Chapter 19

89.6K 2.7K 216
                                    

Chapter 19
Isang baby mo lang

Nakakabingi ang mga hiyawan ng mga studyante dito sa malawak na gym ng HMU. Kasalukuyan nagrarampahan ang mga naka two piece ang mga kandidata sa stage. Bawat kurso ay may mga pambato.

Dahil nga si Clinton ay pinsan ni Sebe , swerte kami dahil may nakalaan pa na upuan para sa amin sa harapan mismo ng stage sa likod lamang ng mga judges ng iba't ibang Unibersidad.

"Grabe ang ganda ni Victoria!" Mangha kong sabi. Tourism yung kurso niya. Her porcelain skin really suit with her black two piece.

Naghihiyawan ang mga studyante sa pangalan ng kani kanilang pambato.

Clinton just put his chin on my shoulder. Nang lingunin ko siya ay nakanguso lang siya sa akin at hinahawi ang hibla ng buhok ko.Binalik ko ang tingin sa stage at naramdaman ang braso niyang yumakap na sa akin. Parang wala siyang pake na madaming tao.

"Yung sa Engineering oh.Maganda rin at ang kinis!" panay ang puri ko sa kanila habang ramdam na sa paligid ang tensyon.

"Tapos?" bagot niyang sagot at parang inaantok na. He's wearing a black v neck shirt and a faded pants.May cap din siyang puti.

"Ewan ko sayo! Halos lahat diyan ay naging ex fling mo na!" himutok ko. Nawalan ako ng ganang manuod ng matanto na halos naging ex nga ni Clinton lahat.

"Ex fling baby. You're my first girlfriend."

Hindi pa natatapos ang search for Miss HMU ay nabagot si Clinton at nagyaya na umuwi. Sa kotse hindi ko maiwasan ang isipin ang nangyari ng mga nakaraang araw.

Hindi na ngayon nakapag aral si Berna. Ilang beses na din siyang nasugod sa hospital. Hindi ko kayang makita siya ulit. Hindi ko kayang makausap siya at marinig ang hirap niyang boses.

Pumayat siya ng sobra sabi ni papa. Si papa hindi na nakabalik sa US dahil nga kay Berna.

"Clinton."

"Hmm?" agad siyang tumingin sa akin. My heart jumped seeing his face. My heart beat everytime we're near.Everytime he kiss and touch me. Mahal na mahal ko siya.

Pareho silang mahalaga sakin.

"Are you okay?" alalang tanong niya. My eyes started to water.

Umiling ako. "Uhm how's you and B-Berna?"

His forehead creased. Maybe he's wondering kung bakit ko natanong.

Bawat ilaw nang poste na madaanan namin ay naiilawan ang mukha niya. His silhouette really intimidating.

"Why?" umiling siya. "She called me last time pero hindi siya nagsalita." He shrugged like he dont care.

"Clinton kung papipiliin ka. Sa isang dagat malakas ang bagyo at ang alon. Tatlo kayo na nasa bangka kung aanurin kayo ng alon sino ang ililigtas mo? Dapat isa lang.Yung taong mahal mo o ang kapatid mo?"

Mas lalong lumalim ang gitla ng noo niya dahil sa aking tanong.

"I am selfish Nicole. Kung hindi ko man masagip silang dalawa. Mas pipiliin ko ang taong makakasama ko habang buhay. Dahil alam ko na maiintindihan nang kapatid ko ang aking desisyon. Dahil kung kapatid ko ang pipiliin ko at mawala ang taong mahal ko. Magdurusa lang naman ako kaya mas mabuti pang mawala nalang din ako."

Brutal ang kanyang sagot. But it hit me so much. Sumikip ang dibdib ko kaya pinili kong sa labas tumingin.

"Tell me Nicole? May problema ba?" hinawakan niya ang kamay ko nang huminto na kami sa parking lot ng condo.

Just LustWhere stories live. Discover now