Chapter 7

23 2 0
                                    


*Jackie's POV*


"Oh? napano ka insan?" tanong sa akin ni Jack pagkaupo ko ng mesa dito sa canteen, dito muna kami magbe-breakfast kasi walang nakapaghanda. Wala kasi yung mga dalawang katulong namin. Kahit na mayaman kami hindi naman kami naghi-hire ng maraming maid, kaya naman kasi namin ang ibang gawain.


"Paano ba naman kasi! Binigay ko na lahat hindi niya pa tinanggap" kanina kasing umaga ay inabangan ko si Sean.(AN: YUNG SA PROLOGUE GUYS) Flowers at chocolates pero walanjo! sinigawan lang ako ng loko na para bang walang nangyari sa amin. I mean parang hindi kami nagsama kahapon tsk! Hindi ko na nga siya sinumbatan ng iwan niya ako.


"Kulang pa ata yun pinsan!" napatingin naman kami sa kararating lang na sina Kiel, Carl, Troy at Aron.

"Bigyan mo nalang ng kotse at house and lot"singit na naman ni Carl.

"Aish! Brainless ka talaga!" asar na sabi naman ni Troy sa kanya.

"Hindi pa ako baliw para gawin yun" naka-irap na sabi ko sa kanya.


*Sean Blue POV


Lunch na at nandito na kami ng barkada sa canteen. Si Loue Cruz, Kyle Vegas, Carter Enrique sila ang mga buddies ko. Naging kaibigan ko sila since highschool.


"Hi babyloves" napatigil naman kaming apat sa pagtatawanan ng may sumulpot na naman na asungot! Aish, kailan ba siya mawawala sa landas ko.


Nakita ko kung paano nabilaukan si Loue at kung paan naibuga ni Carter ang iniinom niya. Grabe maka react ang mga gago!


"Can you stop calling me that sh*t!" sigaw ko sa kanya na ikinatingin sa amin ng mga estudyante. Napayuko naman siya pero agad din nitong tiningnan yung mga estudyante na ikinaiwas nila ng tingin sa kanya.


"Ok kung ayaw mo Blue nalang" nakangiting sabi nito sa akin.


"Tsk!"


"Sean" banta sa akin ni Kyle. Kyle hates it when we treated a girl rudely, but I don't give a d*mn! I want her to be out of my sight!


"Nga pala may dala akong ulam" nakangiti pa ring sabi nito sa akin habang hawak niya yung dalawang lunch box. Hindi ko ito tinanggap.


"Okay lang naman kahit na hindi na tayo magsabay, kunin mo nalang"


"I won't accept that!" mariing sabi ko sa kanya at tiningnan siya ng masama.


"Ilagay mo nalang diyan" nakangiting sabi ni Kyle sa kanya. Napabuntong hininga naman si Jackie at nilagay sa tabi ko yung lunch box saka umalis.


"Oy akin na to ah!" natatakam na sabi ni Loue pero bago niya pa ito kunin ay kinuha ko na ito at nilagay sa bag ko.


"Ayaw pala huh" nanunuksong sabi naman ni Carter pero sinamanan ko lang siya ng tingin.

Ways To Make Him MIneWhere stories live. Discover now