Chapter 14

93.5K 2.5K 175
                                    

Chapter 14
Tsaka na

Noong gabi na yun ay lutang ang aking pakiramdam. Kahit na niyakap na ako ni Clinton ay parang wala ako sa sarili ko na tinulak siya.

Walang lakas ang pagtulak ko. Walang buhay ang aking mga ugat sa katawan na tila apektado sa aking nararamdaman.

"Hindi ko kailangan ng awa mo."

His pierce and dark eyes filtered with something I can't figure out .Nakaigting ang panga at seryoso niya akong tiningnan. May kakaiba na sa mga mata niya na tila may gustong sabihin.

"Let's talk." he said.

Napapikit ako sa inis. Ang dami kong problema. At kasama na sya doon sa problema ko.

"Clinton please.Tapos na tayo, tanggap ko. Tanggap ko na pinagpustahan niyo lang ako. Hindi mo na kailangan makonsensya."

Dahil hanggang ngayon. Nasasaktan parin ako.Hanggang ngayon sobrang sakit parin.

His jaw clenched and he gasped.

"Let me explain.Oo nagpustahan sila tungkol satin! Hindi ako kasali doon!" Hinilamos niya ang palad at kinagat ang labi.

"Kahit wala ang putanginang pustahan na yo'n gagawa parin ako nang paraan na maging akin ka! Kahit wala ang pustahan na iyon ay may plano na ako sayo!" he almost shouted.

Napaawang ang labi ko sa narinig at nangilid ang aking luha. Nayanig ako nang kanyang sinabi kaya hindi ko iyon ma proseso.

What? d

Sa huli pinili ko ang yumuko at punasan ang aking luha.

"C-Clinton I need to go." umamba na ako na tatalikod nang hilahin niya ang pulso ko at kinulong ang aking pisngi sa dalawa niyang kamay. My back slammed on my car at natanto ko nalang na siniil niya na ako ng mapusok na halik.

"C-Clinton-" nalunod ng halik ang aking boses. Mapusok niya akong hinahalikan at lumakbay ang kanyang kamay sa aking katawan.

Dalawang rason kung bakit gusto ko siyang itulak. Una nasa basement kami! Baka may makakita samin kung bakit siya nandito ay wala akong alam . Pangalawa,naalala ko si Jedd, he's my boyfriend. Hindi man ako seryoso nang sinabi ko iyon. Ayaw ko parin nang ganito.

Tila naramdaman nang cellphone ko ang gusto kong mangyari kaya napatigil siya nang malakas na tumunog ang aking cellphone.Hingal akong napamulat at tinulak siya para sagutin ang aking cellphone. Tumalikod ako at sinagot iyon.

I
"H-Hello Jedd?" napakagat labi ako ng tingnan si Clinton. He smirked annoyingly.

"Hi! Nasa'n kana?" he asked.

Hindi ako nakaramdam pareho sa nararamdaman ko ngayon kay Clinton. Kung kinakabahan man ako ngayon ay dahil iyon kay Clinton.

"Uh, kakarating ko lang. Text text nalang Jedd ,may gagawin pa ako eh."

"Ah ganon' ba? Sige, itetext kita. I love you Kylie. Salamat sa chance na binigay mo."

Napalunok ako sa kanyang sinabi..

"Love you too Jedd."

Nanginginig ang kalamnan ko na tinapos ko ang tawag. Sinilid ko sa aking bulsa sa skirt ang aking cellphone. Marahas niyang sinuklay ang buhok gamit ang daliri niya. Binasa ang kanyang labi at nakitang pulang pula ang mata nito.

"Kayo na." malamig na sambit nito at hindi patanong.

Umiwas ako at tumango. "Oo kaya tigilan mo na ako." tatalikod na sana ako ng.

"Is that what you want?" malamig pa sa hangin ang kanyang boses at puno ng diin.

Napapikit ako at nakatalikod. Umagos agad ang aking luha na walang babala.
Kailan pa ba ako matatapos masaktan? Ang dami kong problema sa pamilya.Tila hindi na ako nauubusan ng rason para masaktan.

Just LustWhere stories live. Discover now