PO 5

1.2K 65 37
                                    

Napapaatras si Kiko habang nanatiling nakatingin sa cellphone, partikular sa mukha ni Amaris.

Hayup ka! Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa akin!

At isang malakas na sigaw ang pinakawalan ni Amaris. Natakpan ni Kiko ang magkabilaang tainga na halos mabasag na ang eardrum niya sa lakas niyon. Subalit, hindi siya nagpadaig. Walang sabi-sabing inapakan niya nang mariin ang cellphone gamit ang suot pang rubber shoes. Pinakadiinan niya habang tikom ang bibig sa sobrang panggigigil.

"Patay ka na ng gaga ka! Ako pa tatakutin mo! Ayan! Mamatay ka pa!"

Hindi niya tinigilan ang naturang cellphone at paulit-ulit na inapakan. Durog-durog na ito nang huminto si Kiko. Hinihingal na napaupo siya sa kama habang nanlilisik pa rin ang tingin sa cellphone niyang tanging basag na salamin at sira nitong mga parte ang natira.

Subalit, napaigtad siya kasabay nang pagmumura nang malakas ng isang mahigpit na kamay ang kumapit sa kaniya sa kanang itaas ng kaniyang paa. Napayuko siya upang silipin kung ano yun. Isang kamay iyon na nababalutan ng dugo! Mahahaba rin ang kuko nito na nagsimula nang tumusok sa balat niya kahit pa nakapantalon siya. Ramdam niya ang gigil at nais pa atang putulin iyon gamit ang matutulis nitong kuko.

Pinagpag niya ang paa at pilit na tinatanggal iyon. Gagamitin niya sana ang isang paa at aapakan ang naturang kamay subalit, isa pa muling kamay ang kumapit doon. Gaya ng isa, matutulis na kuko rin ang bumabaon dito. Dala ng kabiglaan, napatayo si Kiko at sa isang iglap, nahila siya ng mga hindi niya kilalang nagmamay-ari ng mga kamay. Padapang lumagpak sa sahig si Kiko, na lumikha nang malakas na kalabog. Masakit man ang katawan sa biglaang pagbagsak, nakuha pa niyang hawakan ang paa ng study table para hindi siya ganap na mahila patungong ilalim ng kama.

Parehong mahigpit ang kapit nila; ang mga kamay na kuko ang ginagamit na panghawak sa kaniyang paa at siya sa paa ng study table. Kahit sobrang sakit na, pilit pa ring hindi bumibitaw si Kiko sa pagkakahawak. Pakiramdam niya, malapit nang humiwalay ang mga paa niya sa kinahuhugpungan nito.

Pinilit niyang isipa ang kahit isang paa, subalit lalo lang bumabaon ang mga kuko nito. Napapahiyaw na sa sakit si Kiko. Hinihila na siya papasok sa ilalim ng kama ng kung sino man iyon. Isang malakas na paghila sa kaniya at nahila na rin ang may kabigatang study table. Napasigaw sa kabiglaan si Kiko. Eksaktong bumukas ang pinto. Unang iniluwa ang kaniyang ina na gulat at nagtataka sa kaniyang itsura; nakadapa habang tila yakap na niya ang isang paa ng study table at ang kalahati ng katawan ay nasa ilalim na ng kama. Nasa likuran nito ang kaniyang ama na nakakunot din ang noo.

"Ano na namang kalokohan 'yan, Kiko?" Mabilis na nakalapit ang padre de pamilya at agad na napansin ang basag na cellphone na nasa bandang tiyan niya. "Tumayo ka nga riyan! Para kang timang sa itsura mo!"

Hindi bumibitaw na sinilip ni Kiko ang ilalim ng kama at sinubukang igalaw ang mga paa. Wala na siyang nararamdaman na may nakakapit doon. Dagli siyang umalis sa ilalim ng kama at mabilis na tumayo. Kita pa rin sa mukha niya ang takot habang nakatingin sa kama.

"Anong ibig sabihin nito, Kiko? Hindi porke't pinagalitan kita ay magsisira ka na ng gamit mo! Tapos makikita ka namin na nasa ilalim ng kama at..." agad na yumuko ang ama para silipin ang ilalim ng higaan niya, "wala namang kakaiba rito." Naniningkit ang mga matang tumayo ito ng tuwid at hinarap siya nang may pag-aakusa. "Magtapat ka nga. Nag-aadik ka na ba?"

Mula sa nakakatakot na itsura, biglang nagpalit sa pagiging galit ang mukha ni Kiko patungkol sa ama. Naikuyom niya ang mga kamao at kamuntik na niyang masapak ito, buti na lang at napigilan niya ang sarili.

"Hindi po ako gumagamit ng kahit anong drugs. Puwede n'yo akong ipa-drug test ngayon din. Pero alam kong hindi pa rin kayo maniniwala. Dahil mas pinapaniwalaan ninyo ang iba kaysa sa akin na sarili ninyong anak ." Madidiin ang bawat salita ni Kiko at nanatiling nakakakuyom ang mga kamao niya, nakakatitig ng matalim sa ama.

I'm Sorry: Puzzled OutWhere stories live. Discover now