Chapter 24

1.8K 32 0
                                    

Chapter 24

Luwalhati’s POV

“We’re on our way to Doctor Finley, My. Yup. Opo.” Nilingon ko si Maurice nang makita siyang kausap si Tita.

“Okay, see you, My,” aniya rito.

“Bibisita raw si Mommy sa susunod na mga araw. She have a business meeting here in Paris,” Maurice said kaya naman napanguso lang ako para pigilan ang ngisi.

“Sus, miss lang tayo niyon,” ani ko sa kaniya na siyang sinang-ayunan niya naman.

“That’s kinda true,” natatawa niyang sambit.

After staying here in Paris for two years. Madalas kaming kinukulit ni Tita kung kailan daw ba uuwi while me and Maurice still enjoying our lives here travelling and creating our name in business industry.

“She’s been saying that we should go back,” aniya kaya napakibit ako ng balikat.

“I don’t mind going back,” ani ko kaya napatingin siya sa akin. Kita ko agad na dumaan ang pag-aalala mula kaya nginitian ko siya.

“It’s been two years, I’m fine now,” seryoso kong sambit. I spend one and a half year conquering my trauma. I was diagnosed with post traumatic stress disorder and  thanatophobia. It was hard. I thought I’ll end up not wanting to live anymore but because of the people who wanted me alive, I stay…

Nagawa kong malagpasan ‘yong point ng buhay ko na ‘yon.

“Gusto mo na bang umuwi?” tanong ko sa kaniya.

“Hmm, let’s travel first and go back if you want,” aniya kaya tumango ako. Balak pa kasi naming magtungo sa greenland after i-open ang branch ng clothing brand ko.

After we visit Doctor Finley for my check up, umuwi na rin agad kami. Parehas naming day off ni Maurice kaya naman balak lang naming tumambay sa bahay.

“Produce x na naman,” ani Mau nang makita ang pinapanood sa television. Nang lumabas doon si Hangyul ay agad siyang humarang.

“Ano ba, Maurice?” Binantaan pa siyang ihahagis ang unan na katabi.

“Ano bang gusto mo riyan? ‘Di hamak na mas gwapo ako,” aniya na sumimangot pa. Inirapan ko naman siya dahil do’n. Asa.

“Alam kong si Maurice Ruiz ka pero mas gwapo ‘yan, Bhie,” ani ko kaya natatawa niya akong inirapan.

“Mabait ba? Mabait din ako,” sambit niya pa.

“Dancerist? Magaling din akong sumayaw,” aniya na nagsimulang sumayaw ng ‘love shot’ kaya hindi ko maiwasan ang mapahagalpak ng tawa lalo na nang ginaya niya pa ang produce x version. Talagang sa akin pa siya tumapat para lang sumayaw.

“Alam mo, buti na lang gwapo ka!” Humagalpak pa ako ng tawa kaya naman natawa rin siya nang mahina bago natatawa na lang na lumapit sa akin at niyakap ako.

I never thought that I’ll laugh again this way. I thought I won’t enjoy any hobby now but look at me stanning new set of people. Enjoying the best time making clothes and travelling. Having my best time making friends and taking pictures.

Ikinulong na lang ako ni Maurice sa kaniyang bisig habang nakikinood din sa television. Kunwari pa, pick din naman si Seungwoo. Natahimik na kami habang nanonood bago siya nag-aya ng random na gala which is napilit niya rin ako.

Nagtungo kami sa Time Square para kumain. We just ate pizza and enjoy the sunset. It was pretty fun. Ganoon naman din kasi ang nakasanayan naming dalawa. Kapag walang magawa’y namamasyal lang sa kung saan.

PahimakasWhere stories live. Discover now