Chapter 23

88.1K 2.5K 326
                                    

Chapter 23
Luha


Inaantok ako habang nakikinig sa aming teacher. Alas onse na nang tanghali at mamaya ay lunch break na namin.

Patago kong kinapa ang aking cellphone. Tinago ko iyon sa likod ng silya sa harap ko para hindi makita. Nagtipa ako ng text para may Clinton.

To Clinton: Hi! Puwedeng humingi ng pabor?

Maya maya pa ay agad itong nagreply.

From Clinton: Hello baby,what is it?

Napangisi ako at nagtipa ulit at tiningnan ang guro sa harap na hindi ako nakita.

To Clinton: Lunch break na mamaya.Gusto ko ng pizza yung maraming cheese pero walang pineapple at mushrom

Umilaw ulit ang cellphone ko sa isang text at binasa ko iyon.

From Clinton: A peace of cake baby pero nasa meeting pa ako.

Uminit ang ulo ko dahil nag dismissed na ang guro at nagsitayuan na ang iba dahil mag lalunch na. Gutom na talaga ako. Sawa na ako sa sandwich at frapp na palaging lunch.

Kinuha ko ang bag ko at lumabas habang nasa cellphone ang tingin. Kung nandito lang sana si Jenn para utosan ko pero wala e.

To Clinton: Lunch break na namin Clinton! Ngugutom na ako. Tamad akong magmaneho!

Parang lumalaki ang butas ng aking ilong sa inis. Pero mas nadagdagan pa ng may biglang nabangga sa akin at nabuhusan ako ng fruit shake na hawak nito.

Napaawang ang labi ko at nanlamig ng nabuhos iyon sa dibdib ko mismo kaya bumakat ang aking itim na bra.

" I'm sorry! Sorry talaga!" hindi magka undagaga ang babae na nakabangga sa akin. Nilabas niya ang panyo niya at pinunasan ang aking dibdib na may basa na ikinairita ko lang. I feel so sticky! What the hell!

Pilit kong nilabanan ang galit at inis ko sa pamamagitan ng marahan na pag singhap.Mukha namang hindi niya sinasadya.

Ngumit ako at nilayo ang kamay niya kaya napatingin siya sakin.Hindi sya pamilyar sa akin.

Maganda siya at maikli ang buhok. Mas mataas ako sa kanya. Magkasing puti lang kaming dalawa.

"Wa'g mo nang punasan. May extrang blouse ako sa locker."

Nakapaskil sa mukha niya ang pagkataranta at nahihiya.

"S-Sorry talaga ha.Paliko kasi ako kay hindi kita nakita." she explained.

Napapatingin na sa amin ang nga dumadaan kaya ngumiti ako at nagpaalam sa kanya ng hawakan niya ako sa braso pero agad ding binawi dahil mukhang naiilang.

"Bakit?" nilingon ko siya.

She cleard her throat at inayos ang takas ng buhok. "I-Ikaw si Kylie di'ba?"

Kilala niya ako? Tumango ako sa kanya.
"Oo ako nga. Paano mo'ko nakilala?"

Minasdan niya ang mukha ko at ngumiti.
"Famous ka dito sa school e. Ako pala si Shan-Shan!" pakilala niya at naglahad ng kamay.

Tinignan ko iyon at nakipagkamay.

"Ang ganda ganda mo nga pala sa malapitan!" she giggled.

"Ikaw nga rin maganda rin." sumakay na din ako sa ka plastikan niya.

Ngumiti pa siya lalo. "Pwede ba tayong magsabag mag lunch?"

Napataas ang kilay ko sa kanya. Hmm. . . feeling close agad. Pero patulan ko nga. Tingnan natin kung papasa sa taste ko bilang kaibigan.

Just LustWhere stories live. Discover now