Chapter 5
Luwalhati's POV
"Na-miss mo ba ako?" natatawa kong tanong sa kaniya. Hindi niya naman pinansin ang tanong ko at kinausap lang ang bartender.
"Ako hindi mo ba tatanungin?" tanong ko pa.
"Miss kita! Hindi man lang kita nakita sa ilang shoots. Buti nakita kita ngayon! Akala ko'y maghahanap na ako ng bagong crush," natatawa kong biro. Pinanood ko naman kung paanong nagbago ang ekspresiyon ng mukha nito. Masama na ang tingin sa akin ngayon wari'y may nasabi akong hindi maganda.
"Ito naman, hindi ba pupuwedeng mabait ka sa akin ngayon? Birthday ko!" reklamo ko sa kaniya. Kita ko ang pagkurba ng kaniyang labi subalit mukhang pinigilan din ang mangiti.
"I already greated you," aniya. Umirap na lang ako dahil 'yon ata ang depinisiyon niya ng pagiging mabait.
"Si Sandara, crush mo papalapit sa atin," bulong ko sa kaniya. Pinagkunutan niya naman ako ng noo at mukha pang gustong umirap. Lumapit nga talaga si Sandara. Friendly naman akong ngumiti at kumaway sa kaniya.
"Hi, Ms. Sandara! You look good. I watched your commercial! Ang sexy mo!" hindi ko mapigilan ang purihin siya kaya nilingon niya ako. Tipid lang siyang ngumiti. Ang intimidating din pala talaga.
"Thanks but I have so many baby fats in that photo," aniya kaya ngumiti na lang ako dahil hindi ko naman alam ang sasabihin. We all have our own insecurities even the most pretty girls in town.
"Excuse me," aniya na dumeretso kay Maurice. Naging malapad ang ngiti niya nang lapitan ito. Ngumiti lang ako bago sila sinulyapan. Kinuha ko na rin ang baso ko ng mojito bago nakangiting umalis. Mamaya ko na lang siya guguluhin. Nandito ang crush niya. Mahirap na.
"You're back, Hati," bati ng isang lalaki na pamilyar na sa akin dahil madalas ko ring nakikita.
"Oh, hi," bati ko pabalik.
"How are you? Didn't see you for almost a month," aniya sa akin.
"Yeah. I was banned. Minor pa last month," natatawa kong sambit. Namilog naman ang mga mata niya sa akin dahil sa sinabi ko.
"Wait. What?" tanong niya.
"You're just 17 then?" tanong niya.
"Yeah, I just turned 18 today." Tumawa pa ulit ako dahil mukhang hindi siya makapaniwala.
"Oh, happy birthday! Do you want me to treat you?" tanong niya sa akin.
"No, than—" Bago ko pa matapos ang sasabihin ay may dumaan na sa gitna namin. Agad ko namang nakita si Maurice na patungo sa dancefloor. Kumunot naman ang noo sa kaniya ng kausap kong lalaki at handa na sanang makipag-away dahil pinagtaasan pa kami ng kilay ni Maurice.
"Uh... excuse me," ani ko na ngumiti sa lalaki at sumunod kay Maurice.
"You'll dance? I thought you're not up for that?" tanong ko sa kaniya. Hindi niya naman ako pinansin subalit mabagal naman ang lakad. Buti na lang dahil talagang mababangga ko ang iba kung sakali. Nakasunod lang naman ako sa kaniya subalit balak lang atang maglakad-lakad sa dancefloor kaya naman agad ko siyang hinila patungo sa gilid. Nagsimula na rin agad sumayaw habang nakatingin sa kaniya. Malapad ang ngiti at hindi hinihiwalay ang mga mata sa kaniya. Mayamaya ay ikinawit pa sa leeg niya ang mga kamay ko dahil nakatayo lang siya roon at pinapanood lang ako.
Halos masamid ako sa sariling laway nang hapitin niya ang baywang ko at sinabayan ang ritmo ng kanta. Ni hindi rin inaalis ang mga mata sa akin. Pakiramdam ko'y tuluyan na akong nawalan ng hininga nang bumulong siya.

YOU ARE READING
Pahimakas
RomanceLuwalhati, a happy-go-lucky girl who's in love with her life. Party there, party here. She also has a grandma that loves her the most. Friends who are always there with her through ups and downs. Finally met the guy he likes. But everything goes wro...