Chapter 8

20 2 0
                                    

  Sean Blue POV


Humahangos na tumigil si Jackie sa mismong tapat ko kung saan ako nakatali.


"Anong nangyari sa'yo?" nag-aalalang tanong ko sa kanya na ikinawiwas ko ng tingin. Sa tuwing nakikita ko kasi ang mga mata niya hindi ko maiwasang hindi maguilty. Dahil siguro sa pagtataboy ko sa kanya palagi.


"Sa tingin mo?" sarcastic na sabi ko sa kanya. Napailing nalang siya at tinanggal ang mga sintas na nakatali sa akin ng bigla nalang bumuhos ang malakas na ulan. Nagtatakbo naman kami sa loob ng parking lot ng bigla siyang madulas.


"A-aray! Linik naman oh!" nakatingin lang ako sa kanya at ganoon rin siya. Para bang gusto niya ng tulong pero ayaw niya sabihin. Tsk! Dapat kong iparamdam sa kanya na ayoko sa kanaya para lumayo ang loob niya sa akin. Pikit matang tumalikod ako.


*Jackie's POV


Napangiti nalang ako ng mapakla saka ko naramdaman ang pagpatak ng tubig sa pisnge ko. Hindi ito galing sa ulan kundi galing ito sa mga mata ko. Ayaw niya talaga sa akin! Sobrang desperada ko na ata at mukhang naaalibadbaran na rin siya sa presensya ko.


Sinubukan kong tumayo pero walang lakas ang kanang paa ko aya bumagsak ako ulit. Tumayo ako ulit at naramdaman kong babagsak na sana ako pero may sumalo sa akin.


"Kung ayaw wag mo ng ipilit ikaw lang rin ang masasaktan" napalunok ako ng makasalubong ko ang asul nitong mga mata. Pero bahagya akong natawa sa sinabi niya.


"It seems like ako ang sinasabihan mo nun, you want me stop courting you?" tanong ko sa kanya pero hindi siya sumagot, nakatitig lang siya sa mga mata ko kaya hindi ko maiwasang mailang at............................­.................kil­igin! Ene be! e se kinikilig eketch!


"Mukhang kailangan ko na talagang tigilan ang kahibangan ko" mapaklang sabi ko. Pero hindi ko inaasahan ang sasabihin niya.


"Ngayon pa kung kailan binibigyan na kita ng chance" nakatititg na sabi niya sa mga mata ko. Hindi ko maiwasang hindi mapalunok dahil sa klase ng titig niya, para bang binabasa lahat ng laman ng isipan mo.


"Haha akala ko pa naman sasagutin mo na ako" biro ko sa kanya upang maiwasan ko agng ilang na nararamdaman ko. Narinig ko siyang tumawa ng mahina.


"Assuming ka rin eh no" nakangising sabi niya sa akin at inayos ako ng buhat. Yun bang pang bridal style! Walanjo! nagwawala na ang mga bulate sa tiyan ko.


Napakagat labi ako ng hinawakan niya ang braso ko at ipinapulopot ito sa batok niya.


"Nahiya ka pa talaga huh" napanguso naman ako. He's a bully!


"Heh! Hindi naman porket mahal na mahal kita ay ete-take advantage na kita" sabi ko dito at inayos ang pagkakapit ko sa leeg niya.


Rinig ko ang lakas ng tibok ng puso niya. How I wish na ako ang tinitibok nito. Siniksik ko nalang ang mukha ko sa leeg niya. Hmmmm, ambango niya!


"Stop it Jackie!" eh??? napakunot noo nama ako sa sinabi niya. Wala naman akong ginagawa ah!


"Huh?" naguguluhang tanong ko sa kanya.


"Your nose" ah! sensya na! hindiko naman namalayan na sinisinghot ko na pala ito pero............ maasar nga. Hinigpitan ko ang kapit sa leeg niya at kiniskis ko ang ilong ko sa leeg niya.


Laking gulat ko nalang ng isandal niya ako sa malamig na bagay at doon ko lang napansin na kotse ito. Eh? Kailan pa siya nagkaroon eh hinahatid naman siya lagi ng driver niya.


"I told you to stop" he said huskily? eh? napalunok ako dahil sa boses niyang yun.


"Ah...ahmmm..ano" napakagat labi ako ng ilapat niya ang noo niya sa noo ko.


"Don't tease me like that" nakatitig niyang sabi sa akin at hindi ko maiwasang hindi mapalunok lalo na ng makita ko ang pagnanasa sa mga mata niya.


"I'm a man Jackie, even if I don't like you, I still get aroused" mas lalo akong napalunok.


Wahhhh! wrong move pala yun! Napakunot noo ako ng makitang namumula ang tenga niya. Saka ko lang napansin na....Wahhhhhh!!!! ang sagwa ng posisyon namin! nakapulupot ba naman daw ang mga binti ko sa bewang niya.


"S-sorry" nakangiwing sabi ko dito.


"Tsk!" sabay layo ng mukha niya sa akin at pinasok na ako sa passenger seat sa kotse kung saan niya ako sinandal. Napahawak ako sa magkabilang pisnge ko na maint. God! Nakakahiya yun!


"Sa condo ko nalang muna tayo, I bet malayo pa ang subdivison ng mga Mendez" tumango nalang ako at tumingin sa bintana.


Gusto kong tumili dahil dadlhin niya ako sa condi niya at dahil binigyan niya ako ng chance. Pero agad din yung naglaho ng maalala ko ang kahiya-hiyang nangyari sa kanya.


I usually sniff my cousin's neck before pero wala naman siyang reaction. Pero hindi naman lahat ng pisan ko ginanon ko! Isa lang ang pinaka close ko sa lahat si Moron Jay Mendez, yung pinaguusapan namin last time sa rooftop. Asan na kaya siya? I already miss him.

Ways To Make Him MIneWhere stories live. Discover now