Chapter 20

17 1 0
                                    


  Jackie's POV


"Hi! I'm Shane Vasquez...Sean's girl bestfriend" malambing na pagpapakilala nito sa akin at nilahad ang kamay niya. Tsk! lokohin niya na lahat wag lang ako! Bait-baitan pa eh alam ko namang demonyo ag ugali nito nag babalat-kayo lamang.


Pero hindi magpapatalo sa ka-plastikan niya! tsk! Ngumiti ako ng napaka -tamis sa kanya.


"Jackie Mendez, Sean's GIRLFRIEND" nakangiting sabi ko dito at tinanggap ang kamay niya. Pinisil ko ito kaya kita ko ang sakit nito sa mga mata niya pero nanatili pa rin siyang nakangiti.


"Nice to meet you" nakangiting sabi pa rin nito at hinila ang kamay niya saka pasimple itong hinimas. Tsk!


"Its...not nice to meet you" prangkang sabi ko sa kanya na ikinagulat niya. Anong akala niya sa akin tatahimik nalang sa isang tabi!


"Well...you just hugged my boyfriend. I'm a possessive girlfriend and I don't want someone to touch MY property" mataray na sabi ko sa kanya. Binaling ko ang tingin ko kay Sean na may amusement sa mukha niya. Bwesit siya! Nasisiyahan pa siyang makita ako na nagseselos!


Tumaas naman ang kilay nung Shane. Napangisi nalang ako, sinasabi ko na nga bang bruha ang isang to!


"Oh...if that's the case, sanayin mo na ang sarili mo. Cause I'm his bestfriend and I can touch him anytime I want" mapang-asar na sabi nito sa akin at pasimpleng lumingkis pa sa braso ni Sean na ikina-igting ng panga ko.


"Bestfriend ka lang! Girlfriend ako, at ako ang may mas karapatan kay Sean! Unless hindi bestfried ang tingin mo sa kanya" mapang-uyam na sabi ko dito.


"At paano kung sabihin ko sa'yo na hindi nga?" napakayom ako ng kamao, I composed myself at tiningnan siya ng malamig.


"Well, sanayin mo na rin ang sarili mo na mabugbog" malamig na sabi ko sa kanya at umalis sa harapan nila. Langya! Badtrip na ako!


Sean's POV


"Shane you shouldn't do that" mahinahon na sabi ko sa kanya. Napanguso naman ito na ikinatawa ko. I missed her, almost 1 year kasi siyang wala dahil pumunta ito ng US.


"Ehh! I'm just teasing her! Saka hindi naman ganya si Cassy eh!" napabuntong hininga nalang ako.


Shane is a sweet girl. She do sweet gestures on me and she's clingy...pero kahit kailan hindi nagalit si Cassy sa kanya, tinatawanan niya lang kami pag naglalambing sa akin si Shane. Kaya naninibago ako kay Jackie, hindi ko maiwasang mamangha dahil nag selos siya agad sa ginawa ni Shane.


"Shane, Jackie and Cassy is different okay" sabi ko dito at nagsimula ng maglakad.


"You wouldn't want to see Jackie mad Sean" nakangising sabi ni Carl sa akin na ikinalunok ko. How can I handle her? Kahit kailan namn kasi hindi nagselos si Cassy.

Ways To Make Him MIneWhere stories live. Discover now