Chapter 5:

26 2 0
                                    


Mga 6 am palang ay nasa harap na ako ng gate hinihintay ang baby loves ko! Wew! Maaga kasi siyang pumapasok. Oh! andito na pala siya! Dali-dali ko siyang hinarangan.


"Good morning baby loves!" nakangiting sabi ko sa kanya. Tiningnan niya lang ako at nag-umpisa ng maglakad kaya sumabay na ako.


"Ako na ang magdala niyang bag mo" nakangiting sabi ko sa kanya.


"No need" malamig na sabi niya sa akin na ikinguso ko. Ba't ang lamig niya na sa akin eh noon naman ay ngumingiti pa siya sa akin.


Pagpasok namin ng room ay dumiretso na siya ng upo sa upuan niya. Imbis na maupo ako sa upuan ko ay naupo nalang ako sa tabi niya.Parang kailan lang ay hanggang tingin lang ako sa kanya pero ngayon nililigawan ko na siya hahha. Baka next time jowa ko na siya at sa susunod ay asawa na hihihi


"Stop it! You look like an idiot!" puna nman sa akin ng baby loves ko.


"Yiehh~ concern siya sa akin" panunukso ko sa kanya. Tiningnan niya ako ng masama kaya nag peace sign ako. Ng makarating na ang prof namin ay umayos na ako ng upo.


"Get 1 whole" napasinghap naman ang mga kaklase ko. Kesyo daw hindi sila nakapaghanda. How about me? Well no need to stress myself.


"Aish!" napatingin ako kay Sean na ngayon ay asar na asar habang may hinahanap sa bag niya.


"Wala kang papel?" tanong ko sa kanya.


"Obviously" pilit na sagot niya sa akin. Napangiti nalang ako at binigyan siya ng papel. Nagdadalawang isip siya kung tatanggapin niya ba ito.


"Just accept it Mr. Villafuerte! Wag kang maarte!" sigaw ng Prof namin na ikinangiwi niya. No choice siya kaya tinanggap niya na ito.


Tahimik na nagsimula na ang long quiz namin na puro identification. After 30 minutes ay natapos na rin ako, napatingin naman ako kay Sean. Sabay pala kaming natapos? Parang destiny lng hahahha. Matapos ang long quiz namin kay Mr. Valdez ay sumunod naman ang chemestry namin. Puro discussion lang at napaka boring.


Habang nakikinig ako ay may mabigat na bagay akong naramdaman sa balikat ko. Napalingon ako sa right side ko, napalunok ako ng mapansing sobrang lapit ng mukha namin ni Sean.


Nakasandal lang naman ang ulo niya sa balikat ko. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti habang nakatingin sa mala anghel niyang mukha na mahimbing natutulog.


His thick brows, long eye lashes, pointed nose and his red kissable lips. I gently ruffled his smooth hair.


"*Ehem* Ms. Mendez" napatigil ako sa ginagawa ko ng tawagin ako ni Ms. Castro.


"Sorry Miss" tumango naman siya sa akin at tinuloy ang pag discus. Kahit na ako ang may-ari nitong school may galang pa rin naman ako.


Ways To Make Him MIneWhere stories live. Discover now