Chapter 30

17 1 0
                                    

 Jackie's POV


Tatlong araw na kaming nandito at sa susunod na araw pa kami uuwi. Napasin ko rin na simula pa kahapon ay hindi pa lumalabas si Sean. 


 "Asan si Sean" hindi ko na mapigilang hindi magtanong kina Loue. Paano ba naman kasi hindi rin siya bumaba kaninang breakfast at lunch, nag-aalala na ako.


  "Nasa kwarto, natutulog" napabuga ako ng hininga saka tumayo at dinala yung pinggan ko na hindi pa nagagalaw.


  "Saan ka pupunta?" tanong ng mga pinsan kong lalaki at mga kaibigan ni Sean. Agad silang nagkatinginan at para bang nangungusap ang mga mata nila. Maya-maya ay tumayo na Jack at nilapitan ako. 


  "Relax ka lang insan, okay lang ang labs mo" sabi sa akin nito at pinaupo ako sa upuan ko. Naguguluhang tiningala ko siya.


  "Eh wala pa yung kain" sabi ko sa kanya pero ngumiti lang siya ng makahulugan saka bumalik sa upuan niya. 


 "You're already broke up, why you care?" napabalig naman ang tingin naming lahat kay Shane ng magsalita ito. I raised my brows and crossed my arms. 


  "Am I talking to you?" mataray na sabi ko sa kanya. Hindi naman sya nakasagot sa tanong ko pero agad ding ngumisi. 


  "You shouldn't set him free, cause I'm gonna' take him away from you" naikuyom ko ang palad ko sa sinabi niya. Naiinis ako at nag-uumpisa na naman akong magalit. Hindi ko pinakita sa kanya na napektuhan ako sa sinabi niya. 


 "As if I'm gonna' let you, mamatay ka muna bago mangyari yun" malamig na sabi ko sa kanya at tiningnan ko siya ng matalim. Dumukwang ako at nilapit ng konti sa kanya, nakita ko kung paano siya napangisi dahil sa ginawa ko. 


  "Booohhh!" panggugulat ko sa kanya sabay hampas ng malakas sa mesa. 


  "Ahhhh!" impit na napatili siya at napapikit. Nagtawanan kaming lahat dahil sa reaksyon niya, pati nga kaibigan pa niya. "Shut up!" galit na hiyaw nito sabay walk-out.


  "Bwahahhahahahhaha" tawanan naming lahat pati mga alipores niya. 


  "Nice one couz" nakangising sabi ni Azriel. Huh! Akala ata ng babaeng yun magpapatalo ako sa kanya. Not a chance! 


 _------------------- 


 Naglalakad ako sa dalampasigan ng matanaw ko si Sean na naka-upo sa buhangin. I need to talk to him right now, I think three days is enough time for us. Malapit na ako sa pwesto niya ng biglang sumulpot ang linta. 


  "Sean, can you put a sunblock at my back?" maarteng sabi nito at nagpacute pa. Awtomatic naman na napataas ang kilay ko lalo na ng tanggapin ni Sean ang sunblock. Pero agad din akong natawa ng ihagis ito ni Sean at iniwan siya. Taas noong lumapit ako sa kanya, I crossed my arms on my chest and raised my brows when I'm already infront of her. 

Ways To Make Him MIneWhere stories live. Discover now