Chapter 22

14 1 0
                                    

  Jackie's POV


Matapos ang surprise ng mokong ay umuwi na agad kami. Grabe talaga siya dahil dinala pa talaga niya ako sa bagio para mag sorry lang. Marami nga akong nadala na strawberry eh!


~Kinabukasan~


Habang kumakain kami ni Sean ay sinusubuan naman niya ako, nagmukha tuloy akong baldado.


"Delicious right?" nakangiting sabi nito sa akin at tinaas baba pa ang kilay. Nagdala kasi siya ng ulam na afritada na siya daw mismo ang nagluto.


"Oo, sobra...ikaw ba talaga nagluto?" paano ba naman kasi, sobrang sarap. Knowing him, mag mimistulang dagat sa alat ang niluto niya o di naman kaya ay walang lasa.


"Grabe ka naman sa akin love, Look I've got cuts dahil inayos ko talaga ang pagluluto" nakangusong sabi nito sa akin at parang bata na ipinakita yung daliri niya na may mga cuts.


"Ahw, wawa naman ng lab2x ko" malambing na sabi ko dito at hinalik-halikan ang kamay niya na may mga band-aid.


"There, gagaling na yan bukas" nakangiting sabi ko sa kanya. Napangiti rin naman siya at hinalikan ako sa noo.


"Edi kayo na amg sweet!" napa-iling nalang kami dahil sa sinabi ni Carl. Habang nagtatawanan kami ay may lumitaw bigla na mangkukulam!


"Hi! Can I sit here?" mahin-hin na sabi nito na akala mo naman ay siya ang pinaka mahinhin na babae sa balat ng lupa.


Bigla nalang ako nawala sa mood dahil sa kanya, tsk! Naramdaman kong pinisil ni Sean ang kamay ko at ngumiti ng matamis. Napabuntong hininga nalang ako, sinabi ko pala sa kanya na iintindihin ko ang bruhang ito!


"Kita mo namang hindi na pwede ipagsi-siksikan mo pa ang sarili mo" bigla kaming natawa sa sinabi ni Carl dahil double meaning yun.


"Don't be rude Carl, here have my seat" sabay kaming napairap ni Carl dahil sa ginawa ni Aron. Kahit kailan talaga! Ngiting-ngiti na naupo naman si Shane bruha sa tabi ni Sean.


Tahimik na tinuloy namin ang pagkain, panay pa rin ang pagsubo sa akin ni Sean. Napansin ko namang hindi na maipinta ang mukha ng bruha kaya napangisi ako.


"Wow! Is that afritada?" biglang sigaw ng bruha habang nakatingin sa lunch box na may lamang ulam.


"Yeah, you want some?" napa-irap nalang ako ng alokin pa ito ni Sean. Hindi nalang ako pumalag dahil sinabi kong iintindihin ko ang bruha!


"Yes please!" nakangiting sabi nito at nagpuppy eyes, well...nagmukha talaga siyang aso!


Lalagyan na sana ito ni Sean ang pinggan nito ng umiling-iling ang bruha.


"Subuan mo ako please? Na-miss ko na kasi na sinusubuan mo ako palagi" biglang tumaas ang kilay ko at magsasalita na sana ng may nauna na sa akin.

Ways To Make Him MIneWhere stories live. Discover now