PO 7

536 34 11
                                    

"Sa tingin mo, anong magandang partner na shoes nitong dress? Hindi kasi ako makapamili e."

Halos mapanganga si Pam sa kasing-laki ng bahay nila ang closet palang ni Amaris. Hindi na rin magkasya ang napakaraming damit, bag at sapatos sa loob niyon. May inggit na pinaghahawakan niya ang mga iyon. Naiisip niyang sana ay mayroon siyang mga ganoon o higit pa. Unang pagkakataon na nakapasok siya roon at talagang manghang-mangha siya.

"Hoy! Ano? Itong red ba or black?" Itinaas pa ni Amaris sa magkabilang kamay ang mga sapatos.

Ni hindi lumingon si Pam sa gawi ni Amaris at parang nais niyang iuwi lahat ng ang iyon. Lalo na ang mga usong naroon na sa larawan niya lang nakikita. At napersonal na nga niya, sa mismong bahay ng itinuturing siyang matalik na kaibigan.

"Kahit ano naman, bagay sa 'yo." Parang wala sa loob na sagot ni Pam. Nanatili siyang nakatingin sa mga napakaraming sapatos, bag at mga damit. Inggit ang nangingibabaw sa kaniya sa pagkakataong iyon na sana siya nagmamay-ari ng lahat ng iyon.

"Oo alam ko naman 'yun. Pero siyempre, gusto kong malaman pa rin ang opiniyon mo. So, ano nga?" Bahagya nang lumapit si Amaris sa puwesto ni Pam at halos ingudngod sa harapan nito ang mga sapatos sa magkabilang kamay.

"Black." At hinawi pa nito nang marahan ang mga sapatos palayo sa kaniyang mukha na siyang ikinatawa ni Amaris.

"Bet ko rin ito. Good choice, bes." At excited na lumabas ng dressing room bitbit ang sapatos. Naiwan naman si Pam na parang nais iuwi ang lahat ng iyon. Pagkaminsan ay binibigyan naman siya nito ng sapatos at damit, mayroon ding bag. Iyon nga lang, pinaglumaan na nito. Mga patapong bagay na siya ang sumasalo.

Bago lumabas ng dressing room ay ipinangako niya sa sariling magkakaroon din siya ng mga iyon; mas marami, mas mahal at mas magaganda.Hindi na niya kailangang manghingi o bigyan ni Amaris ng pinaglumaan.

Mga bagay na matatawag niyang kaniya

***

"Ano? Masaya ka na ba?"

Natumba si Pam nang may magsalita sa bandang kaliwang tainga niya. Pinilit niyang tumayo pero isang kamay ang humawak sa kaniyang kanang balikat. Papalisin niya sana ito, subalit ang ina ni Amaris ang kaniyang nalingunan.

"Okay ka lang?" Kagyat siya nitong itinayo nang mapansin na para itong namumutla sa sunod-sunod na pagtango.

"O-opo." At pinagpagan nito ang bandang puwitan pagkatayo. Dinampot na rin niya ang mga nagkalat na mga paper bags na naibagsak sa labas. Nalilito na ring nakipulot si Mrs. De Jesus, matapos na isara ang nakitang bukas na pinto ng kotse. "Natumba lang po ako." At pinilit ni Pam na ngumiti dahil parang nanunuri pa ang tingin ng ginang. "Tara na po."

Umayon na rin ang nanay ni Amaris bago nagpatiuna na sa pagpasok muli sa kabahayan. Kaagad namang sumunod si Pam at hindi na tinangkang lumingon pa muli sa kotse. Baka kung ano pa ang makita niya.

***

Nabato ni Troy nang hawak na suklay ang salaming nasa harapan. Gawa sa kahoy ang hawakan nito kaya lumikha nang malakas na tunog iyon na nagresulta sa pagkalamat niyon. Bagamat napakaraming mukha niya ang nakikita sa salaming puro lamat ay patuloy ang ginawa niyang pag-atras. Sa loob siya ng sariling kuwarto. Noong nakaraan ay napagdesisyunan ng kaniyang ina na pabendisyunan ang bahay dahil na rin sa mga nararamdaman niya na alam niyang si Amaris ang may gawa. Kaya, bumalik na rin siya sa sariling kuwarto. Sobrang kampante na ang kalooban niya na hindi na ito manggugulo pa. At napatunayan naman niya sa ilang araw na hindi ito nanggulo.

Subalit, nagkamali siya. Dahil kani-kanina lang, habang nagsusuklay ay mukha nito ang biglang lumitaw na imahe sa harapan. At sa sobrang gulat niya nga ay napatayo at naibato niya ang hawak na suklay.

Puno nang galit ang mukha nito na nababalutan ng dugo. Ikiniling nito ang ulo at nakangising nanatiling nakatitig sa kaniya. Nangilabot siya sa isiping baka patayin na siya nito kaya nagmamadaling tinungo niya ang pinto kahit pa panty at bra na may makapal na foam ang kaniyang suot.

Nang abutin niya ang doorknob ay may pagmamadaling pinihit iyon pabukas. Subalit, kahit anong pilit niya ay nanatili iyong nakapinid. Inuga-uga at nagsisigaw niya sa paghingi nang tulong sa kung sino man ang makakarinig sa kaniya sa labas.

Naghahalo na ang sipon at luha niya sa mukha. Ramdam niyang nasa likuran lang niya si Amaris. Amoy niya ang mabahong amoy patay sa paligid.

"You are my sunshine... My only sunshine... You make me happy, when skies are gray..."

Natigilan si Troy nang marinig ang kanta ni Amaris sa kaniyang likuran. Bagamat malalim iyon at may galit ang bawat bigkas ng kanta ay napalunok siya nang ilang ulit.

Alam na alam niya ang kanta na iyon.

Nakakapangilabot.

***

"You are my sunshine

My only sunshine

You make me happy

When skies are gray."

Natigilan si Troy sa tangkang pagbukas ng pinto patungong rooftop ng kanilang eskuwelahan nang marinig ang medyo may kalakasang kantang iyon. Napakunot-noo siya at pabiglang binuksan ang pinto. Mabining hampas ng hangin ang sumalubong sa kaniya at si Amaris na nasa bandang kaliwa; nakasandal nang paupo sa lapag at may pasak na earphone habang hawak ang cellphone sa kanang kamay.

Inilibot muna ni Troy ang paningin at walang ibang tao kung hindi ang nag-iisang babaeng ngayon ay blangkong nakatingin sa kaniya.

"What are you doing here? ...alone." Like duh? This is my place why are you here? Can you please gone? As in, forever? Siyempre, hindi niya sinabi ang mga iyon. Medyo nakairap pa na nakapamaywang siya sa harapan nito.

Tipid na ngumiti si Amaris at balewalang ibinalik ang paningin sa hawak na cellphone. Pasimple rin na pinunasan nito ang kaliwang pisngi na hindi nakaligtas sa paningin ni Troy. Medyo lumambot ang itsura niya sa nakitang pag-iyak nito. At parang sobrang lungkot ng itsura nito na hindi kadalasang nakikita nila sa masayahing si Amaris

Tumikhim si Troy bago huminga nang malalim. Nagdadalawang-isip tuloy siya kung mananatili para kausapin si Amaris kung ano ang bumabagabag dito o tatalikod at iisiping wala naman siyang pakialam kung sakali mang may problema ito. Ang pangalawa ang kaniyang ginawa. Hindi naman sila ganoon ka-close nito para maki-moment siya sa trip nitong pag-e-emo. Kilala niya ito oo pero dahil kay Michael. Ito ang kinahuhumalingan ng matagal na niyang mahal. Pinipilit niya lang naman makisama rito para kay Michael. Nais niyang hanapan ito ng baho para naman ma-disappoint at sa kaniya mabaling ang pagtingin nito.

"I miss my dad. Ito ang palagi niyang kinakanta sa akin bago matulog ." Natigilan si Troy sa narinig. Tinanggal ni Amaris ang pagkaka-hook ng earphone sa cellphone niya kaya pumailanlang ang malakas na kanta nito sa paligid. Kasabay nang paglingon ni Troy ay ang pagdaloy ng luha ni Amaris. Hindi na iyon pinunasan ng dalagita bagkus ay inilapag ang cellphone sa tabi at niyakap ang mga tuhod. Nangalumbaba rito at nagpatuloy sa pag-iyak.

Lumapit na si Troy at inilapag ang mga gamit sa gilid bago tahimik na tumabi sa kanan nito. "Ganern talaga. Una-una lang 'yan. Gusto mo bang sumunod kay pudra?"

Hilam ang luhang lumingon si Amaris sa katabing si Troy. Pero , imbis na mainis o magalit, natatawang hinampas niya ang braso nito. Kasabay nang pagsasabing "charot lang" ay ang pag-iwas ni Troy sa kamay na dadapo sa kaniyang braso. Pinunasan naman ni Amaris ang mga luha sa magkabilaang-pisngi gamit ang mga palad.

"Patayin mo na nga 'yang music mo. Ang old old old school!" At tumayo na si Troy matapos na damputin ang kaniyang mga gamit.

"Paborito ko kaya ito. Ayaw mo 'nun, ako maalala mo kapag naririnig mo ang kantang 'yan." Nakangiting dinampot na din ni Amaris ang kaniyang mga gamit at cellphone, pero hindi niya pinatay ang tugtog dito.

"Ew, kahit hindi na kita maalala."


I'm Sorry:
Puzzled Out
Jhavril
2019

03-06-19

I'm Sorry: Puzzled OutWhere stories live. Discover now