Chapter 18

97K 2.1K 177
                                    

Chapter 18
Selfish


Nanginginig ang bawat himaymay ng ugat sa katawan ko. Gusto ko pa siyang sabunutan!

"Baby please." ramdam ko ang pag bigat ng hininga ni Clinton at paghawak niya sa braso ko para malingon ko siya.

Madaming studyanteng nakamasid. Sino ba naman ang hindi titingin sakin? E' nagkarambolan kami kanina sa corridor ng lintang Cassy na iyon!

May pinasa siya sa akin ng isang video nila Clinton na naghahalikan sa loob mismo ng kotse! Akala ko perpekto na kami eh. Akala ko may forever na kami e! Pero akala lang pala lahat ng yon.

Nagtiis ako sa paghahabol niya kay Clinton! Nagtimpi ako kahit araw araw kong nakikita na tumatawag siya kay Clinton! Pero nang pinasahan niya ako ng video pumutok na lahat ng ugat ko sa dahil sa galit.

Binalingan ko siya at tinaliman ng tingin. Basang basa ang pisngi ko ng luha.

"Bakit mo'ko sinundan? Sabi ko ayoko na! Break na tayo!" Hinawakan ko ang kwentas na binigay niya sa akin ng birthday ko.Hindi ako nag dalawang isip ko na pinigtas iyon sa leeg ko. Nakaramdam ako ng kirot dahil hinila kolang iyon ng buong lakas at wala akong pake' kung ilang libo ito.

Hindi siya nagreact. Nakatitig lang siya sa aking leeg.

Hinampas ko iyon sa dibdib niya.
"Ibabalik ko na dagil ayoko na. Palagi nalang Clinton! Palagi nalang!"

Hindi ko alam kung hanggang kailan ako maiinis at magseselos sa mga ex fling niya na patuloy parin sa paglapit!

Nakita kong pinulot niya iyon at binulsa.Hinila niya ako palabas ng gate.

"Ano ba!"

Hinila niya ako papuntang parking lot ng Unibersidad at binato pa pasok ng kotse.

"Bwesit ka!" sigaw ko ng sinarado ang niya pinto.

Kinuha ko ang mga notebook ko nanasa dashboard niya at binato sa kanya.

"Fuck." mura niya ng tumama iyon sa kanyang labi niya.Dumugo ang ilalim ng labi niya.

Ganon' ba ka lambot ang labi niya? Kumuha ako ng wet wipes sa bag ko at pinunas sa labi niya. Napapikit siya at sumandal sa headrest.

"Ikaw kasi e." sisi ko sa kanya dahil alam ko namang naging bayolente ako.

Hinawi niya ang kamay ko at kinuha ang wipes sa aking kamay.

"Come here."

Nakaramdam ako ng kirot sa aking leeg dahil sa pagpigtas ko ng kwentas kanina. Bumaba rin ang tingin niya sa aking kamay na may mga kalmot ng kuko ni Cassy.

Mariin siyang pumikit at lumapit sa aking leeg at hinalikan ang munting sugat ko doon.

"Hindi kana sana nakipag away.."

Mas malala pa nga ang labi niya na may biyak na malaki dahil sa notebook na binato ko.Mas inaalala niya pa ako.

Suminghap ako at umiwas. "Kasalanan mo! May video kayo ng linta na iyon! Hanggang kailan kapa ba titigil sa mga ka manyakan mo CLinton? Kasi nasasaktan nalang ako palagi!"

"Matagal na.Matagal na akong nag bago. Wala akong pake' sa iba dahil na sayo lang ang atensyon ko. Sayo lang ako. "

Hinawakan niya ang kamay ko. " Ang video ay matagal na yo'n. Nung hindi pa kita nakita. Nung hindi pa kita kilala.Believe me baby kung ano man ang intensyon niya sa pagpasa no'n sayo wala akong alam." Kinagat nito ang labi niya at tinitigan ako ng mabuti.

Yung titig na hindi nagsisinunaling. Yung titig na purong katapatan lamang.

Maraming emosyong dumayo sa akin. Pero isa lang ang nanaig. Mahal ko ang lalaking ito.

Just LustWhere stories live. Discover now