PO 1

2.1K 88 55
                                    

Pabagsak na nahiga si Troy sa kama. Nakapikit man siya, bukas na bukas ang kaniyang isipan. Halos siyam na araw na ang nakakaraan ng mangyari ang malagim na aksidente. At sa tuwina, kapag ganitong mapag-isa siya, bigla na lang tutulo ang kaniyang luha.

Hindi para pagsisihan ang partisipasyon niya sa kamatayan ni Amaris. At hindi rin para pagluksaan ang minsan niyang naging kaibigan. Kung hindi dahil sa kamatayan ng unang lalaking kaniyang minahal.

Si Michael.

Si Michael na walang ibang sinamba kung hindi si Amaris. Unang kita palang niya sa binatilyo, nagkaroon na siya ng dahilan para pumasok araw-araw. Subalit, dahil alam niyang straight ito at wala siyang napabalitaang pumatol iyon sa kahit sinong nasa third sex, pinili niyang makipaglapit sa babaing gustong-gusto nito.

"Aray, ano ba!" Muntik nang mapasubsob si Troy sa halamanang nasa gilid nang mabunggo sa biglaang pagliko niya sa kanto ng hallway. Buti na lang at naitukod niya ang kamay sa pader.

"Oh my God, so sorry."

Napaangat ang mukha ni Troy at nasilayan niya si Amaris mula sa star section ng batch nila. Kilala niya ito by name dahil medyo sikat ito sa pagsali-sali ng mga beauty pageant sa kanilang eskuwelahan.

Tatarayan sana ito ni Troy dahil sa totoo lang kahit wala naman itong ginagawa sa kaniya naalibadbaran siya sa pagmumukha nito. Oo, insecure ang beauty niya sa gaya nitong mala-dyosa.

Subalit, matapos na damputin nito ang nahulog niyang ballpen na may feather pa sa dulo, pasulyap itong tumingin sa likuran at nang sundan niya iyon, bumilis ang tibok ng kaniyang puso.

Ang kaniyang pinagpapantasyahang si Michael!

Napaangat ang ulo ni Troy nang makarinig nang bumagsak. Inilibot niya ang paningin sa may kadilimang silid. Tanging liwanag mula sa bukas na bintana ang tanglaw niya sa paligid. Tuluyan siyang napabangon, sabay punas sa pisngi nang tumulong luha, nang biglang bumukas ang ilaw sa CR at umingit ang pinto pabukas. Hindi siya naniniwala sa multo pero tumaas na ata ang lahat ng balahibo niya sa katawan. Hindi niya alam kung bakit bigla niyang naisip si Amaris. Ipinilig niya ang ulo at pilit na binalewala ang naiisip at nararamdamang takot. Maaaring hangin lang iyon bagamat niloloko niya ang sarili dahil maalinsangan nga ang gabing iyon.

Tuluyan siyang napatayo nang marinig na bumukas ang gripo. Napapalunok siyang nilapitan nang marahan ang switch ng ilaw. Subalit, nakailang subok na siya ay hindi pa rin iyon bumubukas.

I'm Sorry: Puzzled OutWhere stories live. Discover now