Chapter 26

1.8K 32 1
                                    

Chapter 26

Luwalhati's POV

"Good morning, Lola," bati niya pa kay Lola kaya hindi ko maiwasang mapangiti lalo na nang ilatag niya ang picnic mat sa damuhan.

It's been two years bago ako nakabalik at hindi ko maiwasan ang matuwa habang kinukwento kay Lola ang mga ganap sa buhay ko sa paglipas ng panahon. Maurice even open those photo album tila ba pinapakita rin kay Lola 'yon.

"I still remember when I met your Lola, she shows me your photo album. I still have your picture here," nakangiti niyang saad at pinakita pa ang wallet na siyang may litrato ko.

"Sus, parang hindi ko naman nakikita. Alam ko naman kung gaano ka kapatay na patay sa akin," natatawa kong sambit kaya inirapan niya ako.

"Yabang," aniya na may ngisi rin sa labi.

Ang tagal din naming nanatili sa puntod ni Lola saka lang napagpasiyahan na umuwi nang sumapit ang tanghali.

We decided to eat in some fastfood kaya inabala ko ang sarili habang nakatingin sa bintana ng sasakyan. Traffic kaya hindi rin kami makausad. Mayamaya lang ay napabalik ako ng tingin kay Maurice.

"Love..." tawag ko sa kaniya kaya bahagya niya akong nilingon.

"Hmm?" patanong na saad niya.

"Thank you..." nakangiti kong saad kaya tinignan niya ako.

"That's nothing. Lakas mo sa akin." Napangiti naman ako roon. Hindi naman na nawala ang tingin ko sa kaniya.

"Maurice," tawag ko muli. Hindi naman niya ako malingon dahil umuusad na ang mga sasakyan.

"Hmm?" patanong na saad niya habang nasa kalsada ang tingin.

"Do you want to continue our wedding?" It's been 2 years since we postpone our marriage because of me. Siguro naman ay sapat na ang dalawang taon para ituloy ang naudlot na kasal.

I thought he'll be happy because of it but his expression didn't even change. Dahan-dahan namang nawala ang ngiti sa mga labi ko. Pakiramdam ko'y bigla akong na-reject.

"Ayaw mo ba?" Hindi na naitago pa ang disappointment sa aking tinig.

"It's not like that..." aniya na mukhang guilty dahil sa itsura ko.

"I just think that this is not a good time for a wedding... you know there's still a lot of problems in our company..." mahinang saad niya na halos hindi maituloy ang sasabihin. Disappointed ako subalit naiintindihan ko rin naman. Sa huli'y napatango na lang ako dahil alam ko naman na magpapakasal din talaga kami.

He waited for two years, ano ba naman ang ilang buwan na paghihintay para matapos ang problema nila, 'di ba?

"Are you upset?" tanong niya.

"I'm sorry..." mahinang saad niya kaya umiling lang ako.

"Ayos lang, sino ba naman ako para pakasalan mo?" natatawang biro ko kaya napaawang ang labi niya.

"Joke." Humalakhak pa ako dahil guilty'ng guilty ang mukha niya.

"Ayos lang, sa akin din naman bagsak mo," ani ko na ngumisi pa sa kaniya.

"But we'll get married after you solve your company's problem, right?" tanong ko sa kaniya.

"Gago, parang luging-lugi ka pa, ah!" reklamo ko nang makitang mukha siyang nag-iisip. Napatawa naman siya sa akin dahil do'n.

"We will..." aniya na ngumiti bago ginulo ang buhok ko.

But I never really thought na mas lalo lang palang lalala ang problema ng kompanya nila. To the point na wala na talaga siyang pahinga. Ni hindi man lang siya makapagday off sa dami ng gawain.

PahimakasWhere stories live. Discover now