PO 4

1.3K 73 55
                                    

“Hija, gumising ka na.” Nakangiting tinapik ni Mrs. De Jesus si Pam sa kaliwang balikat. Napakasarap pagmasdan na may natutulog na sa kuwarto ng anak. Hindi pa rin siya tumitigil sa paghahanap sa nawawalang si Amaris. At hindi na iba sa kaniya si Pam. Itinuturing na rin niya itong anak niya. Magkasing-edad naman ang mga ito, magkasing-bulto, kahit pa mas payat ang anak, magkasing-laki rin naman sila. At pareho pang mabait at maganda.

Nag-inat si Pam at nagmulat. May pagtatakang napatingin sa nabungarang si Mrs. De Jesus. Nang mapagtanto niyang nasa bahay nga pala siya nito, agad siyang napabalikwas ng bangon, sanhi para kumirot ang braso niya. Napangiwi si Pam at hindi iyon nakaligtas sa paningin ng ina ni Amaris.

“Naku, anong masakit sa ‘yo?” Inalalayan siya nitong maisandal sa kama at sinubukang i-check ang braso niya. Pero umiling at tipid na ngumiti lang si Pam.

“Ayos lang po, medyo nabigla lang kaya po siguro kumirot”

“May gamot ka bang iniinom para sa kirot?” Bakas ang pag-aalala sa mukha ng ginang kaya naman medyo nakunsensiya si Pam at napakabait nito sa kaniya tapos hindi niya masabi ang totoong nangyari kay Amaris.

“Mayroon po.” Tipid na ngumiti si Pam. Tinangka na rin niyang bumaba ng kama pero pinigilan siya ni Mrs. De Jesus.

“Sige na, mamaya ka na bumangon kung masama pakiramdam mo. Padadalhan na lang kita ng pagkain kay Aling Maring.” Napasulyap pa ang ginang sa manikang nasa kanan ni Pam, napangiti ito bago marahang tumango at lumabas ng kuwarto.

Malawak namang napangiti si Pam.

“Napakasarap talaga ng buhay ni Amaris. Na akin na ngayon.” Binalingan nito ang manika at nasisiyahang hinimas-himas ang buhok nito.

***

Isang malakas na suntok ang sumalubong kay Kiko pagkapasok na pagkapasok niya ng bahay. Tiim-bagang na napakuyom ang palad ang ama ni Kiko. Pinunasan naman ng binatilyo ang labing may dugo gamit ang likod ng palad.

“Gago ka! Ano ‘yung nabalitaan kong nag-bar ka lang imbis na pumasok?” nagsisigaw sa loob ng kabahayan ang ama ni Kiko. Ang ina naman niya ay hinahagod ang likuran ng asawa dahil masama rito ang sobrang galit. “Naghihirap kami para sa pag-aaral mo, tapos ganito ang gagawin mo?” inambaan pa nito ang anak subalit pinigilan na sila ng ginang.

Hindi na lang umimik si Kiko. Kahit ano naman ang sabihin niya, hindi naman nito paniniwalaan. Hindi man tinanggal sa trabaho ang kaniyang ama ng ama ni Michael ng dahil sa nangyari, pinababa ito sa mas mababang posisyon. Hindi na rin ito pinapansin ng dating kaibigan. Kahit pa hindi napatunayan na may kasalanan sila sa pagkamatay ni Michael, naging sanhi pa rin iyon ng galit ng ama ni Michael. At dahil doon, sa kaniya naibunton ng ama ang galit. Kahit wala naman siyang ginagawa, para sa ama mali ang lahat. Nung una, pinagtatanggol pa niya ang sarili, subalit nanawa na rin siya ng hindi naman ito naniniwala. Kaya pinabayaan na lang niya kahit nasasaktan siya, gaya na lang ngayon.

“Anak, umakyat ka na sa kuwarto mo.” Tinanguan pa siya ng ina, pero agad siyang pinigilan ng ama.

“Hindi! Magpaliwang ka at hindi ko na kukunsitihin ang mga pinaggagawa mo! Sumusobra ka na, Kiko. Kapag hindi ako nakapagpigil, ipapadala kita sa tito mo sa probinsiya!” Nakakuyom ang palad ng padre de pamilya at pigil na pigil ang galit para sa nag-iisang anak.

“Whatever, dad.” At iwinasiwas pa nito ang kaliwang kamay pagkatalikod. Wala na siyang pakialam kung saan man siya itapon ng ama, tutal naman, hindi na ito makikinig sa kaniyang mga paliwanag. At alam naman niyang hindi nito iyon magagawa.

Nanghihinang napaupo sa sofa ang ama ni Kiko, habang himas-himas pa rin ng kaniyang esposa ang kaniyang likuran. Niluwagan na rin niya ang necktie dahil masiyado na siyang hindi makahinga sa sobrang galit.

Kailan kaya titino ang kanilang anak?

***

Pabagsak na isinara ni Kiko ang pinto. Hindi na nag-abalang maghubad ng sapatos at agad na tinalon ang kama at pahilatang nahiga. Nangingiting inilabas ang cellphone sa kanang bulsa ng pantalon at tsinek ang mga videong kinuhaan niya mula sa party ng kaibigan.

Hilig niya ang pagkuha nang mga kalaswaan sa babaeng may seksing katawan; may malalaking hinaharap, puwet at magagandang legs. Hindi niya alam kung sakit na ba itong matatawag, pero nagkakaroon siya ng satisfaction sa sarili kapag nabibidyuhan niya ang mga ito. At papanoorin sa loob ng kaniyang kuwarto.

Isinuot na rin niya ang earphone para mas dama niya ang ingay sa video. Si Lalaine ay pinsan ng may kaarawan. Maliit na babae pero napakaputi. May katabaan kaya umbok ang puwetan nito at hinaharap. Magkasing-edad lang sila at sa suot nitong hapit na itim na dress, halos maglaway ang mga kalalakihang nakakakita sa kaniya. At isa na siya roon.

Dahil bar ang kinaroroonan nila, inaya niya itong magsayaw. Todo giling ito sa video na hindi nito namalayan na kinukuhaan na pala niya. Halos tumindig na ang kaniyang pagkalalaki nang gumiling-giling ito sa harapan ng kaniyang camera at kumagat-labi pa. Umikot-ikot si Lalaine na parang nang-aakit kaya napapikit si Kiko habang hawak na niya ang kaniyang pagkalalaki.

In-imagine niyang nasa harapan niya si Lalaine habang sinasayawan siya sa ibabaw ng kama.

Kiko

Malamyos ang tinig na narinig niya sa earphone kaya lalong napapadiin ang kamay niya sa ibabaw ng kaniyang pantalon.

Kiko

Napapahinga na siya nang malalim habang nakapikit nang mariin. Palapit na si Lalaine sa kaniyang imahinasyon at ang labi nito ay patungo sa naghihintay niyang labi.

Kiko! Hayup ka!

Biglang napamulat si Kiko sa mabagsik na tinig na iyon kasabay nang pagsulyap sa cellphone. At pabigla niya iyong naihagis! Sumamang natanggal ang earphone.  Napatayo at gulat na nakatingin sa cellphone na bumagsak sa sahig.

Si Amaris!

Nanlilisik ang mga mata habang puno ng dugo ang buong mukha at galit na galit na nakatingin sa kaniya!

I'm Sorry:
Puzzled Out
jhavril
2018

I'm Sorry: Puzzled OutWhere stories live. Discover now