Chapter 12

96.1K 2.7K 337
                                    

Chapter 12
Taas noo


Nag ibigan noon ang mga magulang ko at ako ang naging bunga . Pero isang taon palang yata ang kanilang pagsasama at naghiwalay. My dad cheated.

Hindi ko alam kung cheat ba matawag iyon dahil bago nawalan ng buhay si lola ang nagpalaki sa akin ay bago 'raw ikasal si mama at papa ay may naunang anak na daw si papa. Nang naghiwalay sila ay iniwan ako ni mama sa lola at sumama sa kanyang lalaki.

Noong namatay si lola ng kinsi anyos ako ay umuwi si papa galing US para bilhan ako ng condo unit sa. Bata palang ako ay mulat na ako maging praktikal. Sawa na akong magmukmok at umiyak dahil alam kong wala akong ibang sandigan.

Tanging apat na sulok ng kwarto ko ang saksi sa lahat na emosyon ko. Kung paano ako umiyak sa sakit. Kung paano ako umiyak sa hirap. Kung paano ako umiyak sa saya.

Lahat na karupukan ay iniiwan ko dito sa kwarto ko at lalabas na masigla,masaya at walang bakas na lungkot ang mukha.

Ayokong kaawaan ako. Nabibili ko lahat ng gusto ko kahit milyon pa ang halaga sa isang minuto pero kulang na kulang ako sa oras ng pagmamahal.

Life is so unfair.Kung ayaw mo maging kawawa matuto kang makipagsabayan sa daloy ng mundo.

Limang buwan ang lumipas at pinunan lahat ni Clinton ang aking buhay ng pagmamahal. Hindi na ako nagmumumok sa loob ng kwarto ko at palagi na akong nasa suite niya.

I am wearing my pajama and white sando with my bra. Ayokong mamanyak ni Clinton dahil alam kong napakamanyak niya. Dito ako tuwing gabi natutulog at bawat gabi na iyon ay napupuno ang kwarto ni Clinton ng mapupusok naming halikan.

Sobrang hibang ako ng oras na iyon na halos isuko ko na ang bataan ko pero malakas siyang magtimpi. Laging sa banyo ang bagsak niya.Hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya doon.

Sa school ay usap usapan kami ni Clinton. May mga babaeng nanghaharas sa akin dahil ako 'raw yung flavor of the month ni Clinton.

Wala sa bokabularyo ko yung mag paapi. Masyadong awang awa na ako sa sarili ko upang apihin pa ng iba.

Wala akong sandigan sa oras ng kalungkutan o hinaing ko. Kaya ayokong maging api. Lalaban ako hangga't humihinga ako.

Nasa upuab ako at minamasdan ang likod ni Clinton na nagluluto ng fried rice. May nilagay siya doong meat na hindi ko pa natatry ilagay sa fried rice.

Gumagalaw ang bawat bitak ng kanyang likod sa paghalo halo ng ingredients doon.
Napakakisig niya talaga.Kahit twenty four palang siya ay hulmado na ang katawann niya na para bang trabahante.

He's topless and wearing a white pj. Kaya kanina ay napapatingin talaga ako sa umbok sa pagitan ng hita niya. Grabe ang laki no'n!

Tumayo ako at nakitang kong napatingin siya sa akin. Binuksan ko ang ref at kumuha ng tsokolate doon. Ang daming tsokolate niya dito. Simula na naging kami ay nag imbak na siya ng tsokolate sa ref niya.

Kinuha ko ang Tobleron doon at pinunit sa box no'n upang kainin.Umupo ako pabalik sa upuan at tapos na pala si Clinton sa ginawa.I saw him staring at me.

Ngumisi ako at kakagat na sana sa tsokolate ng agawin niya iyon sa akin.

"Hey! akin na!"

Umiling ito at humila ng upuan sa mesa at seninyas na doon ako umupo.

"Kain muna. Too early for sweets." anito.
Kaya napanguso ako walang nagawa at kumain nalang muna.Nilalagyan niya ang tubig ko kung wala nang laman at pinaubos niya sa akin ang gatas na siya ang nagtimpla.

Just LustWhere stories live. Discover now