV

Habang naglalakad kami ay hindi ko mapigilang kabahan. Sino ba namang di kabahan sa sitwasyong 'to? Isang bala lang ng baril, for sure mamamatay na ako. Shit na malagkit.

" Nee-chan, wag kang mag-alala okay? Takot ang mga schoolmates natin dahil kasali na tayo ngayon. Tangina, ba't walang sumusulpot na kalaban? " sabi niya at iwinasiwas ang katana niya.

Dahil nagsimula na ang tinatawag nilang Kill-on, kahit anong oras ay pwede kang patayin ng kahit sino sa schoolmates mo, as long as they are your enemy, pero maliban nalang sa classmates mo, they're your teammates.

" Hontoni? Really? Ito na iyon? Ba't wala tayong kalaban? "

" Don't let your guard down Sabrina, we don't know baka nasa gilid lang natin sila. "

" Hai! Troy-chan! " saludo nito kay Troy kaya umirap nalang ito.

Naglalakad kami ngayon sa kung saan, malaki ang paaralan at may boundary silang binigay na kung saan doon lang ang lahat ng mga estudyante kaya nandito kami ngayon sa gubat ng S-High.

Mga ilang oras na rin kaming naglalakad rito, at napalipasan narin kami ng tanghalian at dinner.

Biglang tumunog ang tiyan ko. Hoy!

"Are you hungry, Hatchimitsu? Biglang sulpot ni Ashton sa gilid ko.

" Hindi naman pogi, hehehe." pagsisinungaling ko.

" But your stomach said the opposite. Tsk, be patient. May magdedeliver ng pagkain natin. "

Hala talaga? May ganon?

Ulit ay nabalot kami ng katahimikan. Nagpatuloy kami sa paglalakad ng biglang may sumigaw.

"Pesteng yawa! " sigaw ni Sabrin kaya napalingon kami sa kanya. " Channy naman eh, ba't ka nanggugulat? Tangina eh. "

" Hahaha, chill Nee-chan Sabrin. I'm just bored okay? At ang tahimik pa. " ngising sabi ni Channy pero inirapan lang siya ni Sabrin. Sino ba namang hindi mapikon sa ginawa ni Channy? Aigo, hahaha.

" Tangina mo Channy. " at tinaas pa ni Sabrin ang kamay niya at pinakita nito ang middle finger niya. Pikon na pikon na talaga si Sabrin kaya agad agad na lumapit ang kambal sa kanya at pinatahan ito.

"Ouch!" sabi ko ng mabangga ko si Ashton sa likod. Lumingon siya sakin kaya nagpeace sign ako. " Hehe, laki kasi ng likod mo pogi. "

" Watch out okay?"sabi niya kaya tumango ako. Grabe, apakabait na naman niya sakin and I really wonder why.

"Dito muna tayo magpahinga-shit! Enemy! " sigaw ni Ashton at sa isang iglap ay pinalibutan na nila ako. Nasa gitna nila ako at nakatalikod sila sakin, hinanda nila ang mga armas nila. Huh? Saan?

Bago ko pa man maiba ang paningin ko ay may naaninag akong ilaw na sa pagkakaalam ko'y galing sa isang motor. Dalawa ito at ang lalakas ng takbo.

They're the enemy? Pero ba't may motor sila? Pwede ba iyon? Sa hindi malamang dahilan, agad na nanginig ang kamay at tuhod ko. I hold my dagger tightly ng biglang huminto ang dalawang motor, balot na balot ang mga driver nito at nakaitim na helmet pa.

Walang nagtangkang magsalita.

" Okay guys, I'll count into three. If I said fire, barilin natin" bulong ni Ashton at agad naman kaming tumango.

Classrooms of Saikyō[COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon