Chapter 10

102K 2.7K 177
                                    

Chapter 10
Panaginip

Hinila niya ako palayo doon. Tinungo namin ang parking area kung saan naka parked ang sasakyan niya.

"Ano iyong sinabi mo?" Asik ko sa kanya at pilit hinihila ang aking braso. Pinatunog niya ang kanyang chevrolet at binuksan ang front seat.

"Ano ba bitawan mo nga ako! Bakit mo yun sinabi? Pinahiya mo ako." Gitil ko at nagmatigas na hindi pumasok.
Nilagay niya sa nakabukas na pinto ang kanyang braso ang isa ay sa baywang niya.

"Bakit hindi ba totoo? Sa tingin mo ba titigilan ka no'n kung hindi ko sinabi iyon?
Seryoso siya sa pagsabi non. He licked his lowerlip.

He broke up with Athena dahil sakin?
Gusto ko siya bilang kaibigan. Hindi na lalagpas pa doon.Dahil sa sinabi ni Clinton ay binitawan niya ako. Kung hindi naman ay pipilitin niya lang akong isama kahit na hindi ko gusto.

"Get in." utos nito. He's right.Dahil sa sinabi niya ay hinayaan ako ni Jedd.

"Saan mo'ko dadalhin?"

"In my unit." Iba ang dating pag sa unit niya. Hindi maganda ang huling punta ko doon.Ang aga pa. May pasok pa ako.

"May klase ako."

"Isang sabi ko lang kay Sebe. Magagawan niya ng paraan iyan."

Ang yabang.

I rolled my eyes. "Anong gagawin natin 'don?".

He captured my gaze.

"Bakit? Anong gusto mong gawin natin doon?" mapaglarong tanong nito sakin.

Agad uminit ang pisngi ko sa ibig niyang sabihin. I am not a saint para hindi iyon maintindihan.

"Damn you Clinton."

He tilted his head at inayos ang pagtayo.
"Come on,I'll cook for us. Don't worry hindi kita kakagatin sa ngayon." then he chuckled sexily.

Sa huli hindi na rin ako nakatanggi.
He's pouring some condensed milk sa sauce ng pasta na niluluto niya. Natatakam ako doon.Nilibot ko ang paningin sa kabuuan ng kusina niya.

It's all neat and clean. Nasa tamang ayos ang mga kubyertos ang baso at iba pa.

He's topless, naka sweatpants din siya.
He look so hot. I am now wondering kung ilang babae na ba ang nadala niya dito?

At kung bakit ako napunta sa ganito? Itong ngayon , kung noon ay hanggang tingin lang ako . Hanggang paghanga lamang. Pero ngayon ,heto ako ,nakaupo sa upuan at nakatingin sa kanyang bawat kilos.

Napataas ang kilay niya sakin. Agad siyang nagpunas ng kamay at may kinuha sa fridge.

Isang gold square box iyon. Sa pangalan palang alam na alam ko na kung ano iyon.
Iniabot niya iyon sa akin.

I gasped.

"Sa akin ' to?" tila kuminang ang mata ko ng tinanggap ang isang box ng assorted na puro chocolates na galing pa ibang bansa.

Gosh! Paano niya nalaman na mahilig ako sa sweets?

"Hm." he nodded.

"Lahat?"

"Lahat."

My jaw dropped. Agad ko iyong binuksan at kumuha ng isa at nilamon agad iyon.

He chuckled at kinuha niya ang sauce,at ekspertong binuhos iyon sa pasta.

"Ang sarap!" sabi ko na nasarapan sa chocolate.

Bawat galaw niya ay lalaking lalaki.

"Mamaya na iyan kain muna." nilapit niya ang pasta sa akin at umupo sa tabi ko.
Nagbuhos siya ng tubig sa baso.

Nilagay ko naman sa gilid ko ang box ng chocolate.

"Paano mo nalaman na paborito ko yun?" tanong ko sa kanya kahit na sobrang awkward sa akin ang mapalapit sa kanya dahil topless siya.

"I just know." simpleng sagot niya at kinain ang pasta kahit mainit pa.

Nagsimula na kaming kumain.At nauna pa siyang natapos kaysa sakin. Minamasdan niya lamang ako ngayon habang inuubos ang natira.

It's really awkward.

Lalo na ng ilagay niya sa likod ng upuan ko ang kamay niya. Kaya parang naka akbay na siya sa akin.

I licked my lips at tumingin sa kanya.
"Ilang babae na ang nadala mo dito?" out of the blue na tanong ko. Shit naman! Bakit iyon pa ang lumabas sa bibig ko?

Ngayon ko lang namasdan ng maigi ang guwapo niyang mukha. Ang tangos ng ilong niya. Ang makapal at perpektong hulma ng kilay niya ay nagbigay sa kanya ng supladong presensya. His jaw defined perfectly.

Ang mukha na pinaghalong Damon at Sebe.Iba talaga ang mag pinsan na ito.
Inayos niya ang pagkakaupo at mas lalong lumapit sa akin.

I gasped when his thumb brushed my lips. Huli ko na napagtanto na may natirang sauce sa labi ko.

"Maniniwala ka ba kung sabihin kong ikaw ang una at huli?"

I rolled my eyes. "Imposible.Hindi ako naniniwala." Sa araw araw ba na iba't ibang babae ang kasama niya. Imposibleng wala siyang dinadala dito.

"So ngayon maniwala ka na." simpleng sabi niya at sinipsip ang daliring pinunas niya galing sa labi ko na may sauce

Tinampal ko yon kahit na huli na.

"Ano ka? Galing sa labi ko iyon!"

He laughed.
"So?" tumaas ang kilay niya.
"Naghalikan na nga tayo di'ba?"

Kumalabog agad ang dibdib ko at uminit ang pisngi. Inirapan ko siya..bwesit.

"Ang bibig mo." saway ko.

Senswal niya namang kinagat ang labi niya.

"Wa'g mo akong idamay sa kamanyakan mo Clinton! Alam ko naman na isa lang ito sa mga laro mo! Pero hindi mo ako madadala."

Nag tiimbagang siya at nagseryoso ang mukha. Nakitaan ko iyon ng kalamigan.

"Let' s make it real then."

What the hell!

Nahulog ko ang tinidor na hawak sa sahig.
Kumabog ng husto ang dibdib ko sa sinabi niya.Hindi pa ako nakahuma sa narinig. . .

"Be my girl...ikaw lang.Wala ng iba." tiningnan niya ako ng naghahamon.

"Gano'n din sayo..Ako lang at wala ng iba." diin ang bawat bigkas niya non.

Napakurap kurap ako.Hirap maghanap ng mga salitang dapat isagot.

"Fucking answer me Nicole."

I nodded. "O-Okay."

"Okay?" He mocked.

"D-Deal." sagot ko at pumikit ng mariin. God it's really happening.

His lips rose.

"No talking with boys,no clubbing, bawat galaw dapat alam ko. And I am warning you that I am a possessive boyfriend. " He smirked. "One wrong move and you're dead."

Someone can slap me? Para magising ako sa panaginip na ito?

Just LustWhere stories live. Discover now