Chapter 3:

24 2 0
                                    

  Jackie's POV



Nasa music room ako ngayon at pumipili ng instrument. Ako lang mag-isa dito, lunch break na kasi. Inaya pa nga ako ng mga pinsan ko pero tumanggi ako. Namimiss ko na kasing tumugtog. Kinuha ko ang gitara at naupo sa upuan. Nagsimula na akong mag strum, chorous lang ang kakantahin ko.



~Walang papantay sayo...maging sino man sila~
~Ikaw ang araw sa tag-ulan at sa maulap kong umaga~
~ Wlang sagot sa tanong kung bakit ka mahalaga
~Walang papantay sayo maging sino man sila



*clap* *clap*



Napatigil ako sa pagkanta ng makarinig ako ng palakpak.



Napalingon naman ako sa may pinto at laking gulat ko ng makita ko siya.



"You have a nice voice" nakangiting sabi niya sa akin. Napakagat labi naman ako para mapigilan ang pagkawala ng tili sa bibig ko. Nararamdaman ko na rin ang init ng pisnge ko.



"Ah hahaha*kamot sa batok* sa-salamat" sh*it! bat ako nauutal? Chance ko na ito para mapalapit sa kanya kaya dapat kapalan ko ang mukha ko na kausapin siya! Lalapit na sana siya sa gawi ko ng may sumulpot sa likuran niya at hinawakan ang braso niya.



"Common' hon, I'm already hungry" malambing na sabi ni Cassy. Napanguso nalang ako, tsk! Istorbo!



"Bye" nawala naman yung inis ko ng nagpaalam siya sa akin at kumaway. Pagka alis nila ay agad akong nagtatalon at nagtitili dahil sa tuwa.



"Hooo!!!" pasuntok suntok pa ako sa hangin.



"Have you gone crazy?" napatigil ako sa ginagawa ko at napatingin sa may pintuan. Nakita kong naka kunot noo ito habang nakasandal sa gilid ng pinto.



Patalon-talon ako na lumapit sa kanya at hinawakan ang balikat niya.



"Tol! Tol! sinabihan niya ako na maganda daw ang boses ko kyaahhhh!!!" patiling sabi ko kanya habang niyu-yogyog ang balikat niya.



"Stop it Kie2x my head is spinning!" tinigil ko naman ang pag yugyog sa kanya ng hinawakan niya na ang ulo niya.



"Nga pala anong ginagawa mo dito Ron2x?"



Ron2x is also my cousin. Pansin niyo ba na kadalasan kong kasama ay mga pinsan ko? Well, wala kasi akong kaibigan dito. I don't need any, sapat na sa akin ang mga pinsan ko. Mas mabuti na yung pinsan mo ang mga kaibigan ko dahil walang plastikan na magaganap. Isa pa takot ang mga studyante dito sa akin.

Ways To Make Him MIneWhere stories live. Discover now